BUMALIK na nga ang dalawa sa table nila. Wala ni isa man sa kanila ang nagsasalita kahit na iisang lamesa sila magkasama.
"Mama inaantok na po ako," wika ni Claims na sumandig pa kay Klaire.
Binalingan naman niya si Luis na nakatutok ang pansin sa iniinom na alak.
"Ramil, ihatid mo na sila sa hotel." Utos nito sa tauhan.
Inakay na nga nito ang dalawa paalis, masama pa rin ang loob niya kaya hindi na nagpaalam si Kliare. Binuhat na niya si Claims dahil tuluyan itong inantok at nakatulog.
Nakarating naman sila sa hotel kung saan sila nagpunta dati. Kahit gabing-gabi na ay napakarami pa rin labas-masok na tao.
"Ako ng magbubuhat sa bata ija, ang mabuti pa'y asikasuhin mo muna ang sarili mo. Sa may kusina may mga in-order na pagkain si Boss Luis. Ang sabi niya hindi ka pa kumakain," sabi ni Ramil.
Nagulat naman si Klaire, hindi niya ini-expect na alam iyon ni Luis. Sabagay isa itong mafia boss, kahit ano ay malalaman nito.
"Paano mo nasabi, ang nararamdaman mo nga wala siyang kaidi-ideya. Nakikita na nga niyang nasasaktan ka pero wala pa rin siya pakialam!" Ukilkil ng isang tinig sa isip niya.
Kahit napagod at walang gana si Klaire na kumain ay naupo pa rin siya sa lamesa at nag-umpisang ipaghain ang sarili. Kahit paano ay masasarap na pagkain na naman ang nasa harapan niya. Ngunit hindi siya makapag-enjoy dahil mag-isa lang siyang kumakain.
Sakto naman pumasok si Ramil ay inaya na niya itong sumabay sa pagkain sa kanya.
"Naku! ija hindi maari. Malilintikan ako kay Boss, saka busog pa naman ako," tugon ni Ramil.
"Sige na po sabayan niyo na ho, nakakawalang gana po kasing kumain na nag-iisa," malungkot na ani Klaire na nakayuko pa.
"Naiintindihan ko, kaya sige kakain ako pero mabilis lang. Baka parating na si Boss mayayari talaga ako," sabi naman nito. Kumuha na nga ng plato at kubyertos ito at naupo sa kaibayong upuan.
"Bakit ho ba natitiis niyong mag-trabaho sa isang katulad ni Luis Mang Ramil. Marami naman hong mas maayos na pweding pasukan kaysa naman manganib ho ang buhay niyo bilang tauhan niya." Naisip niyang i-open iyon ni Klaire upang may mapag-usapan sila.
"Alam mo ija, sa tinagal-tagal ko na rin sa pag-ta-trabaho ko kay Boss Luis ay hindi naman niya ako pinabayaan. Sasabihin ko sa iyo, hindi naman dahil sa sahod o pera kaya ako nagtatagal sa Familia. Dahil may sinumpaan kaming layunin, hanggang sa mamatay kami ay mananatili kaming kasama ni Luis," sagot nito.
Ngayon mas naiintindihan na ni Klaire, mas higit pa pala sa pagiging mag amo ang turingan ng mga ito sa isa't isa. Kung 'di pamilya na rin kumbaga.
"Meron ho pala akong itatanong Mang Ramil."
"Ano iyon, sana naman ay kaya kong sagutin iyan," sagot nito matapos na makainom ng tubig.
"Tungkol po ito kay Don Darius Adriano III..."
Hindi naman nakapagsalita si Ramil, mukhang hindi yata inasahan nito ang itatanong niya rito.
"Please ho, gusto ko lang malaman kong bakit sila magkaaway. Gayong ng makita ko ang Don Darius na iyon ay napakalayong makakagawa siya ng hindi maganda sa kapuwa," ani naman ni Klaire.
"Tama ka, napakabuting tao naman talaga ni Don Darius noong nabubuhay pa ang ama ni Boss Luis ija. Matalik silang magkaibigan nito, ang magkaibang mafia na pinamumunuan nila ay sanggang dikit dati."
Halos hindi iyon mapaniwalaan ni Klaire ano ang nangyari at tuluyan nasira at naging magkalabang mortal ang dalawang crime familia?
"Kung ganoon naman dati sila bakit ngayon ay hindi na. Dahil po ba sa namatay na po ang ama ni Luis?" tanong pa niya.
Ngunit hindi na nakasagot si Ramil dahil biglang sulpot lang naman doon si Luis.
"A-andiyan na po pala kayo Boss. Sige na ma'am Klaire, tutuloy na ako." Paaalam nito.
Ngumiti naman ang babae, nanghinayang pa siya sa pagkakataon na marinig ang gusto niyang malaman.
Muli niyang itinuloy ang pagkain na hindi pinapansin si Luis na naupo sa tabi niya.
"Nasaan si Claims?" tanong nito.
"Natutulog na siya, napagod siya ng sobra," sagot niya.
Mukhang may dumaan na anghel dahil biglang tumahimik. Pigil-pigil ni Klaire ang bibig para magsalita, mabuti at kumakain siya kaya may idadahilan siya sa hindi pakikipag-usap sa lalaki. Magpahanggang pa rin kasi ng mga sandaling iyon ay galit siya sa inasal nito kanina. Kahit alam na rin naman niyang may pinanggagalingan iyon.
Nadinig niyang napabuntong-hininga si Luis bago ito tuluyan umimik.
"Kung galit ka Klaire, hindi ko iyon sinasadiya," umpisa nito.
Mapait naman nangiti si Klaire, paghingi lang naman ng sorry ang gusto niyang marinig dito. Ngunit sadyang hirap pa talaga nitong maibigay sa kanya, katulad lang naman ng tiwala nito!
"Ganoon ba, grabe naman... alam mo bang nakakainis ka. Hirap mo pang magsabi ng sorry, ngayon sasabihin mo sa akin lahat kung bakit galit ka kay Don Darius," buwelta niya.
Mukhang hindi yata nagustuhan ni Luis ang binuksan niyang paksa na nagpaasim sa mukha nito.
"Please Klaire, can we talk it in another time." Pag-iwas ni Luis.
"Ngayon ang gusto ko, lagi ka na lang ba ganyan huh! sige ikaw bahala. Sa susunod na lang tayo mag-ayos!" Tuluyan na siyang tumayo at nawalan ng ganang kumain.
Lalo siyang naiinis, dahil hindi man lang siya pinigilan nito. Dumiretso na siya sa banyo at hinubad ang suot niya. Maging ang make up niya pinagtatanggal niya.
Nagtagal siya sa loob, gusto niya kapag lumabas siya ay tulog na si Luis.
Halos isang oras ang inabot ng pagbabad niya sa bath tub na linagyan niya ng scented oil para marelax siya. Ngunit sa paglabas niya ay mukhang mae-stress na naman siya dahil nakita lang naman niya si Luis na gising pa at hawak nito ang baril na pinupunasan pa nito.
"Bakit gising ka pa?" Iyon kaagad ang tanong niya rito.
"Hinintay kitang lumabas Klaire... hindi ba't gusto mong malaman kung bakit naging kaaway ko ang isang mabuting kaibigan ng ama ko na si Don Darius," sagot nito na hindi siya tinatapunan ng tingin dahil nakatutok ang pansin nito sa baril na hawak pa.
"Salamat at kahit paano ay gusto mo ng i-share sa akin ang dahilan." Medyo ikinatuwa ni Klaire iyon, dahil kahit paano ay isang mahalagang bagay ang ipapaalam nito sa kanya.
Tuluyan siyang umupo sa may tabi nito at naghihintay.
"Huwag kang magpasalamat, dahil pagkatapos mong marinig ang sasabihin ko ay hihilingin mo na lang na sana... sana hindi mo na lang inalam."
Kinabahan naman bigla si Klaire, ngunit nandito na siya. Wala ng atrasan pa!
"O-okay lang, kakayanin ko kung ano man ang maririnig ko mula sa iyo," tapang-tapangan niyang sabi.
Tinitigan naman siya ni Luis at napabuntong-hininga.
"That old man Darius Adriano III his not actually a good man, Klaire. Dahil siya lang naman ang dahilan bakit namatay si Papa... binaril niya ang mismong kaibigan niya." Siwalat nito.
Bigla naman natulala si Klaire. Halos hindi mag-sink in sa utak niya iyon.
"P-pinatay niya ang Ama mo?"
"Yes he's the one behind the assination of my father."
"Siguro naman ay may mabigat din naman siyang dahilan kung bakit niya iyon ginawa," patuloy pa rin si Klaire.
Doon ay pinakatitigan siya ni Luis, nanuot lang naman sa kanya ang matiim na titig nito sa kanya. Ramdam niya ang pag-akbay nito.
"Yeah, your right... because the reason was, I did kill Julia Klaire. Si Don Darius, siya lang naman ang lalaking nang-agaw sa babaeng dati kong minahal..."
Gulat sa rebelasyon at the same time nasasaktan siya sa nakikitang pait na bumalatay sa mata ni Luis. Sa kaisipin na may naunang minahal ito at kung gaano ito nasasaktan sa pagkawala mismo ng babaeng iyon.
"Ikinalulungkot ko ang nangyari Thor," taos sa pusong saad ni Klaire.
"Don't be sorry, Julia deserved to die sa panlulukong ginawa niya sa akin, kaya I shoot her to death," Luis hissed. Ngayon napalitan na ng galit ang mababakas dito.
Hindi na napigilan ni Klaire na hawakan ito sa pisngi.
"Kaya ka ba walang tiwala sa akin dahil sa ginawa sa iyo ni Julia?" diretsang tanong niya.
"Hindi iyan totoo, hindi kayo magkatulad kaya huwag mo siyang ipares sa iyo," nakaiwas na sagot ni Luis.
"Alam ko, dahil nakakahigit siya sa akin hindi ba? kumpara sa akin malayo ako."
Kunot-noo naman napatitig si Luis sa kanya. Tuluyan na niyang isinantabi ang baril at hinaplos ang mahaba niyang buhok.
"Babe, this I will promise to you. Kahit anong mangyari hinding-hindi ko gagawin ang ginawa ko kay Julia sa iyo lagi mong tatandaan iyan," puno iyon ng paninindigan na tila hindi naman nito sinasabi para sa kanya ngunit mas lamang sa sarili niya.
"Sige naniniwala ako," tuluyan niyang tugon.
Pinakatitigan naman siya ni Luis, tila ito naman ang hindi kumbinsido.
"Mukhang hindi ka naniniwala, wait, maybe this will help babe." Kasabay ng pagkabig nito sa mukha niya at pagsiil ng halik ay nag-umpisang maglimayon sa kanyang katawan ang kamay ng lalaki.
Mukhang uumagahin sila, lalo't damang-dama na naman niya ang tigas na tigas at tumutusok pang sandata nito sa gitnang bahagi niya na nagpapatakam sa kanya.
Ito ang masarap, pagkatapos ng away ay walang humpay na ligaya ang pagsasaluhan nila sa ibabaw ng malambot na kama lang ng pinakamamahal niyang mafia boss.
BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Romance"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...