Chapter 27 = I Can

45 6 4
                                    


Yoj's POV


After lahat ng preparations, nagpahinga muna kami for 30 minutes then nagpalit na kami ng costume para sa performance mamaya, meron kasi kaming hinandang special performance para sa mga bata.


"Mameelabs? Close ka talaga sa mga bata dito no? Pagpasok natin, sinalubong ka agad nila ng yakap at warm welcome tapos may mga kumiss pa sa'yo. Parang matagal na kayong magkakilala." napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Yoj, "Muntik na nga akong magselos eh, kasi sila kinikiss mo. Ako? Kelan mo ko ulit kikiss?" napasimangot naman ako tiyaka ko siya tiningnan ng masama. "Hehe! Joke lang mameelabs!"


Huminga muna ako ng malalim bago sumagot, "Malapit talaga ang loob ko sa mga batang nasa bahay-ampunan. Kaya nga masaya ako na sa'tin napunta ang orphanage na project eh. Nararamdaman ko kasi yung mga feelings ng mga bata dito. We are the same, we are both longing for the love of a complete family. Minsan nga naiisip ko na ampon lang ako, kasi wala yung parents ko lagi at puro material things lang ang binibigay nila sakin. Tulad ng mga bata dito, parehas kaming kulang sa pagmamahal at sa mga kaibigan lang din humuhugot ng lakas ng loob."


"Parang sila Reeree?" nakangiting tanong ni Yoj.


Napangiti naman ako sandali at tumango. "I feel like parentless like the children here, pero dahil madami sila at may mga nagaaruga sakanila, nababawasan yung sakit. Pero tulad ko, kahit nandiyan kayo sa tabi ko hindi ko pa ding maiwasang malungkot pag naiisip kong may parents ako pero hindi ko sila maramdaman."


Marahan naman akong inakbayan ni Yoj pagkatapos, "Don't worry, mameelabs. They will soon realize that you're worth more than those fortunes. Isipin mo na lang na lahat ng ginagawa nila is for you, because they love you. Okay?" tumango lang ako sa sinabi ni Yoj kahit sa loob ko hindi ko pa din yun matanggap.


Maya-maya lang busy na kami ulit ni Yoj sa pag-prepare ng mga props para sa games. Magpapa-games muna kasi kami bago yung special performance. Yung game is 'Trip to Jerusalem' pero by partner at ang magkapartner is isang adult at isang bata. Kaya nagulat na lang ako ng magsitakbuhan ang mga bata sakin at kay Yoj, pero karamihan ng kay Yoj puro babaeng bata.


"Kuya! Kuya! Ako po!" sabi ni Jell na hinihila pa ang laylayan ng damit ni Yoj.


"Kuya pogi! Ako po! Sige na po! Kuyaaaa!" pangungulit din ni Hana na hinihila pa si Yoj sa kamay. Natatawa na lang ako kay Yoj na hindi na ata alam ang gagawin sa mga batang humihila sakaniya. Pero bago pa ko matawa ng tuluyan, ako din pala ay hinihila na ng mga bata papunta sa gitna.


"Ate Mot! Ako po partner niyo di ba? Ateeee!" pangungulit ni Mac-mac sabay hila pa sa kamay ko, isa pa naman siya sa malulusog na bata doon kaya halos mahila na niya ko papunta sa harap ng walang kahirap-hirap.


"Teka, teka Mac-mac! Mga bata wait lang!" kaso halos hindi naman nila ako marinig dahil sa sabay-sabay nilang pangungulit.


Patuloy lang ang pangungulit samin ng mga bata nang bigla kaming mapahinto lahat ng sumigaw si Lara na isa sa mga pinaka-bata sa bahay-ampunan, 4 years old lang siya pero minsan akala mo matanda magsalita kung hindi lang bulol. "Aaaaah!!!" sigaw ni Lara habang yakap-yakap ang doll niya na si Lala.

THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon