KAAGAD na binuksan ng dalawang maid ang malaking pinto, papasok ng dining area nang makita siyang padating.
"Magandang gabi master Luis," magalang na pagbati ng mga ito. Nakayuko at hindi maaring titigan siya. Naayon na rin sa nakasanayan na rules sa kanilang pamamahay. Hindi siya sumagot at dumiretso mula sa loob kung saan naghihintay lang naman si Senyor Agoncillo Mendrano. Tiyuhin ni Luis.
Nang makapasok ay kaagad na siyang umupo sa kaibayong upuan mula sa dulong bahagi ng napakahabang lamesa. Pares sa mga mayayaman na may ganoong klase ng muwebles ay hindi basta biro ang halaga.
"Kumusta ka L, nabalitaan mo ba ang nangyari sa isa natin karga sa isang shipment mula sa Europa." Tinutukoy lang naman ni Agoncillo ang tungkol sa pagkakapalpak ng mga tauhan ni Luis sa hindi naipadalang produkto ng cocaine na million ang halaga.
"Huwag mo na iyon problemahin Tiyo, let Ramil arrange the conversation with the buyers," bale-walang saad niya. Hindi man lang siya natinag sa hindi maipintang pagmumukha ng tiyuhin niya.
"Hindi dapat problemahin? Ano ka ba naman L, dahil sa kapalpakan ng isa sa pinagkakatiwalaan mong tauhan ay malaking pera ang nawala sa familia. Naiintindihan mo ba, malaki ang magiging epekto nito sa ating lahat. Hindi ka ba nababahala na maungusan ng ibang family crime, dahil kung ako ay magisip isip ka na ng mabuti---"
Ngunit hindi na hinayaan ni Luis na matapos sa pagsasalita ang Tiyuhin niyang si Agoncillo. Isang malakas na pagpalo ng kamao sa lamesa ang ginawa niya na siyang nagpatikom sa bibig nito.
"Tama na iyan Tiyo, kinukwestyon mo ba ang ginagawa kong pagpaptakbo sa negosyo," malamig na turan niya rito.
Hindi naman nakahuma ang matandang lalaki, pagkakita sa matiim na titig niya. Nang mahimasmsan ay nag-alis muna ito ng bara sa lalamunan. Kaagad nitong kinuha ang isang baso na may laman na mamahalin alak at ininom iyon nang diretso.
"Pagpasensiyahan mo na ako, masiyado lamang akong nag-iisip ngayon. Gusto ko lang naman na mapabuti ka pa lalo ang pagtakbo ng negosyo. Ayaw ko lang na maulit muli ang nangyari sa iyo. Alalahanin mo kung ano ang naging bunga dati nang pinili mong desisyon." Muling pag-uungkat ni Agoncillo sa nakaraan niya.
Kitang-kita nito, kung paano kumuyom ang kamao ni Luis. Maging ang paglabasan ng ugat mula sa leeg niya. Ang paggalawan ng panga mula sa binuksan nitong paksa na siyang ikinagalak naman nito.
Sa loob nito ay kahit paano gumaganti siya sa ginagawang pamamahiya ng anak ng nakatatandang kapatid niya na si Luis.
Kung hindi lamang sa huling testamento ni Leonardo ang ama ni Luis ay nungka nitong pakikisamahan ito ayon nang naayon!
Lalo ngayon, habang nagtatagal ay lalong lumalabis sa nakuhang tungkulin si Luis. Dahil sa tingin ni Agoncillo ay ito ang dapat nakikinabang.
Ang maging mafia boss ng Mendrano Mafia Familia."Just relax Tiyo, I'm not forgetting everything. In fact, I'm fixing it, you're concerned that this could have a big impact on the state of our businesses. You are wrong," kalmadong sagot niya. Nakikipagtitigan siya sa mata nito, upang ipaalam na maayos ang lahat sa negosyo.
Ngunit tila hindi iyon pinapaniwalaan ng matandang lalaki. Huli pa niya ang pag-ismid sa kaniyang tinuran. Saka ito nagpatuloy sa pagkain na nakahain sa harapan nito.
"C 'mon Luis, huwag mo nga akong gawing tanga! ipinanganak na ako nang matagal kaysa sa iyo. Wala ka pa sa mundong ginagalawan natin ay alam ko na ang pasikot-sikot dito. Kaya dapat mas makinig ka sa akin, pakinggan mo ako. Dahil para ito sa kapakanan ng familia!" paninigaw ni Don Agoncillo. Hindi na ito makapagpigil. Masiyadong mayabang ang pamangkin na tila may ipinagmamalaki na.
"Meron naman talaga Agoncillo, nagbubulag-bulagan ka lang," singit naman nang isang tinig mula sa isip nito. Ipinag-kibit ng balikat nito iyon at muling tumutok ang pansin kay Luis na tuluyan nang nagpunas ng bibig.
"If you're done with what you're going to say, you can leave after that," Luis replied.
Dahil doon ay nagpanting ang teynga ni Agoncillo.
"Hoy! hindi pa tayo tapos mag-usap, wala kang karapatan na talikuran ako!" Panggagalaiti nito.
Pinalatitigan naman ito ni Luis. " Tumahimik ka, alalahanin mong nasa pamamahay kita. Kahit na ikaw pa ang nakatatandang kapatid ni Papa. Kung ako sa iyo ay ikaw ang mag-ingat sa pagsasalita. Hindi mo ako kakilala ng lubusan." May babala sa tono ni Luis. Kitang-kita niya ang pamumula ng buong mukha ni Agoncillo hanggang sa may punong teynga.
"Wala kang utang na loob!" mariin anas ni Senyor Agoncillo.
"Huwag na tayong magpaligoy-ligoy Tiyo, alam ko naman talaga ang pakay mo sa lumipas na taon. Hindi na ako magtataka na patuloy mo pa rin hinahabol ang isang bagay na wala ka naman ni katiting na karapatan. Kung ako sa iyo tumigil ka na, ipagpasalamat mo na lang na nakakain ka pa ng ganiyan kasasarap na putahe. Gayong hindi naman nararapat sa isang katulad mo. Pakatandaan mo wala akong kautang utang na loob sa isang katulad mo!" Matapos sabihin iyon ni Luis ay tumalikod na siya at naglakad palabas.
Nagngit-ngit naman si Agoncillo sa naging usapan nila ni Luis. Nanlilisik ang mata na nasundan lang nang tingin niya ang pag-alis ng pamangkin.
Gusto niya itong murahin, ngunit nagpigil siya.
Muli siyang napaupo sa inuupuan habang matalim pa rin nakatitig sa pinto na nilabasan ng pamangkin.
"Magbabayad ka sa pagbangga sa akin Luis! tatandaan ko ang araw na ito! Makakaganti rin ako!" mabalasik niyang panunumpa sa isipan lamang. Muli ay ipinagpatuloy nito ang pagkain.
After Luis came out, he was immediately greeted by Ramil Dionisio. He was also one of his father's trusted staff during his lifetime. Apart from his former staff, Edu, he has been gone for a long time.It's been five years since he was reported to be killed.
"Boss, nakahanda na ang kotse kailangan na natin magpunta sa Isla Demorette. May nakapagsabing naroon si Don Darius," pagbibigay alam nito kay Luis.
Bigla naman ang pagpantay ng kilay ng lalaki buhat sa narinig niya kay Ramil. Nag-umpisa na silang maglakad.
"Anong ginagawa niya roon?" tanong niya nang tuluyan silang makapasok sa loob ng kotse at umandar iyon.
"Ang sabi sa akin ay nasa casino siya at kasalukuyan naglalaro ng poker," pagsagot ni Ramil.
Bigla ay nakaramdam ng pagkairita si Luis sa kadahilanan na nasa teritoryo niya ang pangunahin kaaway niya.
IT took only thirty minutes to get to the island if it took two hours to get there since they boarded a private chopper owned solely by the Mendranos.Luis leapt out of the plane as quickly as possible as they safely landed. The waiting staff hurriedly opened the car door to take them to the casino.He would not allow another Adrianos individual to set a foot on the island he owns!
"Good evening, Mr. Mendrano!" Pagbati ng mga staff ng mismong casino na nadadaanan nila ni Ramil. Muli ay hindi niya iyon pinapansin, mas tutok siya sa taong pakay niya.
Hanggang sa ituro nga ito ni Ramil sa kanya, kung saan abala at nag-eenjoy ito sa paglalaro mula sa mga kalaban nito na may sinasabi sa buhay.
Agad na napatayo ang isa sa naglalaro sa lamesa kung saan naroon si Don Darius.
"Hola! amigo Mendrano! mabuti at sinadiya mo ang aming lamesa. Gusto mo bang sumali rin?" tanong ni Gustav. Ang nagmamay-ari ng isang malaking kumpaniya sa Maynila.
"Kung ikalulugod niyo," wika naman ni Luis na hindi naman nakatitig sa kausap. Kung 'di kay Don Darius na panay ang hit-hit buga sa primerang tobacco. Tila balewala ang kaniyang presinsiya sa malapit.
"Sure Mr. Mendrano tutal sa iyo naman itong Casino why not!" Kantiyaw ng isa sa nakaupo.
Naupo na nga si Luis sa tabi ni Don Darius dahil iyon na lamang ang bakante.
Nag-umpisa na ngang balasahin ang baraha na nasa kanilang harapan.
"Hindi ko alam kung kailan pa nag-umpisang bumali ng pinag-usapan natin noon Adriano," umpisa niya habang abala siya sa hawak na baraha.
"It doesn't matter the time ijo, starting today ay pwedi na tayong magpunta sa anuman teritoryo ng isa 't isa. Naisip ko oras na siguro para magkaayos ang bawat familia na hinahawakan natin," ani nito.
Matagal na hindi nakaimik si Luis, mataman na nag-iisip. Dahil mabigat na bagay ang hinihiling lang naman ng matandang lalaki sa kaniya.
"Imposible ang sinasabi mo Adriano, magmula nang mawala si Papa. Mahihirapan na tayong magkaayos pa." Pinal na sabi niya.
Maang na pinakatitigan naman ito ng Don na naiiling. Nasa labi nito ang kakaibang ngisi.
"Kung magsalita ka Mendrano ay ikaw lang ang nawalan ng mahal sa buhay. Alalahanin mo, ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Julia," pagpupunto nito.
Mukhang iyon ang hudiyat kaya upang tuluyan mapatid ang pagtitimpi ni Luis. Isang singhap ang namutawi sa bibig ng mga taong kasama nila sa lamesa at nakapalibot nang biglang maglabas siya ng baril. Itinutok niya mismo iyon sa ulo ni Don Darius.
Hudiyat niyon na naglabasan din ng baril ang mga tauhan ng magkabilang mafia boss.
Upang protektahan ang isa 't isa.
"Ibaba mo iyan Mendrano, dahil kung hindi ay pagsisihan mo ang lahat." Banta sa kanya ng Don.
Mayamaya ay binulungan naman siya ni Ramil na sundin ang utos nito. Tama naman kasi ito, dahil kung may mangyaring masama rito ay maaring mapag-initan ang mga negosyo nila.
Lalo at mas nakalalamang ito, dahil sa tagal na rin nito sa kalakaran na pinapatakbo nila.
Unti-unti ay ibinaba ni Luis ang baril, pilit iyon. Base sa mukha niyang hindi maipinta. Maging ang mga tauhan ng Don ay sinundan na rin ng pagbaba ng kaniya-kaniyang sandata na nakatutok kay Luis sa mga sandaling iyon.
"Good choice Mendrano, darating ang araw na ikaw mismo ang lalapit sa akin para makabawi." Tiyak na tiyak ang tono sa boses ni Don Darius.
Habang si Luis ay matiim lang nakatitig dito. Pigil na pigil niya ang sarili."That will never happen, I'd rather die! than seek help from a traitor like you!"
Ibinaba naman ni Don Darius ang baraha at ayon doon ay ito ang panalo. Tumayo na rin ito na may kakaiba pang ngisi sa labi.
"Really, what if I say I know her."
Luis frowned even more.
"Straighten me up," he said emphatically.
"I know the girl you're looking for Luis, remember her name... it's Klaire Hendoza."
BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Romance"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...