Chapter 21 = You're Still Mine!

82 5 2
                                    

 Mosh's POV


"Mameelabs!!!" Asdfghjkl!!! Muntikan nang mahulog yung mga dala-dala kong libro! Aaargh!


"Yaaaahh!!!" napapadyak tuloy ako sa inis tiyaka ko tiningnan ng masama si Yoj pero natatawa lang siyang umaatras habang nakataas pa yung dalawa niyang kamay na akala mo hinoholdap.


"Hep! Kalma lang mamee! Tingnan mo oh! Sasabog na yung bulkan sa ulo mo. Tsk tsk! Kawawang buhok."


"Yaaah! Bakit ka ba nanggugulat?! Nakakainis ka!" hahampas ko na sana sakaniya yung mga libro kong hawak-hawak kaso naagaw niya naman sakin agad.


"Akina nga yan!" pinipilit ko agawin sakaniya yung mga libro ko pero pilit naman niyang tinatago yun sa likod niya. Halos mapayakap na nga ako sakaniya pero ayaw niya talaga ibigay.


Aaargh! Naiinis na talaga ako kay Yoj!!! Sasa—




*Tsup!*

 



Yoj kiss me on my cheeks. Again...


"Di ba may utang kang isang kiss?" sabi ni Yoj habang ngiting-ngiti. Samantalang ako natulala! Psh! Naisahan na naman ako! Tiningnan ko si Yoj ng masama pero tinawanan niya lang ako ng mahina tiyaka ako inakbayan. "Deal is a deal, right mameelabs? Hehe! Tara na nga! Tingnan mo oh? Masiyado na tayong sumisikat." tapos nginuso niya yung mga tao sa paligid namin.


Argh! Oo nga! Yung mga tao sa paligid pinagititinginan kami habang ngiting-ngiti na akala mo sikat kaming love team sa TV. Tsss! Medyo nahiya tuloy ako kaya yumuko na lang ako habang naglalakad.


"By the way, mameelabs. May pupuntahan tayo ha?"


"Ha? Saan?" tanong ko habang nakayuko pa din.


"Sa isa kong gig, nagkaemergency kasi yung vocals nila kaya ako muna ipapalit. Okay lang ba sumama ka sakin? Or may gagawin ka?" Wala naman ako gagawin kaya pumayag na lang din ako, tutal tanghali naman pasok namin bukas kaya okay lang.


Habang nasa byahe kami, nagiisip ako ng mabuti. Siguro nga dapat ko ng sanayin ang sarili ko na tawagin si Yoj na 'dadeelabs', kasi kung hindi, lagi na lang akong iisahan nito ehh.


Gusto mo naman?


Asdfghjkl!!! Saan galing yun?! Ako?! Gusto yun?!


Oo kaya!


Aaargh!!! Hindi noh! Napa-iling-iling tuloy ako sa naisip kong yun.


"Mameelabs? Okay ka lang?" Oops! Napansin pala ako ni Yoj.


THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon