DINNER NIGHT inaakala ni Klaire ay magkakasalo silang tatlo ni Claims at Luis sa mahabang hapag-kainan. Ngunit mukhang nagkamali siya, dahil ayon kay Nana Seselia ay umalis ito bandang hapon. Marahil ng nasa loob pa rin siya ng silid at nahihimbing sa pagtulog.
"Ang bilin ni master Luis ay mauna na kayong kumain, dahil baka gabihin daw siya ng pag-uwi," ani ng matandang kawani. Nang mapansin nito ang pananahimik niya.
"G-ganoon po ba, alam niyo ho ba kung saan siya nagpunta?" tanong niya.
"Naku! ija, iyan ang hindi ko masasagot. Wala siyang nasasabi," sagot naman ng matanda na naiiling.
"Okay po, salamat." Pilit na nginitian na lang ni Klaire ito. Nagpasintabi na rin si Seselia matapos na mailapag nito ang huling putahe sa gitna ng lamesa kung saan sila kumakain.
Napabuntong-hininga naman si Klaire, lalo ng makita niyang napakaraming pagkain na nakahilera sa harapan nilang mag-ina.
Sa totoo lang ay lalo siyang nawalan ng ganang kumain.
"Claims, gusto mo ba nito?" Tukoy ni Klaire sa isang lutong ulam na gulay.
Nang tumango naman ang anak ay tuluyan na niya itong inasikaso.
Kasalukuyan na silang kumakain ng biglang may isang panauhin na hindi niya inaasahan ang dumating.
"Pwedi bang makisabay mag-dinner?" wika ni Ruiz na kaagad ng naupo sa isa sa mga bakanteng upuan.
Mataman nag-isip si Klaire, hanggang sa tuluyan naman siyang pumayag. Madaming pagkain ang nakahain sa lamesa at hindi naman kalabisan si Ruiz na sumalo sa kanila sa pagkain.
"Sure, halika sobrang dami nito kaya okay na okay kung sasabayan mo kaming kumain," tugon niya.
"That's good to hear, akala ko ay hindi ka papayag." Nakatawang saad ni Ruiz na nag-umpisa ng ipaghain ang sarili.
Muli ay nagtaka si Klaire buhat sa nasabi nito.
"Bakit mo naman nasabi iyan, wala naman dahilan kung bakit hindi kita payagan na sumalo sa amin. Kapatid ka ni Luis at bahay mo rin ito," mahabang paliwanag ni Klaire.
"Ang bait mo naman pala talaga, kaya hindi ko masisisi ang kapatid ko kung masiyado siyang protective pagdating sa iyo," tugon nito.
Hindi naman nakaimik si Klaire, ipinagpatuloy na rin niya ang pagkain.
Naging tahimik sila sa pagdaan ng sandali. Unang nakatapos sa pagkain ay si Claims na agad na nagpaalam para umakiyat sa silid nito.
Kaya sila na lamang dalawa ang natira roon. Dahil ilang si Klaire na may kasamang ibang tao ay minabuti na niyang tapusin agad ang kinakain.
"Excuse me, maiwan na kita. Aakiyat na rin ako." Akmang tatayo siya ng magsalita si Ruiz.
"Masiyado ka naman yatang mabilis ngayon Klaire. Can you stay, may mga nais akong sabihin sa iyo," saad nito na nginitian siya pagkatapos nitong makainom mula sa baso ng tubig.
Napapayag naman si Klaire, lalabas siyang bastos kung hindi niya pakikiharapan ng maayos ito.
Naghintay nga siya roon, hindi rin nagtagal ay natapos na rin ito.
"A-ano bang tungkol sa pag-uusapan natin?" usisa ni Klaire.
Hindi muna nagsalita si Ruiz at tuluyan inabot ang isang bote ng alak at tuluyan binuhasan ang wala pang lamang na baso nito.
"Alam kong mahal mo si Luis, pero hindi iyon sapat na rason para tiisin ang kapatid ko Klaire..." Matalinhaga nitong wika.
"A-ano bang sinasabi mo, hindi kita naiintindihan," nagtataka niyang sabi rito. Naguguluhan siya sa ipinupunto nito ngayon.
Pinagmasdan lamang siya ni Ruiz, matapos nitong ilapag ang wala ng laman na baso sa harap nito.
"Ang ibig ko lang sabihin Klaire, hindi porke't kapatid ko si Luis ay hahayaan ko na kontrolin at saktan ka na lang niya," diretsang ani ni Ruiz na nakakatiyak sa mga salitang binanggit.
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo, sinasaktan? h-hindi totoo iyan." Deny niya. Napaiwas pa siya ng tingin. Dahil kitang-kita lang naman niya na hindi ito naniniwala sa mga sinabi niya.
"Huwag mo na akong paglihiman Klaire, alam ko na. Sinabi na sa akin ni Nanay Seselia, kung hindi mo naitatanong siya ang totoo kung ina."
Pagkagulat ang masasalamin sa mukha ngayon ni Klaire. Hindi niya aakalain na aaminin nito iyon sa kanya. Sino ba kasi siya para pagsabihan ng mga mahahalagang sikreto nito.
"Nagulat ka siguro, dahil hindi mo aakalain na anak ako sa katulong ng Papa namin ni Luis. Sabagay, nakikita mo naman kung paano ako pakitunguhan ng sarili kong kapatid," mapait nitong sabi.
"Huwag mong sasabihin iyan, kilala ko si Luis. May ugali man siya, alam kong hindi ka naman naiiba para sa kanya, paniwalaan mo sana iyon," tugon ni Klaire.
Buhat sa sinabi niya ay napangiti ito.
"Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang bright side sa isang sitwasyon meron kami ng kapatid ko. Thank you for that," magaan ng ani ni Ruiz.
"Wala iyon, ang nais ko lang ay sana maging maayos na ang samahan niyong magkapatid." Taos sa puso niyang wika. Gusto rin naman niyang makitang magkaayos ang dalawa.
"Hindi ko alam kung darating pa tayo riyan. Lalo ngayon, may paraan ako para maitakas kita rito. Sabihin mo lang na pumapayag ka, ora mismo iaalis kita rito." Muli ay napaamang na naman si Klaire.
Nailing na lang niya ang ulo, para sa kanya ay kalokohan ang pag-alis sa isla kung saan sila naroroon.
"Hindi kita pipilitin umalis ngayon, pero alalahanin mo ang sitwasyon mo at ni Claims. Kung ipagpapatuloy mo ang pakikisama sa kapatid ko." Patuloy na pangungumbinsi ni Ruiz na pinagmamasdan lang ang natahimik na babae.
Ibang-iba talaga ito kay Julia, nanatiling submissive ito.
"Mukhang nagkakamali ka, wala sa isip ko ang takasan ang buhay ko rito. Maayos naman ako rito, kaya huwag mo na akong alalahanin pa," muling pagsasalita ni Klaire na napainom pa sa baso.
Pinakatitigan naman siya ni Ruiz, halata nitong nagsisinungaling siya. Ngunit hindi na lang niya iyon isinatinig. Sa totoo lang bago niya buksan ang paksang iyon ay nakahanda naman na siya sa anuman magiging desisyon niya sakali.
"Okay kung iyan ang desisyon mo, wala akong magagawa. Basta ito lang masasabi ko, kung biglang mag- iba ang isip mo Klaire. Alam mo naman kung paano ako kakausapin. Kung iniisip mo na baka hindi ko isakapalaran ang buhay ko para sa kapakanan ko sa inyong mag-ina. Nagkakamali ka ng akala, makakayang kong gawin iyon sa ikalawang pagkakataon."
Biglang lumipad ang tingin ni Klaire sa mukha ni Ruiz. Isa lang ang nasa isipan niya, ito lang pala ang tumulong dati kay Julia para makatakas kay Luis.
"Sige na at aalis na ako, alagaan mo lang ang sarili mo." Mula sa pagtatapos ng mga salita nito ay tuluyan itong napatayo at naglakad palabas.
Naiwan naman doon si Klaire na nag-iisip. Ngayon ay may isang tao na willing siyang tulungan.
Susugal ba siya kung may pag-asa ng makaalis sila sa lugar na iyon at magpakalayo-layo sa isang mafia boss na tulad ni Luis Mendrano.
HALOS maliwanag na mula sa labas ng bintana ng magising si Klaire. Hindi niya kasi namalayan na nakatulog siya buhat sa ginawa niyang pag-iyak.
Dahilan lang naman ay nahahati siya sa magiging desisyon niya: Ang lisanin ang pamamahay ng lalaking pinakamamahal niya o manatili siya roon para maging buo pa rin silang pamilya.
Halos iinot-inot siyang bumangon, mabigat pa rin ang pakiramdam niya magpahanggang sa mga sandaling nakatayo lamang siya mula sa katabing bintana habang nakatanaw mula sa labas.
Maya-maya ay nakarinig na siya nga mararahan na katok galing mula sa pinto ng silid.
"Goodmorning ija, nakahanda na ang breakfast pwedi ka ng bumaba para kumain," wika sa kanya ni Nana Seselia.
Akmang isasara nito ang pinto ng pigilan ito ni Klaire.
"Pwedi po bang mag-request," nag-aalangan pang saad niya.
"Ano iyon ija, sabihin mo?" nakangiti naman sabi ng matanda.
"Maari ho bang i-akyat niyo na lang dito sa silid ang kakainin ko po. Masama po kasi ang pakiramdam ko," pilit na nangingiting sabi ni Klaire.
Hindi naman kaagad nagsalita si Seselia, bagkus ay sinapo mo muna nito ang noo niya.
"Ahy oo nga mainit-init ka nga. Sige, ang mabuti pa'y ipagluto kita ng mainit na sopas mainam iyon para makainom ka ng gamot pagkatapos," wika ng matanda.
"Salamat po Nana, saka po si Claims pakiasikaso na rin ho. Huwag muna niya akong pupuntahan at baka mahawa pa sa akin," tugon niya. Muli sana siyang hihiga mula sa kama ng muling magsalita ito.
"Huwag mo ng alalahanin pa ang anak mo ija, dumating naman na si master Luis." Buhat sa sinabi ng matanda ay muling napabalik ang pansin ni Klaire rito.
"G-ganoon po ba," nausal niya. Hindi niya maalala kung nakauwi ba ito kagabi. Gustong-gusto sanang itanong ni Klaire sa matanda kung anong oras ito dumating. Ngunit kinahiyaan na niyang itanong.
"Sige na at baba na ako. Magpahinga ka muna at mamaya iaakyat ko na ang kakainin mo para makainom ka na ng gamot." Pagkatapos niyon ay tuluyan ng isinara nito ang pinto.
Muli ay naiwan na mag-isa si Klaire mula sa madilim na silid. Gusto niyang bumalik sa pagtulog, ngunit naging abala siyang muli sa pag-iisip sa kinasusuungan sitwasyon.
Nagbabakasali na may masumpungan siyang sagot sa lahat ng iniisip niya.
Sa kaisipin na nasa malapit lang si Luis ay muling hindi na naman siya mapakali.
BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Romansa"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...