INAAKALA niya ay si Manang Seselia ang kumatok sa may pinto. Ngunit nagkamali siya, dahil si Luis ang nabungaran niyang pumasok.
"I heard na may sakit ka raw," wika nito na tuluyan tumabi sa kanya sa kama at sinapo siya sa may noo.
Hindi naman umimik si Klaire at pinabayaan lang ang lalaki.
"Do you want me to call a Doctor?" ani pa nito.
"Hindi na, itutulog ko na lang ito pagkatapos kung makainom ng gamot," sagot ni Klaire.
Tumayo naman si Luis sa kama at nagpunta sa may bintana upang sumilip. Hindi batid ni Klaire kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ngayon.
"Napapansin ko na madalas ka pa rin umiwas sa akin. Ano bang problema?" tanong ng lalaki na nanatiling nakatingin mula sa labas.
"A-ano bang pinagsasabi mo. Hindi naman ako umiiwas, ikaw nga itong palagian umaalis," nakasimangot niyang sabi na napangiwi dahil sa pagsisinungaling niya.
"Alam mo naman sa klase ng trabaho ko ay kailangan kung umalis palagi," sumbat naman ni Luis na tuluyan naglakad palapit sa kanya. Bigla naman kumabog ang dibdib ni Klaire ng mapansin niyang tutok na tutok na naman ang titig nitong nanunuot sa buong kalamnan niya.
"... But if you want me to stay here for a while, I'm willing to do it just for you. Besides, plano ko sanang ilabas kayong mag-ina today. Kaso masama ang pakiramdam mo, maybe nextime with be," pagsasabi ni Luis na hindi pa rin inaalis ang titig sa kanya.
Sa hindi malaman dahilan ay kahit paano ay kinikilig si Klaire. Sa isang tulad ni Luis Mendrano ay mahirap itong mahanapan ng libreng oras.
Kaya ang sinabi nito ay masarap sa pandinig.
"Ano ka ba, hindi mo naman kailangan mag-stay sa amin. Lalo kung may mahalaga kang inaasikaso," paliwanag naman ni Klaire. Pasimple siyang umiwas sa paghawak nito.
Muli ay nanitig na naman si Luis na tila binabasa ang buong kamalayan niya.
"Sure ka ba sa sinasabi mo ngayon, seryuso ako na dito lang ako hanggang gumaling ka," sabi pa nito.
Ngunit umiling lamang si Klaire upang pagkukumpirmi.
"Sige na at gusto kong magpahinga." Pag-iwas pang lalo niya. Ewan niya kung makikinig ito sa pakiusap niya. Ngunit kusa na itong tumayo.
Nadinig niya ang pagbuntong-hininga nito makaraan ang ilang sandali na naroon lang ito at pinagmamasdan siya.
"Kung may gusto ka magsabi ka lang Klaire," wika nito bago ito tuluyan umalis.
KASALUKUYAN naman itinutulak ni Luis sa may likuran ng swing nito si Claims. Napagdesisyunan niyang ilabas na lang muna ang anak, mas mainam iyon dahil puro tanong ang ginagawa sa kanya ng anak ng tungkol sa ina nito.
Nasanay ito na palaging nasa tabi nito si Klaire at ang kawalan nito ng presensiya sa tabi ng anak ay nakakapanibago dito.
"Papa kumusta na po si Mama? gagaling na po ba siya?" Pang-uulit na pagtatanong ni Claims sa ama. Hindi na rin naman mabilang ni Luis kung ilang beses na itong nagtanong tungkol sa kalagayan ng ina nito. Ngunit hindi naman siya napapagod sagutin ito.
"She will be fine soon my son. Tumawag ang Doctor na tumingin sa kanya and I'm glad she's getting better now," tugon naman ni Luis.
"Parati ka kasing wala Papa kaya lagi kang nami-miss ni Mama. Sana palagi ka na lang namin kasama," hiling ni Claims.
Muli ay hindi inimikan iyon ni Luis, ayaw niyang mangako sa anak.
Bigla ay naisip niyang magtanong sa bata sa biglang sumagi sa iisipan niya.
"Kung ikaw ang papipiliin, kung aalis ang Mama mo rito. Kanino ka sasama, sa akin o sa kanya?"
Napalingon naman sa kanya ang anak at tila mataman na nag-isip.
Alam niyang mabigat na tanong ito para sa edad nito at hindi niya tiyak kong masasagot nito ng maayos ang kanyang tanong.
"Bakit naman po kami aalis ni Mama, Papa. Pwedi ka naman namin isama kapag ganoon," walang ano-ano'y pagsagot nito.
Naiiling naman si Luis at ginulo ang buhok ng anak niya na nagprotesta.
Ayaw na ayaw kasi nitong ginaganoon niya.
Pagbalik nila sa mansyon ay may hindi inaasahan na bisita ang madadatnan nilang naroon.
"Sige na Claims, pumasok ka muna sa silid mo at magpalit ng damit." Utos niya sa bata na agad naman sumunod at nagtatakbo palayo. Pagkatapos niyon ay muli niyang hinarap ang kapatid.
"Anong kailangan mo?" malamig niyang umpisa. Naglakad naman na siya palabas papunta sa may veranda. Mukhang kailangan niyang lumanghap ng sariwang hangin.
"Nabalitaan ko na masama ang pakiramdam ni Klaire kaya dinalhan ko siya ng prutas," sagot naman nito.
Naglabas naman ng tobacco nito si Luis at sinindihan iyon. Hindi na niya inalok ang nakatatandang kapatid dahil hindi naman ito naninigarilyo.
"Napapadalas yata ang pagparito mo. May hindi ka ba sinasabi sa akin?" pag-uusisa niya na hindi tinitignan ito.
"Ako yata ang dapat magtanong ng ganyan sa'yo Luis."
Buhat sa sinabi nito ay pagmaang ng malamig na sulyap ni Luis rito.
"Hindi ko na kailangan sabihin ang mga nalalaman ko. Kapag alam kong hindi na tama ay kusa na akong gagawa ng paraan para matigil iyon, alam mo iyan L..." nagbabantang saad ni Ruiz.
Kita ang paggalawan ng panga ni Luis. Parang nauulit muli ang nangyari noon.
"Nasa sa iyo kung tutulungan mo siya. Pero na kay Klaire kung papayag siyang tulungan mo siya. I know her more than you big brother. Mahal niya ako kaya hindi niya magagawang iwanan kami ng anak niya," tugon naman ni Luis. Tuluyan niyang ibinagsak sa sahig ang hawak na tobacco at mariin tinapakan iyon.
Bago pa siya makalayo ay nagpahabol pa ng mga salita si Ruiz.
"Kung ako sa iyo ay hindi ko panghahawakan iyan. Malay mo gagawin niya iyon para kay Claims, hindi sa lahat ng oras ay naka-pabor sa iyo. Kung ako sa iyo ay aayusin ko ang pakikisama sa ina ng bata," payo nito sa kanya.
Hindi na muling nagsalita si Luis at tuluyan tinalikuran ito.
Heto siya at nasa tabi lang ng kama ni Klaire at walang sawang pinagmamasdan ang magandang mukha nito.
Dahil sa naging pag-uusap nilang magkapatid ay madami siyang napag-isip isip. Isa na roon ang kagustuhan ni Klaire na ideya na gustong lumaya sa poder niya ito.
Dahil sa malalim ang pag-iisip ni Luis ay hindi na niya napansin na nagising na ito.
"Anong ginagawa mo rito?" naitanong ni Klaire na kinusot pa ang mata.
"Wala naman, gusto lang naman kitang pinagmamasdan na matulog, okay na ba ang pakiramdam mo?" tugon naman nito na pilit na ngumiti.
"Oo umayos na," matipid naman na sagot ni Klaire. Hindi naman siya makatitig sa lalaki. Nagtataka siya ngayon sa mga kakaibang ikinikilos nito ngayon. Sabagay palagi naman kakaiba ito.
"Tell me, hindi ka na ba makatagal na kasama ako?" biglang pagtatanong ni Luis na ikinagulat ni Klaire.
"Pwedi ba huwag natin pag-usapan iyan." Pag-iwas ni Klaire. Ngunit mukhang walang balak makinig si Luis.
Dahil mula ng ungkatin iyon ng kapatid niya ay hindi na nawala sa isip niya ang maaring gawin ni Klaire.
"Tell me straight Klaire, katulad ba ni Julia ay aalis ka rin at iiwan ako dahil kung oo pababayaan kitang makaalis at gawin ang lahat ng gusto mo. Pero isa lang ang ipinapangako ko, hindi mo isasama si Claims."
Tila napipilan naman si Klaire sa mga sinabi ni Luis. Tama ito nag-iisip siya na makaalis, pero hindi niya alam kung makakaya niyang gawin. Pero kung akusahin siya nito ay parang siguradong-sigurado na ito!
"Tama na Luis, alam mo naman ang sagot diyan hindi ba?"
"Sa tingin mo alam ko ba talaga, dahil dati kung hindi mo naitatanong. Julia left me also, because she's out of love. Mas pinili niya ang buhay na wala ako!" galit na nitong wika.
"Tumahimik ka Luis, hindi ko gagawin iyan!"
"Prove it? as what have said, umalis ka man hahayaan kita pero hindi mo maisasama si Claims ano man ang mangyari. Basta tandaan mo, kalimutan mo na kami oras na lumayo ka..."
BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Romance"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...