Mosh's POV
Nandito kami ngayon ni Darwin sa canteen. Pero di niya ko kinikibo... Pinapunta ko kasi siya dito, dahil wala lang... Gusto ko lang siya makita, namimiss ko na kasi siya ehh.
"So? Anong sasabihin mo?" walang ganang tanong sakin ni Darwin.
"Wala namimiss lang kita... Bakit? Dapat ba may sasabihin muna ako bago ka pumunta dito?"
"What?! Nung isang araw lang magkasama tayo halos buong araw... Miss agad?" parang hindi naman makapaniwala niyang sabi.
"Eh sa namimiss kita ehh... Hindi mo ba ko namimiss?? Ha?? Honey?" niyakap ko pa siya sa braso niya nang biglang...
*Blag!* Pinalo niya yung table ng malakas na ikinagulat ko naman.
"Pwede ba? Tigilan mo nga tong kalokohan mo..." Tapos inalis niya ng malakas yung kamay ko sa braso niya.
"Honey?!"
"You've changed Mosh..." sabi niya na parang napuno na siya sakin. Pero di pala parang dahil kitang-kita ko ngayon yung inis sa mukha niya.
"Ako? Anong nagbago sakin?"
"You look like... Like an obsessed girl! Dati kuntento ka lang kung kelan lang tayo magkita pero ngayon halos araw-araw gusto mo magkita tayo to the point na hinahanap mo pa talaga ako. Tapos pag pinapapunta mo naman ako, pag ayoko, mananakot ka na pupunta ka sa room. Nasasakal na ko Mosh!"
"Sakal? Sakal ba yung tawag dun?! Gusto lang naman kita makita kasi namimiss kita... Tiyaka sinasabi ko lang na ako na lang pupunta kung ayaw mo dahil baka may ginagawa ka, hindi ako nananakot! Masama ba yun ha? Darwin?!"
"Tsk! Bahala ka na nga!" Bigla naman siyang tumayo kaya pinigilan ko agad siya na wag umalis pero pinalis niya lang din yung kamay ko.
"Darwin! Wait-" Pero hindi na siya bumalik kahit anong tawag ko... Gusto kong umiyak na lang pero pinigilan ko pa din kahit para akong sinasaksak ng paulit-ulit dahil sa trato niya sakin.
Napapadalas na yung pagaaway namin ni Darwin ngayon. Dati kasi kahit minsan lang kami magkita, never kami magaway ng ganito. Tampuhan lang, tapos wala na agad. Nung nakaraan nga sa pag-order lang nagaway na kami agad... Hindi ko lang agad nasabi yung order ko nagalit na, ang bagal ko daw.
BINABASA MO ANG
THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINE
Teen FictionI'm Yoj, I love a girl and some bastard broke her heart. But that brokenhearted girl is now mine and I will fix her until she became whole heartedly mine.