Chapter 32 = Why Are You Doing This?

43 4 2
                                    


Yoj's POV


"Reeree? May balita ka na ba kay Mosh?" pagkatapos sabihin ni Reeree na patuloy pa din sila nila Vee sa paghahanap, inoff ko na agad yung cellphone at dere-deretso na kong pumasok sa loob ng bahay ni Mosh.


"Naku iho? Nakita mo na ba ang alaga ko?" nag-aalalang salubong sakin ni Manang Koring.


"Hindi pa ho eh. Bumalik nga ho ako dahil baka sakaling bumalik na si Mosh."


"Hindi pa iho. Naku nasaan na ba ang batang yun? Nag-aalala na ako."


"Wag ho kayong mag-alala, ibabalik ko ho si Mosh. Basta ho tawagan niyo agad ako sa number na binigay ko pag bumalik na siya. Maghahanap pa ho ako ulit sa ibang lugar na pwede niyang puntahan."


"Sige iho. Mag-iingat ka at sana ay mahanap mo na ang alaga ko." tumango lang ako at nagmadali na kong lumabas at sumakay sa kotse. Kagagaling ko lang kasi sa university, dun ko unang tiningnan si Mosh pero nanlumo lang ako ng makita kong sarado ang buong campus kaya dumaan ulit ako sa bahay ni Mosh baka kasi bumalik na siya at nakalimutan lang ako tawagan nila Manang pero wala pa din pala siya doon.


Nalaman kong nawawala si Mosh ng tawagan ako ni Reeree kaninang hapon pagkatapos siyang tawagan nila Manang dahil daw bigla na lang umalis mag-isa sa bahay si Mosh. Nag-alala daw sila manang kasi parang may kakaiba sa kilos nito, tulala at namumutla daw ito kanina. Hindi nga sana daw nila papayagan pero nagalit si Mosh at nag-drive mag-isa kaya sa sobrang pag-aalala, tinawagan na ni manang sila Reeree. Pero halos 5 oras na ata kaming naghahanap sa lahat ng lugar na pwedeng puntahan ni Mosh, hindi pa din namin siya mahanap.


Iniwan niya din ang cellphone niya kaya hindi namin siya ma-contact. Nag-hiwahiwalay na nga kami pero hindi pa din talaga namin siya makita. Mag-gagabi na din kaya pareparehas na kaming natataranta.



Nang bigla namang tumunog yung cellphone ko na agad ko ding sinagot dahil baka may isa ng nakahanap kay Mosh. "Hello?!"


["Yoj? Si Yoj ba 'to?"]


Tiningnan ko naman saglit yung screen ng phone pero unregistered number kaya nagtataka ako kung sino ba 'tong lalaking tumatawag sakin. "Oo. Si Yoj nga to. Sino to?"


["Si Peter to, pare. Lowbat yung phone kaya nakitawag lang ako."]


Si Peter yung drummer ng band na madalas akong kunin pag wala ang vocalist nila. Baka wala na naman yung vocalist nila kaya tinawagan ako. "Ahh oo, pare. Pero sa susunod na lang tayo mag-usap, may importante kasi akong—"


["Hindi, pare. Nandito kasi yung girlfriend mo sa bar na tinutugtugan namin. Nakilala ko kaya tinawagan kita. Mukhang lasing na lasing na eh."]


"Si Mosh?!"


["Oo ata. Pasensya na, nakalimutan ko yung pangalan pero alam ko siya yung babaeng dinala mo dati sa 'SkyLight'. Medyo iba lang yung itsura niya ngayon pero alam ko siya to eh."]

THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon