Chapter 34 = Wake Up

69 11 2
                                    


Yoj's POV


Pagkahatid ko kagabi kay Mosh, ako na nagprisintang alagaan siya. Kaya pagkatapos siyang bihisan nila manang, hindi na ako umalis sa tabi ni Mosh. Nilagnat din kasi siya kagabi kaya kailangan niya ng kasama, bumaba naman yung lagnat niya kaninang madaling-araw kaya kahit papaano gumaan na ang pakiramdam ko.


Kahit halos wala din akong tulog, ako ang nag-luto ng sopas para kay Mosh kinaumagahan. Kailangan niya kasing makakain para makainom ulit siya ng gamot. Kaso nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Okasan na umuwi muna daw ako saglit para makapagpalit, may niluto din daw kasi siyang pagkain para kay Mosh at may ibibigay din daw siyang gamot na pwedeng makatulong kay Mosh kaya napilitan akong umalis muna.


Pero paalis na lang ako ng bahay ng makatanggap naman ako ng tawag mula kay manang, nagwawala daw si Mosh at pinapaalis silang lahat sa bahay. Napilitan na nga lang daw muna silang umalis dahil nanakot daw si Mosh na aalis ulit. Hindi naman daw sila lalayo pero lalabas daw muna sila at baka daw kasi kung saan na naman magpunta si Mosh.


Kaya naman madaling-madali na ko sa pagdadrive, makarating lang sa bahay ni Mosh. Nakakadagdag pa sa pag-aalala ko ng hindi sinasagot ni Mosh lahat ng tawag ko. Kaya tinawagan ko na lang yung security guard ng village nila Mosh na wag na wag palalabasin si Mosh kahit anong mangyari.


After 30 minutes siguro nakarating din ako sa wakas, hindi ko na inayos yung pag-park ng sasakyan, nagmamadali na kasi akong makababa.



Pag bukas ko sa front door, napansin ko na bukas lahat ng ilaw kahit maliwanag pa naman. Umakyat agad ako sa taas at nakita kong nakabukas ang pinto ng kwarto ni Mosh. Pero hindi tulad sa baba, madilim ang kwarto ni Mosh, nakababa lahat ng kurtina. Kinapa ko agad yung switch pero nagulat na lang ako sa nakita ko.


Sobrang gulo ng kwarto ni Mosh, nagkalat yung sopas sa carpet. Basag at nakatumba lahat ng picture frame. Pero ang mas umagaw sa pansin ko ay ng makita ko yung nagkalat na pictures sa kama, mga pictures ng magulang ni Mosh. Pinulot ko yung iba at pilit kong kinikilala yung mga kasama nila sa picture pero alam ko na hindi ko pa iyon nakikita.


At doon ko na-realize, her parents are both having an affair. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nagkakaganun si Mosh. May naninira sa pamilya nila. Ilalapag ko pa lang sana sa kama yung mga pictures ng may mapansin naman akong yellow paper sa gitna ng kama.


Halos hindi ako makagalaw sa nabasa ko, Mosh's suicide note! Hindi ko na yun tinapos, tumakbo na agad ako para hanapin si Mosh. Pumasok agad ako sa CR pero walang tao doon.


Halos lumipad na ko kakahanap sa sobrang bilis ko maglakad at sobrang bilis din ng kabog ng dibdib ko habang mahina akong nakikiusap at nagdadasal na sana walang masamang mangyari kay Mosh. Pero hindi ko pa din mapigilang magmura tuwing magbubukas ako ng pinto at hindi ko makikita sa loob si Mosh.


D*mn it Mosh!!! Don't kill yourself! Don't die! Ahh f*ck! Where the hell are you?!!!


Hindi ko pa naiikot lahat ng kwarto sa taas pero sumuko na ko at naisipan kong bumaba dahil baka nandoon si Mosh. Pagpasok ko sa loob ng kusina, napamura na lang ulit ako ng makita kong may basag na baso sa lapag at may ilang tulo ng dugo doon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon