MOSH'S POV
"I told you? 'Yoj' means kiss."
"Aaahhh!!!" napabangon tuloy ako ng mabilis sa higaan dahil feeling ko nilalagnat ako sa init ng nararamdaman ko ngayon lalo na sa mukha ko. Tsss! Bakit ba kailangan ko mapanaginipan ulit yun?! Si Yoj naman kasi eh!!! Ang dami-daming alam!
At paano na mamaya sa reporting namin?! Baka makalimutan ko tapos accidentally ko masabi yung name niya tapos... Tapos...
Tapos...
Halikan kaya ako ni Yoj???
Asdfghjkl!!! Ano bang iniisip ko?! Naman ehh!!! *sigh*
Pagtingin ko sa alarm clock sa gilid. 5:39 am. Ang aga ko tuloy nagising, mas nauna pa ko sa alarm clock ko. Psssh!!! Hindi na ko nakatulog ulit kaya naisipan ko na lang na bumangon na at maligo then magrereview na lang ako para sa reporting namin mamaya. Pero kahit anong review ko... Ayaw niya mawala sa utak ko.
"I told you? 'Yoj 'means kiss..."
"I told you? 'Yoj' means kiss..."
"I told you? 'Yoj 'means kiss..."
"Aaargh!!! Nakakainis ka talaga Yo—" para naman ako sirang napatakip bigla sa bibig ko at nagpalinga-linga sa paligid. Tsssk! Mahirap na baka nasa paligid lang yung taong yun ehh. Pero paano mamaya sa reporting?! Psh! Bahala na si Darna!
[Haywood University.]
"Good morning everyone, we are here to report about the Common illnesses and their prevention. So first my partner, Yo— Yo—" Ugh! Hindi ko tuloy matuloy-tuloy yung sasabihin ko! Hindi ko naman pwede sabihin na 'Yoj' at baka kung ano na namang kababalaghan ang gawin nitong lalaking to. Tsk!
Tiningnan ko si Yoj sandali pero ang loko nakangiti ng mapangasar! Porke't alam niyang nahihirapan ako eh! Aargh!!!
*Ting!* Alam ko na! Bwahaha! "So first, my partner here MR. SANTOS will discuss about the first five common illnesses." I said to Yoj with a bleeeh-kala-mo-ha look. Pero imbis na maasar parang mas ikinatuwa niya pa ang sinabi ko.
"Yeah, thank you for THAT nice introduction hhmmm... MY partner... In life."
"AYIIEEEEEEEEE!!!" bigla tuloy nagsigawan yung mga classmate namin. Argh!
"Nagsimula na naman si lover boy!" sigaw ni Jhad sabay hinagisan pa si Yoj ng panyo na saktong tumama sa mukha niya, pero tinawanan lang yun ng huli at binato ulit pabalik kay Jhad.
"Witwooo! Tapos na velentines!" pang-aasar din ni Krisy at kinindatan pa ko.
BINABASA MO ANG
THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINE
Teen FictionI'm Yoj, I love a girl and some bastard broke her heart. But that brokenhearted girl is now mine and I will fix her until she became whole heartedly mine.