Chapter Fifty Four

96 1 0
                                    

PINAGMAMASDAN lang ni Katarina si Claims na nasa atensyon naman ni Luis. Kasalukuyan itong tinuturuan mangabayo ng huli.

Nakasakay sa iisang kabayo ang dalawa kaya kahit paano ay hindi malalaglag ang anak niya.

"Come on, Klaire, will you just watch me and Claims?" Luis said as he brought the black stallion closer to his position.

"You guys go first, and I'll walk over there." She avoided him.

Hindi na niya hinintay na magsalita ang lalaki at pinanindigan nga niya ang sinabi. Naglakad-laka siya, kahit paano ay  naiwala niyon ang mga iniisip niya. Lalo ngayon, nadagdagan na naman ang dahilan para magawa na niya ang plinaplano niya.

Kanina sa may sasakiyan, kamuntik na siyang bumigay sa pang-aakit sa kaniya ng asawa. Mabuti na lamang at naroon ang presensiya ni Claims. Hindi na niya papayagan maulit iyon!

Buhat sa may likuran niya ay nakarinig siya nang papalapit na yabag ng kabayo. Hindi nga siya nagkamali, dahil si Luis ang nakasakay doon na sinundan lang pala siya. Pero hindi nito kasama ang anak nila.

"Bakit ka narito, pwedi ba gusto kong mag-isa at bumalik ka na lang doon baka hinahanap ka na ni Claims." Pagtataboy niya sa lalaki ng akmang baba ito sa pagkakasakay sa may kabayo.

"Babalik talaga ako roon dahil pinapasundo ka lang naman ng anak natin. Halika na, delikado na ang daan diyan huwag mo nang balakin pumunta pa banda roon." May himig concern sa tinig ni Luis.

Ngunit walang pakialam doon si Katarina, ang kagustuhan niya na makalayo sa presensiya nito ang masusunod sa kaniya.

"Please leave me alone, I just want a peace!" Pamamahiya niya rito. Binilisan na niya ang paglalakad, hanggang sa napunta na siya sa masukal na daan papasok sa gubat.

Iginala niya ang pansin, mukhang nagsasabi ng totoo si Luis. Ngunit lahat ng pag-aalinlangan niya ay tuluyan naisantabi nang marinig niya uli ang pagtawag nito sa dating pangalan niya.

"Klaire 'wag ng matigas ang ulo, we must back now at ranch," mariin utos nito.

"Ikaw ang huwag matigas ang ulo, kailangan ko bang ipaulit-ulit sabihin sa kokute mo na iba na ang pangalan gamit ko.  It's now Katarina at hindi Klaire!" pagsisigaw niya at hinawi ang mga matataas na halaman ligaw na nakaharang sa dadaanan niya.

Binilisan na niya ang pagtakbo, kahit anong mangyari ay hindi siya mapapasunod nito!

Isang tili ang namutawi sa labi niya ng biglang maramdaman niya  ang paghawak at pagkakabig palapit ni Luis. Napasubsob siya ng wala sa oras sa matigas nitong kaha. Para siyang naumpog sa pader medyo nahilo siya.

"I said you must stop, hindi ka nakakaintindi. This is not the right place para pairalin mo ang ganiyan ugali mo. Yes, pinagbigyan ko ang gusto mo. Pero may limitasyon. Tara na!" Sabay hila nito sa kaniya.

"No! No! iwan mo ako! ayukong sumama sa katulad mong masama ang ugali. Na sarili lang ang parating pinapakinggan! Kaya pabayaan mo na ako!" Pagsisigaw ni Katarina at pinagsusuntok pa niya ang kamay ni Luis na mahigpit siyang hawak.

"Klaire, can you be a good girl for just now dahil baka—" Hindi na naituloy ni Luis ang sinasabi dahil dire-diretso na silang gumulong paibaba. Napatili si Katarina at napatakip na lang ng mata sa sariling kamay.

GRADUALLY, Katarina opened her eyes and asked where they were. Some areas of her body hurt, but she didn't sustain any significant injuries.

Pinilit niyang bumangon at maupo at nakita niyang nasa paanan sila ng mataas na gilid ng bundok. Mabilis pa sa alas-kwatro na hinanap niya sa paligid si Luis, ngunit wala ito roon. Kinapa niya ang kanyang celpon ngunit hindi pala niya iyon nadala kanina.

Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon