Chapter 11 = Then You'll Be Fine

69 8 0
                                    


Yoj's POV



Nasa loob na kami ngayon ng sasakyan ko. At umiiyak na naman si Mosh. Umiiyak na naman siya dahil sa walang kwentang ex niya! Tsk! Kung pwede lang manapak sa loob ng mall!



"I'm sorry..." bigla namang sabi ni Mosh sa tabi ko.



Nung una, gusto ko na sanang magalit dahil iniiyakan niya na naman yun. Pero huminga na lang ako ng malalim at hinila ko siya palapit at ipinatong ko yung ulo niya sa braso ko, "Okay lang. Cry all you want."



"Hi-hindi ko mapigilan eh." Then she cries hard again.



Ang tanga ko! Akala ko kahit papaano naalis na yung Darwin na yun sa sistema niya. Pero hindi pa pala... Malalim pala talaga ang iniwan niyang sugat kay Mosh. That bastard!!! May araw din siya sakin! D*mn it!



*Ring!* *Ring!* *Ring!*



Bigla naman tumunog yung phone ko, hindi ko sana sasagutin pero lumayo si Mosh at sinabing sagutin ko daw dahil baka importante.



"Hello? Nasa mall, bakit? Ha? Sige. Tamang-tamang! Pero may favor ako. Okay. Sige. Bye!" Pagkababa ko ng phone nakatingin lang sakin si Mosh, nagtataka siguro kung sino yung kausap ko.



"Tara? Alam ko na kung saan tayo pwedeng pumunta."



"Yoj. I want to go home..."



"Tapos ano? Iiyak ka na naman? No. You are coming with me..."



"Pero Yoj... Kasi—"



"Mosh. Pag-uwi mo iiyak ka lang ulit eh, kaya mas maganda mapagod ka na ng todo ngayon para makatulog ka agad pag-uwi mo. Para hindi mo na siya isipin, tapos bukas na lang ulit. At least mababawasan, di ba?" hindi naman siya agad nakasagot basta nakatitig lang siya sakin.



Tiyaka siya tumango, tapos tumanaw ulit sa labas ng bintana. Pero hinawakan ko agad yung baba niya tiyaka ko siya hinarap sakin. "May gusto din kasi akong ipakita sa'yo, Mosh. Something na importante sakin." Tumitig siya sa mata ko pero wala akong mabasang ibang emosiyon sa mata niya kundi sakit at lungkot.





Pagdating namin sa 'SkyLights', yung resto bar kung saan minsan nag-gigig kami nila Kade, pumasok kami agad ni Mosh sa loob.


THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon