Mosh's POV
Nag-uusap kami ni Yoj nang biglang tumunog yung phone ko, pagtingin ko may 1 message.
From: My Honey
Let's talk. Rooftop.
Napangiti talaga ako ng sobra pagkabasa ko sa text niya. Siguro narealize niya na ako pa din yung mahal niya. Siguro hindi niya din ako natiis. Hehehe! Iniisip ko pa lang yun sobrang excited na ko!
Pero nagulat na lang ako nang pigilan ako ni Yoj para umalis.
"Don't go..." seryosong sabi niya sakin.
"P-pero Yoj... Kailangan ko ng umalis..."
"Mosh—"
"Mag-uusap daw kami Yoj... Siguro di niya din ako natiis, tiyaka miss na ko nito for sure! Di ba masaya yun, Yoj? Kaya please bitiwan mo na ko. Nag-aantay si Darwin." Ano bang nagyayari kay Yoj? Bakit parang ayaw niya ko paalisin?
"Sabihin mo sakaniyang next time na kayo mag-usap kasi... kasi may gagawin ka pa... Tama! Yun ang sabihin mo... Di—"
"Yoj?!" Bakit ba nagkakaganito si Yoj? Ayaw niya ba kaming mag-usap ni Darwin?
"Please Mosh? Mas gugustuhin mong wag ng pumunta dun..." Bakit mas gugustuhin kong hindi pumunta kung alam kong magkakaayos kami ni Darwin after?
"Ano ba Yoj?! Mag-uusap kami ni Dawin!"
"Basta! Dito ka lang! Wag kang pupunta sakaniya!" Pero hindi pa din niya ko binitawan...
"Wala kang alam Yoj... Kaya bitiwan mo na ko! Please!" Pero ayaw niya pa din talaga ako bitawan, "Ano ba nangyayari sayo, Yoj? Let me go, please?! Nagaantay sakin si Darwin! I have to go! So please let go of my hand..." Pagkasabi ko nun tumingin lang siya sakin then unti-unti na niyang binitawan yung kamay ko. Binawi ko naman na agad yun at nagmamadali na kong umalis para mapuntahan ko na agad si Darwin.
Sa loob ng ilang araw na hindi kami nagkikita, talagang todo sorry ako sa text sakaniya. Ayaw niya kasi sagutin yung mga tawag ko kaya tinatadtad ko na lang siya ng text. Sobrang nagsosorry ako sa ginawa ko at sinabi ko na nagselos lang ako kaya nagawa ko yun tapos sinasabi ko kung gaano ko siya kamahal pero wala pa din akong natatanggap na reply kaya nunng pangalawang araw na wala pa din, tumigil na ko. Pero ngayon gusto niya na kong kausapin, kaya sana magkaayos na kami... And I promise na mas magiging mabuti akong girlfriend sakaniya.
BINABASA MO ANG
THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINE
Teen FictionI'm Yoj, I love a girl and some bastard broke her heart. But that brokenhearted girl is now mine and I will fix her until she became whole heartedly mine.