Chapter 29 = Perfect Two

25 5 2
                                    


Yoj's POV


D*mn it! Ano bang nangyayari!? Bakit parang pati mundo ayaw na makita ko si Mosh?! Lahat ng mga kaibigan niya hindi ko din mahagilap, tapos ang mga walang kwenta kong barkada parang pinagtataguan din ako, magpapatulong sana ako pero lahat sila parang iwas sakin. Sh*t naman oh?! Ano bang nagawa kong kasalanan?! Ahh wala na kong pake sa iba! Ang mahalaga ngayon si Mosh?!


"You look miserable, Yoj." Napalingon agad ako sa nagsalita at para akong nakakita ng kakampi nang makita ko si Seij na nakatayo sa likod ko habang parehas nasa magkabilang bulsa ang kamay.


"Seij?! Paksh*t?! Ano bang nangyayari?! Iniiwasan niyo ba— Ah hindi pala! Si Mosh?! Nakita mo ba si Mosh?!" mabilis na sabi ko kay Seij habang nakahawak sa mga braso niya.


"Calm down, Yoj. You look like a fool. Hahaha!!" iiling-iling na tawa ni Seij na lalong nagpakunot sa noo ko.


"Seij! Seryoso ako! Ilang araw na kong iniiwasan ni Mosh! Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakaniya!"


"Tsk tsk. Take it easy, man. Wag kang magalala, ayos lang si Mosh. Tiyaka pwede ba, umuwi ka na? Halos wala ng tao dito sa university, mapagkamalan ka pang magnanakaw."


"Seij naman! Hinihintay ko si Mosh! Alam ko hindi pa siya nakakalabas kaya maghihintay ako!" simula kasi ng matapos ang klase ko, hindi na ko umalis dito sa gate ng university. Alam ko kasing mauunang matatapos ang klase ko kesa kay Mosh kaya kung maghihintay ako maabutan ko siya pero aabutan na ata ako ng bukas dito, ni anino ni Mosh hindi ko nakita. At ang pinagtataka ko pa, kahit isa sa mga kaibigan ni Mosh wala din akong nakita pati mga barkada ko wala din, bukod kay Seij ngayon.


"Gag* ka talaga Yoj! Tara na! Umuwi na tayo. Hatid mo ko, nasira yung kotse ko." Bigla naman akong hinila ni Seij sa kwelyo papunta sa parking lot.


"Gag* ka din Seij!! Hihintayin ko nga si Mosh!" agad naman akong nakawala sa pagkakahawak niya sakin pero bago pa ko makaalis biglang nagsalita si Seij na nagpatigil sakin.


"Umuwi na si Mosh, pare. Kaya umuwi ka na. Maniwala ka, nakita kong magkakasama sila kanina nila Reeree." Napatitig na lang ako kay Seij dahil sa mga sinabi niya tiyaka ako parang nanghinang napaupo sa lapag. Bakit?! Bakit ako iniiwasan ni Mosh?!


Hindi ko na lang namalayan na sa harap na pala kami ng bahay. Si Seij siguro ang nag-drive kanina, alam niya kasing lutang ako. Kaya nagulat ako ng magsalita ulit si Seij na nasa driver's seat pa pala.


"Look, man. Pwede ba? Umayos ka? Mukha kang tanga."


"Seij?! Sino bang aayos kung bigla ka na lang iiwasan ng taong mahal mo kung alam mo namang wala kang ginagawa?! F*ck Seij?! Hindi mo ko naiintindihan!" pero nagtaka na lang ako ng bigla itong tumawa ng sobrang lakas.


"Sh*t Yoj?! Ang corny mo?!! Hahahaha! Kung narinig nila Jhad yan, yari ka sa pang-aasar nun! Bwahahahaha!"


"Pinagtatawanan mo ba ko?!"


"Oh teka! Easy, man! Hahaha! Kung ako sa'yo matutulog ako ng maaga at papasok bukas. Wag mo muna isipin si Mosh, okay? Nandiyan lang yan sa tabi-tabi. Trust me, pare. Bukas pagtatawanan mo na lang yang sarili mo. Hahahaha!" muli natawa na naman ito na parang sira, kung hindi ko lang to kaibigan baka nasapak ko na to eh. "Sige na pare, aalis na ko. Kwentuhan mo na lang ako bukas. Good luck, man!" tiyaka ito umimbis ng kotse ko habang natatawa-tawa pa din.

THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon