[After 3 days...]
Yoj's POV
Ilang araw ko ng napapansin na laging malungkot si Mosh. Nakikita ko namang kinakausap siya ng mga kaibigan niya pero parang wala pa ding nangyayari...
Sasaya siya sandali pero mamaya matatahimik na naman siya... Break na ba sila? Napansin ko din kasi ilang araw na silang hindi nagkikita ng ugok niyang boyfriend.Pero hindi naman pwedeng hindi ko mabalitaan sa mga kaibigan niya yun kung sakaling totoo.
Sa tingin ko nagsimula yun nung first day... Bigla na lang siyang nagcutting class tapos kinabukasan ganyan na siya. Kung dati tahimik siya, mas tahimik siya ngayon at lagi pang natutulala.
Gusto ko sana siyang kausapin pero sa tingin ko, kahit sino ngayon ayaw niya muna ng may kukulit sakaniya. Kaya eto, tulad nung mga nakaraan, binabantayan ko na lang muna siya ng tingin. Baka kasi kung anong gawin. Akala ko nga minsan kung saan siya pupunta, yun pala sa library lang. Nandun lang siya. Minsan nagbabasa, minsan natutulog pero mas madalas tulala. Palagi niyang ginagawa yun pag vacant time tapos madalang na din siya sumasama sa mga kaibigan niya.
"Yoj?" naputol naman yung pag-iisip ko nang marinig kong may tumawag sakin. Pagkalingon ko si Reeree pala habang sumesenyas na lumabas daw kami, may sasabihin siguro. Tumayo agad ako at lumabas ng room, kasunod siya.
Pagdating namin sa labas...
"Yoj? Please naman oh? Try mo naman kausapin si Mosh... Please? Baka kasi sayo may mabanggit siya..."
"Teka? Sa inyo nga wala siyang sinasabi... Sakin pa kaya?"
"Sige na! Hindi ka ba nag-aalala kay Mosh?"
"Siyempre nag-aalala... Pero para kasing gusto niya muna ng space ngayon ehh..."
"Siguro samin, oo. Alam niya kasing madami kaming itatanong ehh, pero ikaw? Baka kausapin ka niya..."
"Gustuhin ko man, Reeree. Pero hindi nga kami ganun kaclose kaya lalong hindi magsasabi sakin yun. Baka lalong maasar, pag kinulit ko."
"Sabi kasi nung iba, mas madali daw magsabi ng problema sa strangers ehh. Kasi pag strangers nga naman daw, wala siyang alam sa totoong nangyayari, hindi siya agad magjajudge. Tapos makikinig lang siya sayo, di ba? Kaya baka sabihin niya sayo... Sige na, Yoj! Please?"
"Pero..."
BINABASA MO ANG
THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINE
Teen FictionI'm Yoj, I love a girl and some bastard broke her heart. But that brokenhearted girl is now mine and I will fix her until she became whole heartedly mine.