Zaney's POV
"Gising na, nandito na tayo," niyugyog ni Edsel ang balikat niya at narinig ko namang tumawa sina Thalima at Gretna.
Kinuha ko ng bag na nasa ibaba ko at akmang alis na nang pigilan ako ng tatlo, "Biro lang. Thirty minutes pa bago raw makarating doon. Traffic e," isinubo ni Gretna ang ilang piraso ng Nova at kumuha naman si Thalima ng V-cut.
"Dapat pala dinala ko 'yung cactus sa bahay para natusok ko kayong tatlo," sabi ko dahil sa inis. Ipinakita pa sa akin ang sleeping face ko at wala naman akong pakialam. Mas marami akong paki sa tulog ko, "Akala mo naman papayagan kitang dalhin," mayabang na sagot ni Edsel dahil pagmamay-ari niya ito.
Hindi ko na ito pinansin at natulog na muli. Akala ko makakaligtas na ako sa pagluluto ng alamang dahil sa kiss ko kagabi. Hindi pala. Ginising nga ako sa pamamagitan ng paghila sa paa ko.
"Bukod sa plant business mo, mayroon ka pa bang ibang trabaho?" rinig kong tanong ni Thalima sa may direksyon ko at sinasadya nila sigurong mag-usap para magising ako, "Bumili ako ng lupa nang makaipon ako kaya minsan ay binibisita ko ito. May ilang porsyento akong nakukuha roon tuwing anihan at tinutulungan ko naman si Mama hanggang ngayon sa Honey business niya," paliwanag ni Edsel.
Pinilit ko rin na makatulog ulit pero nayugyog na ang sasakyan dahil sa mabatong daan. Pumikit na lang ako at humalukipkip.
"Ayos, ah? Paniguradong marami ka rin na kasundong mga farmers," sumabat ang boyfriend ni Thalima na si Martin. Tumawa naman si Edsel at natuwa sa sinabi sa kanya, "Nako, sinabi mo pa. kinakantyawan nga ako na imbitahan ko raw sila sa kasal ko."
"Kunwari tulog, pero kinilig nang marinig ang kasal," segue ni Gretna at sinundot ang tagiliran ko. Hindi pa rin pala siya behave kahit kasama ang ka-fling niyang si Curt. "Babe, namamahinga 'yung tao," ayan, sinaway na. Haha, buti nga.
"Pasensiya ka na, trip talaga nilang bulabugin ang asawa mo dahil nakakaaliw daw," sabi ni Martin. "Bukambibig nga palagi ni Gretna ang buhay nina Thalima at Zaney sa tuwing magkasama kami," inilaglag pa ni Curt ang kasama niya.
Iminulat ko ang aking mga mata at naka-peace sign sa akin ang dalawa kong kumare. Nagmake face ako at kumuha ng makakakain.
Natahimik muli nang makaraan ang ilang minuto at mukhang nakatulog ang maiingay kanina.
"Isinuot mo na 'yung bigay ko sa'yo?" dumikit siya sa balikat ko para ibulong iyan at nag-init ang tainga ko. Tumango ako at kumagat ng Tomi. Nagsuot lang ako ng jacket at shorts, pero nasa ilalim nito ang tinutukoy niya. Napansin niya siguro ang itim na tela.
Nagsuot din ako ng gold na kwintas at huhubarin ko kapag lulusong na sa tubig. Pang-awra lang, ganoon.
"May inilagay akong polo at shorts sa bag mo. Kahit huwag mo nang ibutones 'yung polo dahil mainit," ako kasi ang nagvolunteer na mag-impake ng gamit niya. Ang lalaki ng sizes, grabe! 'Yung polo niya, daster ko na. Parang cardigan na rin sa akin.
Itinaas niya ang dalawang kilay bilang pagsang-ayon at bumaba na kaming lahat sa sasakyan.
Nagsama-sama kaming anim sa isang kwarto at iisa ang C.R.
"Magbibihis na kami, Zaney. Kayo ba?" hawak-hawak ang bikini ay napadako ang tingin ni Thalima sa amin.
Inilabas ko ang mangga at ang sawsawan nito, "Mauna na kayo, may gagawin lang ako," sinenyasan ko na rin si Edsel na magbihis at sumunod na lang sa akin.
Marami-rami rin ang tinulupan ko rito sa may kubo at dahil iyon sa pagkuha ng iba naming kasamahan. Siyempre pagkakatapos ko, kuha agad.
"Zaney."
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
Storie d'amoreZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.