Play the song Dear John by Taylor Swift or anything slow para mas feels niyo ang chapter na to. ^^
********************************
Mosh's POV
After ng birthday surprise ko kay Yoj, mas naging close pa kami. Naging okay naman ang lahat, walang naging mga problema. Nang dumating ang exam week, lahat kami na-busy sa pagrereview kaya less gala muna. Pero paminsan-minsan nagbebreak din kami at nagchi-chill out para hindi naman kami ma-stress.
Exam week. Kampante ako na makakapasa at walang magiging problema kaya bilang reward namin sa mga sarili namin, nag-barkada bonding kami nila Krisy after ng exams. Ganun din sila Yoj pero magkahiwalay kami ng gimmick, sari-sarili muna.
[Library]
Parehas kaming nakasalampak ngayon ni Yoj sa lapag habang nagbabasa ng mga fairytales. Mag-isa lang dapat ako pero itong si Yoj nakita pala ako kaya sinundan ako dito sa loob, sasamahan niya daw ako tutal wala silang prof.
"Ya?" mahinang tawag ko kay Yoj tapos tumingin naman siya sakin at nag-'hmm' lang bilang sagot, "May napapansin ka ba?"
"Huh? Saan? Sa'yo?" tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa, medyo nailang ako kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
"Ya! Hindi sakin. What I mean is, hindi mo ba napapansin? Parang ang saya nating lahat? Parang wala tayong problema ngayon. Di kaya kasi malapit ng mag-pasko? Kaya bumabait na sila?" napakunot-noo naman si Yoj sa sinabi ko tiyaka mahinang pinisil ang ilong ko. "Ya! Wag yung ilong ko!"
"Mameelabs, ano namang kataka-taka dun? Hindi ba tayo pwedeng maging masaya? I mean, hindi ba pwedeng talagang natural lang? Ano ba gusto mo? Yung araw-araw umiiyak o nalulungkot ka?"
Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Yoj, sabagay tama siya. Ano ba kasing iniisip ko? Haaays. Nito kasing mga nakaraang araw kahit payapa ang isip ko, hindi ko maiwasang kabahan kahit wala naman akong dapat ikabahala. Para kasing natatakot ako sa bawat araw na dumarating na parang pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.
"Haha. Napa-paranoid lang siguro ako." Pinilit ko namang alisin sa utak ko yun at nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa. Pero si Yoj bigla naman akong inakbayan.
"Mameelabs? Kamusta na kayo ng parents mo?"
Natigilan ako saglit sa tanong ni Yoj, pero nag-angat din ako ng paningin at ngumiti ng mapait, "Wala naman nagbago eh. Almost a year na silang hindi umuuwi at nung nandito pa sila which is Christmas, puro cellphone at laptop lang ang inaasikaso nila." Naramdaman ko na marahang hinahaplos ni Yoj ang balikat ko kaya huminga muna ako ng malalim at nagpatuloy sa pagsasalita. "Sabay kaming kumain ng Noche Buena pero hindi kami naghintay ng 12 tulad ng ginagawa ng normal na pamilya. Dahil after namin kumain, iniwan naman nila ko sa bahay para dumalo sa mga Christmas gathering na invited sila. Ayoko naman sumama kaya natulog na lang ako. Then pagkagising ko, iniiwanan lang nila ko ng regalo tiyaka sila babalik na sa America ng hindi man lang nagpapaalam sakin ng personal." Nangingilid ang luha ko pero pinigilan ko umiyak, sigurado kasing hindi na naman ako matitigil kakaiyak.
BINABASA MO ANG
THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINE
Teen FictionI'm Yoj, I love a girl and some bastard broke her heart. But that brokenhearted girl is now mine and I will fix her until she became whole heartedly mine.