Mosh's POV
"Sabihin mo lang Mosh... Isang suntok ko lang diyan tulog na yan." seryosong sabi ni Yoj.
"W-wag Yoj... Hayaan mo na siya." Papasok kasi ngayon ng canteen si Darwin kasama yung babaeng last time na sinabunutan ko. Napansin ko naman yung mukha ni Darwin, may mga band-aid. Gawa siguro ng mga suntok ni Yoj sakaniya.
Hindi niya ko napansin kasi medyo natatakpan ako nila Yoj, tapos nasa may bandang dulo pa kami.
Habang tinitingnan ko si Darwin, nandun yung feeling na gusto ko siyang lapitan at haplusin yung mukha niya na may mga sugat. Pero pag naaalala ko naman yung mga sinabi niya sakin, parang gusto ko pang dagdagan yung mga sugat niya sa mukha.
"Okay ka lang Mosh?" nag-aalalang tanong ni Reeree.
"Y-eah... Mas maganda ngang makita ko siya palagi eh para maalala ko yung panggagago niya sakin."
"Woah! That's the spirit Mosh! Fighting!" cheer-up naman ni Krisy.
Makakalimutan din kita Darwin! At isusumpa ko, ako magiging karma mo balang-araw!
[After some weeks...]
After ng class namin today, dumeretso muna ako sa library. Medyo maaga pa kasi at ayoko pang umuwi, mag-isa na naman kasi ako sa bahay. Sila Krisy may mga lakad naman. Kahit ilang linggo na din ang nakakalipas mula ng break-up namin ni Darwin, nagpapasalamat ako dahil wala munang nag-oopen up about dun.
Kahit sila Vee hinahayaan lang muna ako manahimik, pero hindi naman nila ko hinahayaan mag-isa, lagi nila kong sinasamahan at mas madalas na din silang mag-over night sa bahay. Kahit si Yoj hindi din ako pinapabayaan, kahit hindi niya pinapahalata alam ko ginagawa niya lahat para ma-iba yung atensiyon ko at hindi ko na maisip yung mga nangyari.
Nakatulong naman lahat yun kahit paminsan-minsan naiisip ko pa din siya at di ko maiwasang umiyak lalo na pag mag-isa ako kaya eto kailangan ko na naman libangin yung sarili ko para iwas pag-iisip. Haaays!
[Library...]
Nandito ako ngayon sa children's section ng library. Hindi na ko nag-abala mag-table kasi mas mas-trip ko ngayon sumalampak sa sahig at magbasa lang ng mga children's book especially yung mga fairytales.
Binabasa ko yung 'Little Mermaid' ng biglang may magsalita sa tabi ko...
BINABASA MO ANG
THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINE
Teen FictionI'm Yoj, I love a girl and some bastard broke her heart. But that brokenhearted girl is now mine and I will fix her until she became whole heartedly mine.