Mosh's POV
Mga 30 minutes na ata kaming palakad-lakad dito sa mall pero hindi ko alam kung dahil ba yun sa sobrang comfortable namin na magkahawak-kamay lang or dahil wala lang talaga kaming mapuntahan? Haaaysss...
Pag-akyat namin sa third floor, napahinto kami parehas sa harap ng World of Fun. "Laro tayo?" sabi ko habang nakatingin sa entrance ng WOF. Si Yoj naman napatingin sakin sabay ngiti ng nakakaloko. Tekaaa! Mukhang may naisip na namang kalokohan to ah! Psh!
"Sure! Matalo may punishment!" Excited na sabi niya at kitang-kita sa mukha niya yung iniisip na kalokohan. Siyempre hindi ako papauto no! Ano siya? Swerte! Dadayain na naman ako nito eh... Tsss!
"Alam ko yang tingin na yan mister... A-YO-KO!" Dapat hindi na ko nag-aya eh! Tsss!
"Sige na mameelabs! Para may thrill!"
"Thrill mo mukha mo Yoj! Kalokohohan mo eh no?"
"Sige na mameelabs?! Please???" At ginamit niya na naman poang puppy eyes power niya. AYNAKO! Sinong hindi papayag sa gwapong nilalang na to?! Ha?! Sabihin niyo nga sakin?! Sino?! Pssshh!
"Okay fine-"
"Yeees!" Sabay taas niya pa talaga sa isa niyang kamay na parang nanalo siya sa lotto while yung isa... Ayun nakahawak pa pala sa isa kong kamay.
"Pero may conditions ako..."
"Sige sige! Ano ba yun, mameelabs?"
"First... Pwede bitawan mo na yung kamay ko? Paano ako maglalaro niyan?"
Tiningnan niya naman sandali yung kamay namin, "Ow! Sorry! Ang sarap kasing hawakan ng kamay mo mameelabs eh. Hehe!" Teka? Bat parang ang init? Hoo!
"S-second! Tig-dalawa tayo ng pipiliing laro para walang daya."
"Deal! Pag tabla, bato-batopik. Kung sino manalo siya pipili ng laro natin sa huli."
"Okay fine! Game!" Mauuna na sana ako papasok sa WOF pero hindi pa ko nakakaapak sa entrance tinawag niya na naman ako.
"Mameelabs! Wait! Bato-batopik muna tayo para sa unang pipili ng first game." Oo nga pala! Psh! Kaya bumalik naman agad ako.
BINABASA MO ANG
THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINE
Teen FictionI'm Yoj, I love a girl and some bastard broke her heart. But that brokenhearted girl is now mine and I will fix her until she became whole heartedly mine.