Chapter Seventy

98 0 0
                                    

MABILIS na lumipas ang mga Araw, Buwan at Taon.

Napagtagumpayan ni Edgardo na maitago at ilihim na binuhay nito ang anak ni Don Darius Adriano. Maging sa Ama ni Luis na si Don Leonardo.

Tanging si Ramil lamang ang nakakaalam sa tunay na pagkatao ni Katarina. Kahit nang mapatay si Don Leonardo ng matalik nitong kaibigan na si Don Darius. Dahil sa ginawang kasalanan ng anak nitong si Luis. Ang ahasin at itangay nito ang asawa nitong si Julia.

Naging malaking usapin sa mundong ginagalawan nina Luis ang naging hidwaan nilang dalawa ng matalik na kaibigan ng Ama nito. Kaya upang magbunsod nang gulo sa dalawang Mafia Crime familia na pinanghahawakan ng mga ito.

Isang malagim at madugong enkuwentro ang nangyari. Nilusob ni Don Adriano ang Isla Demorette ng mga Mendrano. Upang muling makuha si Julia, ngunit sa kasamaang-palad napatay si Leonardo ni Don Darius.

Magmula noon ay unti-unting nasira ang relasyon meron si Julia at Luis. Sa dami na rin ng mga past trauma at issue sa pagitan ng dalawa.

Hanggang sa itinakas naman ni Ruiz si Julia paalis sa poder ni Luis. Ngunit, hindi nangyari iyon dahil nasukol at nabaril ito ng huli...

Dahil na rin sa mga nangyari ay nawalan ng ilang kakampi sa mafia world ang Mendrano Crime Familia.

After the death of Don Leonardo, Luis was immediately taken over the responsibility of his decease father. Itinaguyod at paunti-unti ay muling nakuha ng binata ang lahat ng mga nawala sa kanila. Dahil sa pagkakamali niya magmula ng agawin niya ang asawa ni Don Darius Adriano.

Maging sa mga huling sandali ng buhay ni Leonardo ay inilihim ni Edgardo at ni Ramil ang lahat ng tungkol naman kay Katarina.

"Kumusta Edu, nakabalik ka na pala galing San Salvation." Salubong ni Ramil sa bagong dating.

"Heto, masaya ako na nakapaglaan ako ng mahabang oras para sa asawa kong si Helena at sa anak namin na si Klaire," nagagalak na wika ni Edgardo sa kaibigan. Tinulungan naman na siya ni Ramil sa pagbubuhat sa mga dala niyang bag.

"kinagagalak ko na kahit paano ay pinatunayan mong mahalin si Klaire dahil kahit hindi niyo siya tunay na anak ni Helena," sambit naman ni Ramil habang sinasabayan ang kaibigan sa pagpasok sa loob ng kanilang quarters sa mansiyon ng mga Mendrano.

Natigil naman sa paglalakad si Edgardo at binalingan ng tingin ang kaibigan. Nagpalinga-linga muna ito, sinisiguradong walang ibang tao sa paligid na pweding makarinig sa kanila.

"Alam mo pare, higit sa anupaman
mga maling naipagawa sa akin ng pinagsisilbihan natin familia. Bukod tanging ang pagbuhay lamang sa anak ni Don Darius ang siyang naging tama sa lahat ng naging desisyon ko sa aking buhay," punong-puno iyon ng emosyon.

Ipinagpatuloy ng dalawa ang paglalakad papasok. Hindi tuloy nila napansin ang nakatagong pigura ng tao, mula sa antigong estante.

Lumabas lamang ito sa pinagkukublian. Nang tuluyan umalis ang nag-uusap na sina Ramil at Edgardo.

"Hindi ko alam, na ang matagal ng pinagtitiwalaan ng Medrano Familia na si Edgardo ay may itinatagong lihim. Dapat kang mamatay kasama ng Asawa at ang tagapagmana ni Don Darius na si Klaire!" Pagsasalita nito na mas lamang na kausap ay ang sarili.

Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon