Mosh's POV
[Back Stage]
"Mosh! Excoited na ko! Waaaah!" Hindi naman mapakali si Reeree sa tabi ko habang patingin-tingin sa dressing room ng BlueKiss.
"Ya! Para kang adik! Haha! Umayos ka nga! Makita ka pa ni Kade, ma-turn off sa'yo yun."
"Eeeh! Wag ka nga! For sure mamaya kikiligin ka din ehh! Imagine? Si Yoj ang kakanta?! Ayeeee!!!" sinundot-sundot pa ko ni Reeree sa tagiliran habang nang-aasar.
"Pwede ba? Wag mo ko idamay, Reeree? Teka? Nasaan si Vee?"luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko makita ni anino ni Vee.
"Kanina ko pa nga tinatawagan ehh, ayaw sumagot. Tsss! Teka? Ahh! Baka nasa dressing room ni Krisy! Siyempre nandun si Vin! Hahaha!"
"Baka nga lalong hindi pumunta yun ehh. Alam mo naman kung gaano ka-high blood yun kay Vin."
"Hhmmm? Oo nga noh? Sus! Parehas lang kayo nun eh! Indenial queen! Haha!"
"Yaaa! Anong-"
"Waaaah! Seij!" napahinto tuloy ako sa pagsasalita ng biglang magsalita ng malakas si Reeree tiyaka ko sinundan yung tinitingnan niya. Si Seij pala yun na kalalabas lang sa dressing room.
"Yow! Reeree! Mosh!" bati samin ni Seij.
"Hi." mahinang sagot ko naman. Mygosh! Speechless ako kay Seij! Ang gwapo niya sa all black costume pero nandun pa din talaga ang 'Prince-look' aura niya! Woah!
"Waaah! Kung nandito si Krisy yari ka sa kaka-selfie nun! Hahaha!" biro ni Reeree kay Seij, samantalang natawa na lang si Seij. Maya-maya sumunod na lumabas si Jhad.
OMG!!! Kung si Seij 'Prince-look', si Jhad naman, rocker na rocker ang dating pero hindi exaggerated. Basta bagay na bagay sakaniya! Waaah! Nakataas pa yung buhok niya! Gwapoooo!
"Rock 'n roll, Jhad! Yeah!" nag-rocker sign pa si Reeree tiyaka sila nag-appear ni Jhad. Then sumunod na lumabas si Kade, ang pinakahihintay ni Reeree. Ayun speechless at tulaley si ateng. Hahaha!
Well, hindi ko naman masisisi si Reeree ehh, ang gwapo naman kasi talaga ni Kade. Kahit ako parang gusto ko na lang matulala, manly na manly kasi ang dating ni Kade. Idagdag mo pa ang serious look niya na parang nahihiya.
"Huy?! Laway mo bumabaha na oh?" untag ko naman kay Reeree na talaga namang tulaley.
"Huh?" sagot niya pero talagang tulaley lang kay Kade. Naku! Wala na to! Nawala na ata ang katinuan!
"Mosh, una na muna kami ha? Iche-check lang namin yung mga instruments. Si Yoj hindi pa ata tapos mag-ayos, paki-sabi na lang sumunod siya." nakangiting bilin sakin ni Seij. Tumango lang ako tiyaka sila umalis na.
BINABASA MO ANG
THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINE
Teen FictionI'm Yoj, I love a girl and some bastard broke her heart. But that brokenhearted girl is now mine and I will fix her until she became whole heartedly mine.