NAGISING ng umagang iyon si Luis na masakit ang ulo. Tinapunan niya ng pansin ang tabi, ngunit wala ang babaeng dinala niya sa mansyon.
Naalala niya, maaga niyang pinaalis ito matapos siyang malabasan sa bibig ng babae. Bigla ay nawalan siya ng gana na i-kama ito. Isa lang kasi ang gusto niya, wala ng iba pa kung 'di si Klaire.
Iinot-inot siyang tumayo hindi alintana ang hubad niyang katawan pumunta siya sa tabi ng bintana at nakita niya si Klaire na nasa labas sa may hardin. Kasalukuyan itong namimitas ng mga rosas.
Mula sa kinatatayuan ay kitang-kita niya ang maamong mukha ng babae. Ang ngiti nitong nakapagkit sa labi ng hindi niya pagsasawaan makita. Lately ay madalang na niyang nakikita itong nakangiti.
Bigla siyang umatras ng tumapon ang sulyap nito sa bintana kung nasaan siya.
Mabuti na lang mabilis siya, bago pa man siya makita ng babae.
"Hindi kita bibigyan ng tyansa Klaire na makitang may pakialam pa ako sa iyo. Tutal ito ang gusto mo," bulong ni Luis na pumasok na sa loob ng banyo.
MULING ibinalik ni Klaire ang pansin sa anak ng madinig niya itong nagsisigaw.
"Mama, nandito si Tito Ruiz!" Pagsisigaw ng bata na napalapit sa kanya habang may dala itong bola.
Nakasunod naman dito si Ruiz na may ngiti sa labi.
"Bakit nandito ka?" takang tanong niya rito.
"Bakit masama bang pumunta sa mansyon namin. Naalala ko dito rin kasi ako nakatira dati. Kaso umalis nga lang ako," sabi nito na naiiling.
"Loko! hindi naman sa ganoon ang ibig kong sabihin. I mean may kailangan ka ba?"
"Wala naman na-miss lang kita." Bigla nitong banat pagkatapos ay umiwas ito ng tingin sa kanya.
Hindi niya alam kung paano pakikitungan ang sinabi nito. Kaya hindi na lang siya umimik.
Na kaagad naman napansin ng lalaki.
"Biro lang! Baka isipin mo totoo. Heto nagdala ako ng pasalubong sa inyong dalawa ni Claims, nasabi niya sa akin na gusto niyang kumain niyan." Sabay abot nito ng plastic bag.
Kinuha naman iyon ni Klaire at ikinatuwa niya ng labis na ang favourite ice cream lang naman nilang chocolate ang dala nito. Hindi lang iyon may mga tsokolate pa talaga itong binili.
"Wow! sa amin po lahat ng ito?" Galak na sabi ni Claims na kaagad ng kinuha sa ina ang isang ice cream tub.
"Of course, dinaan ko yan kanina bago ako nagpunta rito," tugon naman nito.
"S-salamat, pero sana hindi ka na nag-abala pa," wika ni Klaire. Masaya siya na naalala pa sila nito. Ngunit tiyak niyang hindi magandang makipaglapit sila dito.
"It's my pleasure Klaire, basta lagi mong tandaan if you need something just remember I'm here for you." Pagkasabi ng mga katagang iyon ay hindi maintindihan ni Klaire para siyang kinabahan. Lalo at nakatitig siya sa mukha nito.
Mukha na hindi nalalayo sa itsura ni Luis.
"Dumating ka na pala..."
Nagulat pa si Klaire sa biglang pagsulpot ni Luis doon. Yumuko na lang siya at balak na niyang iwan ang mga ito.
"Saan ka pupunta, stay here." Mando sa kanya ni Luis. Nabigla pa siya ng biglang dumikit pa ito at inakbayan siya.
"Sige na at hinihintay ka na ni Nana sa loob." Hindi naman halata na itinataboy ito ni Luis, pero parang ganoon na nga.
Tumango naman si Ruiz at bahagiya pa siyang sinulyapan.
"Kainin mo na iyan, bago pa matunaw. Ikaw din L, kumuha ka ng isa para lumamig ang ulo mo." Matapos sabihin iyon ay umalis na ito sa harapan nila.
Isang marahas na buntong-hininga ang ginawa ni Luis.
"S-sige na papasok na rin ako sa silid ko, ilalagay ko pa itong mga napitas kong rosas sa vase." Pagpapasintabi ni Klaire.
Hahakbang na sana siya ng bigla ay hawakan siya sa braso ni Luis.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin Klaire, anong binabalak mo huh? Plano mo bang makipaglapit sa kapatid ko para takasan ako rito sa Isla?" gigil nitong akusa.
Bigla naman pumiksi si Klaire naiinis siya sa mga pagbibintang ng lalaki sa kanya.
"Tigilan mo nga ako Luis! Ganiyan na ba kababaw ang tingin mo sa akin! Ikaw nga itong kung ano-anong milagro ang pinaggagawa. Nakita ko kayo kagabi!" Hindi na mapigilan sambit ni Klaire. Pinigilan niyang mapasigaw dahil nasa malapit lamang si Claims na abala sa pagkain sa ice cream.
"Anong nakita mo kagabi?"
Naiiling naman si Klaire, hindi siya makapaniwala na magmaang-maangan ito mismo sa harapan niya kaya ora-orada ay tinalikuran niya ito.
Mabilis lang siyang naglakad hindi alintana kung sumunod si Luis. Ang gusto niya ay makalayo.
Binuksan na nga niya ang pinto ang akmang pagsasara niya sa pinto ay hindi nangyari dahil maagap si Luis.
"Sa susunod huwag mo akong tinatalikuran!" Umpisa nito mabilis lang naman nitong isinara ang pinto.
"Kahit sino tatalikuran ka dahil bastos ka! akala mo kung sino ka para paratangan ako na nagkakagusto sa kapatid mo! Ang kitid ng utak mo!" bulyaw niya pabalik. Nagpunta siya sa may harap ng lamesa kung saan naroon ang vase. Tinanggal niya ang nalantang bulaklak saka niya pinalitan ng bagong pitas niyang rosas.
Sumunod pa rin si Luis na dumilim pa lalo ang mukha.
"Ano ang dapat isipin ko, mabuti kayong magkaibigan. Pwes! ganiyan din sila noong una ni Julia. Pero ano naakit ang kapatid ko sa kanya! Dahil ngayon pa lang kusa kong nakikita iyon sa inyo!" gigil nitong sumbat.
"So ayun, lumabas nga ang katotohanan. Hindi mo na naman ako pinagtitiwalaan, pinapares mo na naman ako kay Julia. Mukhang hindi ka pa talaga naka-get over sa kanya!" mainit naman na balik ni Klaire.
Bigla siyang napasinghap dahil sa paghawak lang naman ni Luis sa balikat niya at niyugyog siya.
"Paano ko ba iiwasan Klaire, kung parati mong ipamumukha sa akin. Hindi mo ba nakikita, ikaw din ang dahilan bakit ako nagkakaganito!"
"Mali ka! Dahil hindi mo matanggap na mali ka kaya sa akin mo isinisisi! Bitiwan mo na ako dahil nasasaktan mo na naman ako!"
Binitiwan naman siya ni Luis pero madilim pa rin ang mukha nito.
"Nakikiusap ako Klaire, lumayo ka sa kanya," mariin mando nito.
"Ano bang sinasabi mo, pwedi ba magtiwala ka naman. Huwag kang paranoid."
"F*ck! I'm not what you thinking. Nagseselos ako Klaire, nakukuha mo ba ang ipinupunto ko. Ayaw kong mawala ka sa akin katulad ng nangyari kay Julia." Desperado ang tinig ni Luis. Ngayon ay sinapo na nito ang mukha ni Klaire.
"Nagseselos? hindi ako tanga Luis. Kitang-kita ko kagabi may babae ka a-at hindi ako bulag nakuha niyo pang mag-sex sa harap ng kwarto natin! Ngayon mo sabihin sa akin na dapat ba akong maniwala na nagseselos ka." Hindi na mapigilan bulalas ni Klaire.
"I didn't f*ck that woman... naiintindihan mo ba. Dahil hindi ko siya makita sa iyo, nakakatawa man aminin pero ikaw lang ang gusto kong kantut*n kagabi!"
Nagulat si Klaire sa rebelesasyon ni Luis. Lalo at muling lumiit ang distansiya nila nito.
"Now, if you want me to prove that I'm telling the truth. Let me take you here right now... I want to make love with you" anas ni Luis.
Hahakbang sana patalikod si Klaire, ngunit nasukol na siya. Ipininid na siya nito sa lamesa.
"L-Luis..."
"Shhh... pagpayag mo lang ang gusto kong marinig sa ngayon," bulong ni Luis habang inaamoy-amoy nito ang pisngi niya. Padapyo-dapyo ang ginagawa nitong pagdikit sa labi niya.
Ang traydor naman niyang katawan ay tuluyan naaapektuhan.
"Gusto kong patunayan ngayon ang sinasabi ko Klaire," anas nito. Tuluyan idinikit nito ang pang-ibabang bahagi ng katawan, dama niya ang bumubukol nitong pagkalalaki sa puson niya.
Gulong-gulo na siya, aayaw ba siya o bibigay na siya ng tuluyan sa inaalok na langit ni Luis.
May kasalanan ito sa kanya, kaya ba niyang baliwalain iyon kung kapalit naman nito ay isang maalab na pakikipagtalik sa pagitan ng mafia boss na kinakabaliwan niya.
BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Romance"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...