Yoj's POV
Exactly 9:00 am, nandito na ko ngayon sa harap ng bahay ni Mosh. Kabilinbilinan kasi ng mameelabs ko wag akong malelate kaya eto inagahan ko pa ng 30 minutes. Miss na miss ko na din kasi tong mameelabs ko ehh, buong weekend kasi kami hindi nagkita.
"Yaaaa! Sabi ko 9:30! 9:00 pa lang kaya?!" oh di ba? Ang sweet ng salubong sakin ng mameelabs ko? Kakapasok ko palang ng pinto, yung busangot at kahit anong gusot ng mukha maganda pa din, ang sumalubong sakin.
"Good morning too, mameelabs! Nag-breakfast ka na?"
"Tsss! O-oo. Ikaw?" ayun inirapan na naman ako, kinilig eh. Haha!
"Oo. Pero parang gutom pa ata ako."
"Teka, papahanda lang kita ng breakfast. Ano ba gusto mo? Co—"
"Good morning kiss from you, mameelabs. That's all I want, then I'm fine."
*PAK!*
Tsk! Tsk! Nakatikim na naman ako ng hampas ng mameelabs ko.
"Ayoko na! Nagbago na isip ko! Hindi na pala tayo aalis." Pinigilan ko naman siya agad ng akmang lalayo na siya.
"Joke lang mameelabs! Love you! Tara na? Alis na tayo? Busog na busog pa talaga ko eh! Dami ko kayang nakain na pandesal sa bahay!"
Napatitig naman sakin si sandali Mosh sabay bawi ng kamay niya, "Ehem! Oo na! Dami pang sinasabi! Maghintay ka muna dito, aga-aga mo kasi eh. Di pa ko tapos mag-ayos."
Yes! Kinilig na naman sakin si mameelabs! Ang lakas talaga ng epekto ko. Haha! "Okay! Take your time, mameelabs!" Dumeretso naman siya agad sa kwarto niya then mga after 20 minutes bumaba na siya then sumakay na kami sa kotse ko.
"So mameelabs? Saan ang date natin? Namiss mo ba ko kaya nag-aya ka?" sabi ko pa with wide smile pero tiningnan lang ako ni Mosh habang nakasimangot. "Joke lang! Mameelabs talaga! Haha! Pero saan nga tayo pupunta?" Naku muntik na! Mahirap na pag nabadtrip tong si mamee at baka hindi ko na mapigilan bumaba ng sasakyan to.
"Sa Red Cross." Sagot niya habang kinakabit ang seat belt niya.
"Red Cross? Bakit dun? Dun tayo magde-date?"
"Date ka diyan?! Psh! Basta! Pagdating natin dun malalaman mo."
"Teka mameelabs ha? Tama ba yung iniisip ko? Are we—"
"Just drive, dadeelabs." She said while her eyes shut and leaning her head on the head-rest.
Napangiti naman ako dahil sa tinawag niya sakin but at the same time alam ko na hanggang ngayon may epekto pa din sakaniya yung ginawa niya kay Darwin. Hindi naman ako manhid kaya alam ko na kahit nakuha niya na ang gusto niya sa gag*ng ex niya, deep inside nasasaktan pa din siya. Especially I know how he loved that b*stard.
BINABASA MO ANG
THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINE
Teen FictionI'm Yoj, I love a girl and some bastard broke her heart. But that brokenhearted girl is now mine and I will fix her until she became whole heartedly mine.