Chapter 33 = What's The Meaning of My Existence?

39 4 1
                                    


Mosh's POV


Nagising ako na masakit ang ulo ko pero hindi ko iyon pinansin, tatayo na sana ako para magtungo sa banyo ng pumasok si Manang. "Iha, buti naman gising ka na. Eto oh? Mainit pa yung sopas, niluto ito ni—"


"Pakilapag na lang diyan. At manang, umalis muna kayong lahat ngayon. Magbakasyon kayo o kahit saan basta umalis kayong lahat." Walang emosyong sabi ko kay manang.


"Ano iha? Pero—"


"Naririnig niyo ho ba ako, manang? I said. LEAVE. As in now! All of you!"


"Iha—"


"Pera ba?" agad kong kinuha ang bag ko sa gilid at naglabas ng ilang libo, "Kulang pa?" kumuha ulit ako at halos ibato ko yun kay manang na nagulat naman sa inasta ko, "Please lang. Go away! I want to be alone!"


"Pero iha, paanong wala kang kasama?"


"I don't care! Umalis na kayo!!!" sa sobrang inis ko, ibinato ko yung tray na dala-dala ni manang. Nabasag yung baso at yung sopas kumalat sa carpet sa lapag.


"Mosh! Ba—"


"Ano ba?!! Ilang beses ko bang sasabihin?! LEAVE! Hayaan niyo na ko dito!" tinitigan ko si manang ng masama pero patuloy lang siya sa pagpulot ng basag na baso, "Ano ba manang?!! Umalis ka na! Umalis na kayo!!! Tsk! Alright? Ayaw niyo?! Then, I WILL LEAVE!" tatayo na sana ako pero pinigilan naman ako ni manang.


"Naku batang to! Hindi! Hindi ka aalis. Sige na, sige na. Basta wag ka lang lalabas ng bahay na to at baka kung mapaano ka pa sa labas. Kami na aalis. Magpahinga ka na."


Nagmadali naman si manang na pulutin yung ibang nagkalat sa sahig tiyaka siya lumabas ng kwarto ko. Nagtalukbong na lang ako ng kumot ulit at mariing ipinikit ang mga mata ko. At dahil sa sakit ng ulo ko, muli na naman ako hinila ng antok kaya wala pa ilang minuto nakatulog ulit ako ng hindi pa kumakain.




Nang magising naman ako, nalipasan na ako ng tanghalian kaya mas nakaramdam ako ng pagkahilo. Mainit din ang pakiramdam ko pero hinayaan ko lang iyon at pinilit kong bumangon para pumunta sa kusina.


Pag baba ko, nagtaka pa ako nung una ng wala akong madatnan na kahit sino sa baba. Pero ng maalala kong pinaalis ko nga pala silang lahat, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad kahit ba parang pinupukpok ang ulo ko sa sobrang sakit.


Pagdating ko sa kusina, hindi na ako nag-abalang mag-baso, dere-deretso akong uminom sa pitsel at halos matapon pa yung laman nun sa kamamadali kong uminom. Pero lalo lang sumakit ang ulo ko ng may marinig akong nag-iingay sa labas ng bahay.


Habang naglalakad ako palapit sa pinto, palinaw ng palinaw ang tunog na naririnig ko. Christmas song. May mga nangangaroling sa labas.


At habang papalapit ako sa pintuan, unti-unti ding lumalabo ang paningin ko. Unti-unti na palang tumutulo ang mga luha ko. Malapit na palang mag-pasko. Mag-isa na naman ako. Pero ngayon, mas naiintindihan ko na.


Kaya pala, kaya pala hindi nila ko magawang bigyan ng tamang oras. Mayroon na pala silang sariling pinagkakaabalahan. May sari-sarili na pala silang bagong pinagbibigyan ng oras.


Isang malaking istorbo na lang pala ako sakanila. At napipilitan lang pala silang pagkaabalahan ako. Bakit? Bakit ganun? Bakit lahat sila kaya akong ipagpalit sa iba? Bakit kahit sarili kong magulang hindi makuntento sa pamilya na meron kami? Bakit kailangan nilang maghanap ng iba? Kung sakin pa lang hindi na nila magawang maging totoong pamilya.


Ano ba ang kulang sakin? Isa lang ba talaga akong malaking pagkakamali? Bakit pa nila ako binuhay kung buong buhay ko, ipaparamdam lang nilang sana wala na lang ako sa mundong to?



Tumigil na yung mga nangangaroling. Pero nanatili akong nakatayo malapit sa pintuan nang tumunog yung telephone sa salas. Hindi ko yun sinagot, hinayaan ko lang siyang mag-ring ng mag-ring. Kaya ng walang sumagot, dumeretso iyon sa voice message.


"Hello? Mosh?! Si Yoj to. Wag kang aalis sa bahay niyo, okay? Papunta na ko. Please kung naririnig mo to, sagutin mo yung tawag ko para hindi ako nagaalala. Malapit na ko."


*Beep*




Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto ko pero nakita ko na lang ang sarili ko na tulalang nakaupo sa kama. Napapitlag lang ako ng marinig kong tumunog yung cellphone ko, na nasa side table yun kaya nakikita ko kung sino yung tumatawag.


Unregistered number. Hindi ko na sana papansinin dahil tumigil na din naman, pero ng mabasa ko sa pop-up message yung sumunod na text, mula sa unregistered number, halos mamanhid ako.


From: +6390########

Answer your phone, bitch. I have a very very good news for you.


Tumunog ulit yung cellphone kaya kahit ayoko, pinindot ko yung answer button. Tinapat ko iyon sa tenga ko pero hindi ako sumagot.


["Hello, bitch? Buti sinagot mo?"]


"Who are you?" pigil na galit kong sagot naman.


["Someone... You never want to know."]


"What do you need?"


["Nothing. I'm just being good, that's why I want to share something."]


"W-what?" Pero busy tone na lang ang narinig ko sa kabilang linya. At hindi nagtagal isang message at mga pictures naman ang natanggap ko mula sa parehas na number.


From: +6390#########

Your parent doesn't care for you anymore

They're happy without you, you know?

So DIE, bitch. They don't love you


And then when I scroll down, I saw pictures of my parents with their other man and woman. Yeah, they look so happy... without me. They don't even care if someone is taking their picture. They don't even care if I will see these pictures.



Yeah, she's right. They don't care anymore. They don't love me anymore.


So? What's the meaning of my existence? Do I need to die?

THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon