Chapter 26 = Good Boy

34 6 2
                                    

Sorry. Late update. I edited all the chapters kasi. May mga binawas, dinagdag at binago lang ako pero minimal lang naman. ^^. AutisticPrincess thanks for the support :) #LoveLots


**********************************


Mosh's POV


Pagpasok ko sa university, aasahan ko ng marami ang magtitinginan sakin habang naglalakad sa hallway o kaya bigla na lang may manghihila ng buhok ko para awayin ako, dahil sa totoo lang madaming fangirl si Darwin kaya medyo natatakot din akong masugod.


Pero baligtad ang nangyari dahil parang wala namang pumapansin sakin o mas tamang sabihin na normal lang ang lahat. May mga tumitingin na parang kinikilala ako pero bukod dun ay wala ng ibang kakaibang nangyari. Haaayys! Siguro nga talaga walang nakakilala sakin ng gabing yun sa bar, bukod sa naka-ayos ako, uminom at nagwala ako sa tabi lang ni Darwin.


Maganda na din 'to para hindi magulo ang buhay ko sa university.


Sa ilang araw na lumipas at sa loob ng mga araw na yun, may mangilan-ngilan pala ang nagduda na ako yung babaeng nagpahiya kay Darwin sa bar kaya may mga nagtatanong sakin pero hinaharangan agad sila nila Vee at lalo na si Yoj kaya walang nakuhang confirmation samin. At kusa na din na namatay yung issue ko, lalo na ng mabalitaan ng lahat lalo na ng mga fangirls niya na umalis na si Darwin papuntang England.


"Anong iniisip mo?" gulat na napatingin naman ako sa gilid ng marinig kong biglang nag-salita si Yoj sa tabi ko.


"Yaaa! Kabute ka talaga no?! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot!" tiyaka ko siya hinampas ng mahina. Nanggugulat kasi tapos nananahimik ako dito biglang susulpot ng walang pasabi. Psh!


"Ouch mameelabs! Tiyaka hindi ako kabute, okay? Poging kabute lang." tiyaka siya ngumiti ng nakakaloko na naman.


"Tse! Saan banda?!" tapos inirapan ko lang siya na ikinatawa lang nito.


"Pero ano ngang iniisip mo?? Parang ang lalim—Teka? Baka malunod ako niyan? Bigyan mo naman ako ng salbabida. Pwede ng kiss?"


Akmang hahampasin ko siya ulit, pero mabilis lang siyang nakaiwas kaya inirapan ko na lang siya, "Kiss your face! Hmp!"


"Sorry na mameelabs! Bati na tayo?" nag-peace sign pa ang loko. Pero hindi ko naman 'to matitiis kaya nag-peace sign na lang din ako.


"Tama na nga. Simulan na natin mag-plano sa project ni Ma'am San Jose." Nag-seryoso naman na si Yoj kaya bago maghapon, nakabuo na sila ng plano nila na isa-suggest nila sa grupo bukas. Groupings na kasi yung project pero magkakasama pa din yung magkakapartner, parang pinagsama niya lang bawat 3 partners para bumuo ng isang group. Akala nga niya makakasama na niya kahit isa sa BFFFs niya pero nagkahiwa-hiwalay pa din sila. Last project na nila 'to for NSTP kaya gusto niya sana makasama ang mga kaibigan niya pero hindi umayon ang pagkakataon kaya balitaan na lang ulit sila.


[Next Day...]


Kinabukasan sinabi na nila yung idea nila sa group at nagustuhan naman yun ng lahat at may mga dinagdag din yung iba na mga ideas hanggang sa ma-finalize na nila yung project.

THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon