Fifth Encounter

16 2 0
                                    

[Fifth Encounter]

Zaney's POV

I wore a white slacks today partnered with a black polo blouse with 3/4 sleeves. Nagsuot din ako ng gold necklace at iniwan na tulog si Edsel. His drooling face made my morning so bad that I have to close my eyes for a minute.

"Mare, bakit amoy kinasal ka?" I flinched at Gretna's claim as she stared at my ring. Cr*p, Hindi ko pala nahubad kanina.

Hindi nakaligtas ang sinabi ni Gretna sa tainga ni Thalima. Inilapit nila ang swivel chair sa table ko at nagtakip ng bibig.

"Oh my—pumayag kang maging mistress ni Erdel?" singhap ni Thalima. Hindi ko talaga alam kung saan humuhugot ng lakas ng loob ang dalawang kasama ko para sabihin ang mga bagay na lampas sa kanilang imahinasyon.

I glared at her and corrected, "Sira, kinasal ako kahapon sa kuya niya pero civil lang. Naghahanap lang ako ng magandang tiyempo para masabi sa inyo at nagpapractice na hindi magtunog chismis. H*ck, ayaw kong maging headline rito sa opisina at maging laman ng gossip araw-araw," mahinahon kong paliwanag which made them stop for a while to absorb everything.

Napainom ng Iced Americano si Gretna at inilapit pa ang kanyang upuan sa akin, "Then, how was your first night? Details!" pinagpapalo pa nito ang braso ko at sumabay na rin si Thalima. Kahit kailan, hindi nila ako binigyan ng payapang break time, sa totoo lang.

I reacted as if her question was almost impossible to answer, "Wala. Natulog lang kami pareho," sabay humithit ng vicks inhaler na nakasabit sa aking ID.  Wala naman akong sakit, pero habit kong amuyin ito dahil masarap sa pakiramdam.

Kitang-kita sa kanilang mga reaksyon ang pagkadismaya at kawalan ng satisfaction. Iyon na ang pinaka-detailed na pangyayari ang kayang kong ikwento. "Eh? ayaw niyo pareho?"

"Baka not in the mood kasi pagod, Mare," sagot ni Gretna sa tanong ni Thalima.

"I'll let you meet him some other time at kayo na lang ang humusga. Afterwards, kayo pa ang mag-udyok na humanap ako ng iba," I faked a smile and drank my water.

Nagkatinginan silang dalawa at bumalik na sa kani-kanilang pwesto.

Napakabilis ng oras kapag nasa trabaho ako. During lunchtime, I asked them to let me be alone just for today. Habang kumakain ako, hindi ko maiwasan na maalala ang napag-usapan namin ni Erdel after his beach wedding.

| Flashback |

Hinintay ko siya sa may dalampasigan. Gabi na pero nag-alok pa rin ng alak at tinungga ko pa rin naman ito.

D*ng! Gin pala ito at wala pang chaser!

"Low tol ka pa rin, huh?" panimula niya. How dare him to stay calm while I am tearing on the insidem Ang dami kong nais sabihin na at that moment, sampal ang gusto kong maging introduction.

"Yeah. G*go ka pa rin, no?" I mimicked his tone.

Natigilan siya at nagets ang ibig kong iparating.

"Here I thought, maghihiwalay din kayo after all these years. Haha. I waited for you, just in case. Tapos inimbitahan mo pa ako sa kasal mo?" I faked a laugh at humampas ang lamig ng hangin.

Kung tao siguro ang mga yamang tubig ay saksi ang mga alon sa rumaragasang damdamin na kumawala sa akin.

"Patawad. Sobra. Alam ko na kulang ang ilang paumanhin para patawarin mo ako, pero sana, nadama mo rin na naghintay din ako para sa ating dalawa," he said.

"Hindi ko naman akalain na siya na, e. I didn't cheat on you, kagaya ng sinabi ko sa'yo noon. Hindi ako nagpakita ng motibo. Unconsciously, I fell. Wala rin siyang hidden agenda, believe me," dagdag pa niya dahil alam niyang hindi ako kumbinsido o natutuwa sa una niyang sinabi.

Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon