Chapter 18 = I Love You in Different Ways...

73 7 2
                                    

 Mosh's POV


Nandito na kami sa tapat ng bahay pero nasa loob pa din kami ng sasakyan niya. Parehas kaming walang imik at hindi nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit pero parang ayaw ko pang bumaba para kasing may dapat pa kaming pagusapan, kahit hindi ko naman alam kung ano ba yun. Psssh!


Nakatingin lang ako sa bouquet of roses na binigay niya kanina samantalang siya hindi naman mapakali kung saan titingin. Haaays! Ang awkward naman...


"Uhmmm... So-sorry." si Yoj na ang bumasag sa katahimikan.


"Para saan?"


"Yung... Yung kanina? Baka kasi—"


"Ano ka ba, Yoj... It's okay." nakangiti at sincere kong sabi sakaniya.


"Hindi ka galit???"


"Ba't naman ako magagalit? Ehh di ba ginawa yun ng 'real boyfriend' ko para sakin? And actually I like it." Mas sincere kong sabi sakaniya.


"Hooo! Akala ko kasi talaga magagalit ka, dahil ayaw mo di ba ipaalam pa sa iba na 'boyfriend' mo ko?"


"Okay lang. Malalaman din naman nila but as long as walang nakakaalam sa deal natin, okay lang yun." sabi ko habang hinahaplos ng marahan yung petals ng roses.



"Ahh... Oo nga." para naman siyang nalungkot sandali pero mabilis din siyang ngumiti ulit. "Oo nga pala mameelabs, alam mo ba na isa din sa one way of saying na mahal mo ang tao thru singing?"


"Thru singing??"


"Oo mameelabs! Di ba madami ngang artist diyan na sa kanta nila binubuhos ang mga nararamdaman nila lalo na sa mga unspoken feelings? Kaya nga ako pag nagmahal, lagi kong hinaharana ang taong mahal ko. Kasi tulad ng sinabi ko dati, gusto ko na parang nililigawan ko pa din siya kahit kami na. Kasi gusto ko tumagos hanggang sa kaluluwa niya para malaman niya kung gaano kawagas ang pagmamahal ko sakaniya."


Napatitig naman ako kay Yoj dahil sa mga sinabi niya. At bukod doon sobrang titig na titig din kasi siya sakin habang sinasabi yun na parang sakin niya yun gustong iparating. Waaaah! Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko?! *Tug! Tug!* *Tug! Tug!* *Tug! Tug!*


Pero agad ko ding inalis yun sa isip ko. Ginawa niya lang naman yun dahil part iyon ng pagiging 'Real Boyfriend' niya sakin ehh. Haaays! Pero napakasuwerte pala nang magiging Ms. Princess ni Yoj? Dahil ako pa lang na hindi nga niya totoong girlfriend, sobra ng effort.


Paano kaya kung biglang makahanap si Yoj ng babaeng mamahalin? Tapos hindi pa kami tapos sa deal namin na to? Psssh! Alam ko masama tong iniisip ko. Pero sana wag na muna siyang dumating. Kailangan ko pa si Yoj.


"Mameelabs???" untag sakin ni Yoj ng matulala ako sandali.


"B-bakit?"


"Natulala ka na, mamee. Kinilig ka na naman noh? Hahaha!"

THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon