Chapter 12 = Chances

91 8 3
                                    

Mosh's POV


8:00 na ng umaga pero hanggang ngayon nakahiga pa din ako sa kama. Iniisip ko pa din kasi lahat ng mga nangyari kahapon. Kung gaano kami kasaya kahapon ni Yoj at kung paano lahat yun ay nawala dahil lang sa... *sigh*


Bakit kasi sa dinami-dami ng araw, kahapon ko pa siya makikita?! Akala ko pa naman magiging masaya na ang araw ko kahapon, dahil sa date namin ni Yoj kaso para siyang kabuteng biglang susulpot!


"Kainis!" Nilagay ko na lang yung isa kong braso sa mata ko habang yung isang kamay ko mahigpit na nakahawak sa kumot sa sobrang inis ko.


Bigla naman pumasok sa isip ko yung kanta ni Yoj kahapon. Yung 'Halaga'. Nakarelate ako sa kanta na yun. Feeling ko nga sadyang sinulat yun para sa akin kasi yung mga taong gusto kong pahalagahan, hindi ako pinahahalagahan. Even my parents don't even know my real worth. Naramdaman ko naman na may biglang tumulo na namang luha sa mga mata ko. "Hindi pa ba ako nauubusan ng luha?! Kakaiyak ko lang kagabi ah?! Ano ba?!" Inis na pinahid ko na lang ang mga luha ko.


Nakakainis naman eh! Pare-parehas sila! Pa- *Bzzzt!* *Bzzzt!* Napatigil naman ako bigla nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Nagmamadali tuloy akong tumayo para hanapin yun. Ahh! Saan ko ba nilagay yun? Amp?!


Agad ko din naman nakita yun sa may pinakasulok ng headboard ng kama tiyaka ako napangiti na lang pagkatapos kong mabasa kung kanino galing yung text.


From: Dadeelabs <3

Goodmorning mamee! Oh wait! Magpunas ka muna ng laway mo, kadiri eh. Tsk! Tsk! Hahaha joke lang! Peace tayo mameelabs! But be ready, ok? I'll be in your palace w/in 1 hour. Hindi na kita tinawagan, baka mabato mo lang yung cp mo, baka kasi nabitin yung paghalik ko sayo sa panaginip mo. Haha! Sige pwede ka pang matulog ulit, pero 5 min lang ok? Pag hindi ka pa gumising, gigisingin talaga kita ng halik! Oh wag masiyado kiligin mameelabs! I Love You! <3


(0/////////0) PAKING TAPE!!! Ba't feeling ko bigla akong nilagnat?! Ba't ang init ng mukha ko?! Yung puso ko ang bilis-bilis pa ng tibok! Ano bang nangyayari sakin?! Halaaa!


Habang pinapakalma ko ang sarili ko, napangiti na lang ako ng malungkot. Bakit nga ba ako nagmumukmok kanina? Nandito nga pala si Yoj. Si Yoj, na handang magpanggap as my 'real boyfriend'. Pinipilit niya ko pasayahin at tinutulungan niya ko kalimutan si Darwin pero eto ako, nagmumukmok sa walang kwentang lalaking yun. Nasasayang tuloy lahat ng effort ni Yoj para sakin. *sigh*


Nilapag ko naman na yung cellphone sa table tiyaka ako pumasok sa CR para maligo na. Habang nagsisipilyo ako at nakaharap sa salamin bigla namang pumasok sa utak ko yung text ni Yoj. 'Pag hindi ka pa gumising, gigisingin talaga kita ng halik. Oh wag masiyado kiligin mameelabs! I Love You! <3'


Nakita ko na lang sa reflection ko sa salamin ang pamumula ng mukha ko. "Pweee!" Nadura ko tuloy ng wala sa oras yung nasa bibig ko. Psh! Ano ba?! Ba't nagpa-flash back sa utak ko yun?!!! Kainis! Binilisan ko na lang ang pagbibihis para makababa na ko sa kusina.


Pagdating ko sa baba, nag-timpla ako ng gatas tiyaka ako umupo at nag-basa basa sandali ng mga notes, dahil sa dami ng mga nangyari parang nawala ata sa utak ko yung ibang mga pinag-aralan ko. Nang maalala ko naman na may nakalimutan pala akong libro sa kwarto. Tatayo na sana ako nang bigla akong makarinig ng sunod-sunod na busina. Si Yoj na ata yun.

THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon