Chapter 28 = What Should I Do?

35 4 2
                                    

I dedicate this chapter sa idol kong si AegyoDayDreamer. Labyuuu idol! Love na love ko po ang story ni Stacey at ang potato chips niya! Hoho! XD

Basahin niyo po ang 'Lovelife? Ano 'yun?'. Nakaka-good vibes na minsan ang sarap ng i-salvage ni Stacey. Joke lang po! Pero promise THE BEST! ^-^


****************************************************


Yoj's POV


Ayoko man matapos pero hindi ko na mapipigilan ang lahat. Tapos na ang...







NSTP days at hindi na kami magkaklase ng mameelabs ko. Second year na kami kaya magkakahiwalay na lahat ng klase, pati mga kaibigan ni Mosh hiwa-hiwalay na din dahil iba-iba sila ng major.


"Yaaah! San tayo kain?" masayang bati sakin ni Mosh. Haay! Ang cute talaga ng mameelabs ko. Gumawa talaga kasi ako ng paraan para magkaroon kami ng parehas na vacant period ni Mosh tulad ngayon parehas kaming may 1 hour vacant. Nung una kasama namin si Reeree pero nabago na naman ang sched niya kaya hindi na ito nakakasabay.


"May dala akong lunch, niluto ni Okasan."


"Talaga? Ang bait talaga ng Okasan mo! Lagi niya tayong pinagluluto." Simulan kasi ng dalhan ko siya ng luto ng nanay ko, nahalata kong nagustuhan niya yun. Hindi lang dahil masarap, kundi dahil siguro ngayon lang siya ulit may nagluto para sakaniya.


Pagdating sa paborito naming puno, naglatag agad ako ng sapin at umupo kami doon. Nakasanyan na namin ni Mosh na dito kumain, bukod sa sariwang hangin ay tahimik dito na gustong-gusto ni Mosh. Pagkatapos kasi namin kumain, sabay kaming nag-aaral o kaya nagpapahinga.


Nakakabakla pero nakakakilig talaga pag magkasama kami ni Mosh. Kahit wala kaming ginagawa, sobrang saya ko, pati puso ko nagwawala. Mapagmasdan at makatabi ko lang siya o kaya ay makausap kahit sandali parang gusto ko ng matunaw sa saya. Ah! Sh*t! Ang hirap at ang saya ma-inlove. Gusto ko man maging official na kami, ayoko naman siyang biglain, kaya maghihintay ako. After all, Mosh is worth the wait. I can wait forever for her.


Nang bigla akong may maalala na ibibigay pala sa mameelabs ko. "Mameelabs? May ibibigay pala ako." Tiyaka ko yun hinanap sa bag.


"Huh? Ano yun?" napangiti agad ako nang makita yun, tapos inabot ko agad kay Mosh na mukhang nagtataka. That thing was Mosh's picture the first time I saw her under her favorite tree. Kung saan sa unang pagkakataon na-inlove ako sa broken-hearted but a very kind and cute girl.


"That was the first time I saw you, mameelabs. I feel so enchanted and surprised at the same time. Sino ba naman kasing babae ang matutulog sa ilalim ng puno na unsecured pero kumportableng-kumportable?"


"Hehe. Kakatapos lang kasi ng lab namin nun kaya medyo napagod ako. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. At teka? Bakit mo ko kinunan ng picture?!"


"Sorry mameelabs. Ang cute mo kasi eh." Nakita ko namang nag-blush siya bago umiwas ng tingin. Haays! Kinilig na naman sakin ang mameelabs ko. "For the girl who inspired me a lot. I love you, mameelabs. From your handsome Dadeelabs. Nakasulat yan sa likod, nabasa mo?" napatitig sakin sandali si Mosh bago nito tiningnan ang likod ng picture, tiyaka ito lalong namula. Hehe! She's really cute when she blushed.


"Mga kalokohan mo talaga, from dadeelabs." Nakangiting biro niya sakin bago ito napabuntung-hininga tiyaka sumandal sa puno. "You know what? Masiyado ka ng sweet. Mamaya ma-inlove ako sa'yo?" tiyaka ako napalingon ng mabilis kay Mosh. Pero bago pa ko makasagot may biglang tumawag sakaniya na classmate niya. Maya-maya bumalik din siya at nagmamadaling nagpaalam, tinawag pala siya ng co-fangirl niya. Na-release na daw ang new music video ng favorite kpop band nito na CNBLUE.


*Sigh* It's hard to fall in love with a fan girl. Ang dami kong karibal, kahit mas gwapo naman ako. Tsk!


Ngayong araw, wala kaming sabay na vacant time ni Mosh pero siniguro kong sabay kaming uuwi kaya eto susunduin ko ang cute kong mameelabs sa classroom niya. Ayaw nga niya nung una pero ako lang tong mapilit, para makita ko din kung may nagpapacute sa mameelabs ko at nang malaman nilang nandito lang ako na bubugbog sakanila pag niligawan nila si Mosh.


Ngiting-ngiting lumapit sakin si Mosh na ikinalundag na naman ng puso ko. Tuwing ngingitian talaga ako nito, parang humihinto ang mundo ko. Pero alam ko na may mas mahalagang dahilan kung bakit ganito kalaki ang ngiti sakin ni Mosh.


"Dadeelabs!" sabi nito na patuloy pa din nakangisi.


"O. Lagi mo na lang akong ginagawang delivery boy ng Milk Tea mo." Agad na binigay ko sakaniya yung dala kong Milk Tea na paboritong-paborito niya. Tuwing sabay kasi kaming uuwi, magtetext agad siya sakin na dumaan ako sa bilihan ng paborito niyang Milk Tea, alam kasi ni Mosh na mas maaga lagi kami nadidismiss. At dahil love ko ang mameelabs ko, hindi ko siya matitiis kaya kahit magmukha akong deliver boy, ayos lang. Kapalit naman nun ay ang masayang ngiti at ang simpleng paglalambing niya.


"Thank you, dadeelabs!" tuwang-tuwang sabi niya tiyaka kukunin na sana sa kamay ko yung Milk Tea, pero hindi nakalagpas sa paningin ko ang mga band aid niya sa daliri, kaya mabilis kong hinawakan yung kamay niya bago pa nito makuha ang Milk Tea.


"Anong nangyari sa mga daliri mo, mameelabs?" nag-aalala at puno ng pagtatakang tanong ko sakaniya. Mabilis naman niyang binawi ang kamay at agad na itinago iyon sa likuran niya.


"Ahh ito? W-wala! Ha-ha! Na-napaso lang ako! Oo! Tama! Napaso nga ako... Hehe!" pero hindi ako umimik, alam ko kasing nagdadahilan lang siya, "Ano ka ba! Medyo mahirap kasi yung process ng luto namin ngayon, kaya eto? Haha! Akina nga yang milk tea ko!" tiyaka niya mabilis na inagaw sakin ang Milk Tea. Alam ko may tinatago sakin si Mosh pero hindi ko na lang pipilitin alam ko naman kasi na ayaw niyang sabihin. Malalaman at malalaman ko din naman yun sa huli.


Pero tuluyan ko ng nakalimutan alamin ang dahilan ng band-aid sa kamay niya nang kinabukasan bigla na lang nagbago ang lahat. Mosh literally ignoring me. Lagi siyang nagdadahilan na hindi makakasabay sakin sa lunch, pag pupuntahan ko siya sa classroom niya wala na siya pagdating ko, kahit maguwian hindi ko na din siya naaabutan.


Kahit puntahan ko pa lahat ng favorite places niya, wala pa din siya dun. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari but suddenly my world became worthless without Mosh.


Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong kasalanan, kung bakit bigla na lang akong iniwasan ni Mosh. Kung bakit parang bigla siyang lumayo sakin. Kahit anong isip ko wala naman akong maisip na dahilan.


Or she realized that she still loves her ex and now she's feeling guilty because of me? But d*mn it! Pwede niya namang sabihin eh, hindi yung ganitong basta-basta niya na lang akong iiwasan. Ah Mosh?! What should I do?!

THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon