Chapter 13 = Just Go with the Flow

85 8 1
                                    

Yoj's POV


Pagkapasok namin kinabukasan ni Mosh sa classroom, hindi ako tinigilan ng mga ugok kong barkada sa pang-aaar samin ni Mosh.


"Nice one pare!" parehas kaming natigilan ni Mosh ng biglang tila nang-aasar si Jhad samin. Dagdag ni Seij na pasimpleng sumipol na katabi ni Jhad.


"Turuan mo nga ko ng mga damoves mo, Yoj!" Dagdag pa ni Vin na sa tingin ko nabanggit na din sakaniya nila Kade. Sinabi ko kasi kahapon sa barkada yung tungkol sa 'plano' ko habang nasa 'SkyLights' kami pagkatapos ng gig namin, kaya wala si Vin. Inamin ko na din sakanilang kami na ni Mosh pero hindi ko sinabi yung tungkol sa deal. Pero pagkatapos ko umamin at sabihin sakanila yung 'plano', ang mga ugok, inulan ako ng asar at kahit sinabi kong wag silang magpapahalata, hindi pa din pala ako tinigilan ngayon. Tsk! Mga walang-hiya talaga to!


"Anong meron Yoj?" Nagtatakang tanong naman sakin ni Mosh.


"Ahh— Ano... Wala! Mga nangtitrip lang yan! Sige na umupo ka na." Pero tiningnan lang ako ni Mosh gamit ang kaniyang killer-eye look! Hooo! Patay na naman ako dito mamaya! Sir*ulo kasi tong mga ugok na to eh!


"Wala??? Or—" May sasabihin pa sana si Mosh pero pinigilan ko na agad siya magsalita at pinaharap sa direksiyon papunta kanila Reeree.


"Wala nga! Sige na umupo ka na. At relax ka lang..." Tinulak ko na siya ng dahan-dahan papunta sa upuan niya at pinaupo, baka makatikim na naman ako ng pamatay niyang hampas eh. Tiyaka ako dumiretso kanila Jhad. Yari sakin tong mga to!


Babatukan ko na sana sila isa-isa, nang bigla naman silang nagsialisan sa mga pwesto nila, "Hoy mga ugok. Wag kayo panira ng diskarte!" sabi ko sakanila ng pasimple.


"Sus! Bat kasi kailangan pa sa Friday? Ngayon na!" sabi ni Seij habang tatawa-tawa.


Iiling-iling na lumapit na lang ako sakanila at pasimple silang inakbayan, "Ano ba pare? Anong pinagkaiba ng ngayon? Sa Friday?" Sabi ni Jhad paglapit ko, tamang-tama may notebook sa desk, kaya kinuha ko yun agad sabay pabirong hinampas sa mukha niya.


"Shut up, pare!" Tapos tumingin muna ko sandali kay Mosh, nang makita ko na busy siya sa pakikipagusap sa mga kaibigan niya at mukhang hindi nakikinig sa pinaguusapan namin tinuloy ko na ulit yung sasabihin ko, "Ayaw pa kasi ni Mosh malaman ng iba ang tungkol samin, kasi nga kakabreak lang nila ng ex niya. Kaya yung gagawin ko sa Friday, gusto ko lang siya haranahin at hindi ipangalangdakan na kami na, bahala sila mag-isip kung kami or nililigawan ko siya. Basta gusto ko lang siya ipakilala as my girl."


"Ano pare? Ang gulo mo?! Ayaw mong malaman nilang kayo pero papakilala mong gf?" naguguluhang tanong naman ni Vin.


"Bahala nga sila mag-isip, basta wala akong ibang sasabihin kundi 'This is my girl'."


"Ah! Gets ko na pare?! Parang babakuran mo lang si Mosh? Para walang makalapit?" alanganing tanong namin ni Seij.


"Yup! Something like that."


"Ano bang problema? Bakit ayaw niyong ipaalam na direktang kayo na?" tanong namin ni Jhad.

THAT BROKENHEARTED GIRL IS NOW MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon