Chapter 10 = But it Hurts Like Hell

69 7 2
                                    

Mosh's POV



"Mameelabs naman eh..."



"Sige na... Last song na lang!" at wala na siyang nagawa nang pinlay ko na yung next song.



[Song: I Am The Best by 2NE1] I am the best!!! Bwahahaha!



Ngayong second song mas nag-enjoy ako, si Yoj kasi kahit hiyang-hiya na sa pinaggagawa niya sige pa din siya sa pagtry. Ako naman sayaw lang ng sayaw, medyo marunong naman ako tiyaka minsan din kasi tinuturuan ako ni Krisy sumayaw. At napapahinto lang ako pag hindi ko na mapigilan yung sobrang tawa ko. Pati si Yoj tawa na lang din ng tawa.



Walang kapalit ang sayang nararamdaman ko ngayon, hindi dahil nakakatawa si Yoj magsayaw, masaya ako kasi we're both enjoying... And I really enjoy this little date with Yoj. After ng song tumigil na kami, binigay ko na lang yung last song namin kay kuya parang kapalit na din ng pagpapasingit niya samin.



Hinihingal kami parehas ni Yoj hindi lang dahil sa sayaw kundi sa kakatawa. Kitang-kita pa din ngayon yung pamumula ng mukha ni Yoj sa hiya pero ng nagkatinginan kami parehas na lang kami natawa.



"Sorry. Hehe..." Medyo na-guilty din naman kasi ako kaso desperado na kasi ako magkapoints. 2 na siya ehh.



Pero ginulo niya lang yung buhok ko at nginitian ako, "Okay lang mameelabs, nag-enjoy din naman ako. First time ko sumayaw sa public ng ganun. Epic talaga! Hahaha!"



"Hindi ka pwedeng maging dancer, Yoj."



"You're right... Kakanta na lang talaga ako."



"Hahaha! So ikaw na. Ano na next game natin?"



"Hhhmmm... Tara?" Dinala niya naman ako dun sa may barilan, yung 'Time Crisis'. I know talo ako dito. Pero mas magandang i-enjoy ko na lang to kasama si Yoj, kaya okay lang. This is just a game after all...



"Game?" tanong ni Yoj habang hawak niya na yung baril-barilan.



"Game!"



After some minutes...







THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon