Chapter 30 = Mahal Kita, Kasi...

42 5 2
                                    


Mosh' POV


[Song: Mahal Kita Kasi by Toni G.]


Hinabol ko lang talaga tong second song kasi naalala ko na mahilig mag-pick up line si Yoj kaya pinagpuyatan ko talaga na matutunan to, kaya eto ang dami kong mali pero hindi ko na yun alintana lalo na pag nakatingin ako kay Yoj. Sobrang saya kasi ng mukha niya at parang sinasabi niya saking ang galing-galing ko kahit ang dami kong mali.


Bangin ka ba? Kasi (kasi), Nahuhulog na ako sa'yo, naman kasi

Unggoy ka ba? Kasi (kasi), Sumasabit ka sa puso ko, naman kasi


Pustiso ka ba? Kasi (kasi), You know I can't smile without you

Pagod na pagod na ako, Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko


Kasi naman kasi, Mahal kita, Bagay tayong dalawa

Papicture nga, Para mapadevelop kita


Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop. Bagay tayo, bagay talaga


Ako ang palaging na-susurprise at pinapasaya ni Yoj kaya sana kahit papaano makabawi ako sakaniya. Sobrang thankful kasi talaga ako kay Yoj. Ever since he came, naging makulay ang bawat araw ko. Siguro nga kung hindi ko siya nakilala baka nagpakamatay na ko sa sobrang depressed.


Papupulis kita, kasi (kasi), Ninakaw mo ang puso ko, naman kasi

Kuto ka ba? Kasi (kasi), Palagi ka sa ulo ko


Naman kasi, Apoy ka ba? Kasi (kasi), Alab-alab I love you

Mag salbabida ka nga, Kasi baka malunod ka sa pag-ibig ko


Kasi naman kasi, Mahal kita, Bagay tayong dalawa

Papicture nga, Para mapadevelop kita


Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop. Bagay tayo, bagay talaga


"Yoj thank you so much for everything. Thank you for wishing for my happiness. So today ako naman ang mag-wiwish para sa happiness mo. Happy birthday, dadeelabs." Ilang segundo din siguro siyang nakatitig lang sakin bago ngumiti at ginulo ang buhok ko.


Kumakain na kami ngayon ni Yoj sa hinanda kong candlelight dinner na ako lahat ang nagluto. Nagbunga naman lahat ng pagod at pagtatago ko kay Yoj kasi halatang sobrang saya niya, kanina pa kasi hindi mapalis ang ngiti nito sa mukha kaya pati tuloy ako nahahawa.


"Sorry ulit ha? Kahapon nga gusto ko na sana sumuko, nakita kasi kita sa gate ng university tapos hindi ka umaalis dun hangga't hindi mo ko nakikita. Pati nga kami nila Reeree hindi makaalis kasi inaabangan mo ko."


"You mean? Talagang hindi pa kayo umuuwi kahapon?"


THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon