Chapter 15 = We're Not Yet Over

83 6 0
                                    

 

Mosh's POV


Tinupad ko yung promise ko kay Yoj na manonood ako ng mga practice nila kaya eto ngayon nandito ako at pinapanood sila, kasama ko lang dito is si Reeree. Si Krisy kasi nasa practice ng sayaw nila at si Vee naman busy ata makipag-date. Tsk!


"So? Anong meron?" Bigla namang tanong sakin ni Reeree habang ngiting-ngiti.


"Huh? Saan?" nagtataka namang tanong ko kay Reeree. Ano bang sinasabi nito?


"Sus! Kunwari ka pa! Ikaw ha?! Naglilihim ka na samin! Hmmmp!" I know Reeree, medyo naging bad friend nga ako sainyo kasi hanggang ngayon hindi ko pa sinasabi sainyo yung about samin ni Yoj.


"Reeree..." sabi ko naman with an apologetic voice.


"Oo na! I know! Alam ko namang hindi mo pa maamin eh!" Alam na ni Reeree?!


"Teka? A—"


"Mosh! Halata kaya! Kayo talaga ni Yoj masiyadong malihim! What are friends are for?!" sabi niya habang exaggerated pang nag-pout.


"Pero kasi..." Paano ko ba i-eexplain?! Kasi nung nabroken ako, nag-offer siya na tulungan ako maka-move on??? Ganun? Pero kasi... Parang ang hirap.


"Hay nako! Pwede naman kasing sabihin na KAYO na, pa-secret secret pa! Psssh! Pero kelan pa naging kayo huh? Kwento ka mo dali!" tila excited namang tanong ni Reeree.


*Kroo* *Kroo* *Kroo* Psh! Akala ko naman yung deal namin ni Yoj yung alam niya. Reeree talaga!


"Reeree... Hindi kami, okay? Kung anu-ano iniisip mo ehh."


"Hindi daw?! Ehh para ngang halos kayo na magkasama lagi! Umamin ka na kasi!"


"Magkasama lang, kami na agad? Di ba pwedeng friends lang?!"


"Friends yer face! Hmmmp!"


"Ewan ko sa'yo, Reeree! Hahaha!" Adik talaga tong si Reeree akala ko kung anong iniisip. Pero kasi ayoko pa talaga malaman nila, baka kasi malaman din ng iba tapos isipin pa na ang desperada ko naman masiyado. Haaaays!


Nanahimik naman na kami ni Reeree at nakinig na lang sa practice nila Yoj. Infairness ang galing talaga nilang apat. Lahat sila may talent or should I say natural talent, para kasing natural lang ang pagtugtog nila at talagang ramdam na ramdam ko yung bawat notes.


Maya-maya nagkaroon naman ng 15 minutes break kaya bumaba muna sila Yoj sa stage at kaniya-kaniyang kuha ng towels. Pero si Reeree daig pa ata ang cheetah sa bilis sumugod kay Kade para lang ibigay yung towel at mineral water. Psssh! Reeree talaga.


"Nakakainggit naman si Kade may towel at water. Ako wala?" sabi ni Yoj na halatang pinariringgan ako.

THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon