Chapter Fifty One

65 0 0
                                    

ARAW ng kasal, mula sa simbahan na pagdadausan ng pag-iisang dibdib ay makikitang pinaghandaan iyon. Isang luxury glamours themed wedding ang gaganapin.

Ang mga bulaklak na kulay asul ay inangkat pa mula Switzerland, maging ang wedding coordinator nila ay pili ni Luis.

Sa isla Demorette naman ang reception an all white wedding color scheme- natural na dama ay sophisticated and cohesive. May touch of black nagdaragdag ng contrast at intensity. Coloured silver na may cool toned, gold para sa mga palette. May kaunting glitzy vibe. Ang mga glassware at tableware, mga detailes about calligraphy, for decorative chairs ay centerpiece vessels. Pagkatapos ng seremonyas, isang cruise ship ang pangunahin maghahatid sa mga entourage at bisita. Ang mga pagkain na inihanda ay isang kilalang Chief sa Calu na usap-usapan ay mahal kapag kukunin ang service. Maging ang mansiyon na pag-aari ni Luis ay pinamulitian para sa natatanging kasal nilang dalawa.

Bagama't sobrang pinaghandaan ang gaganapin kasal nila Katarina ay pili lamang ang mga dumalo. Ilang kamag-anakan sa side ni Luis at mga malalapit na tauhan na pinagkakatiwalaan ng familia. Partnership nila sa mga businesses ng mga Mendrano's Association. Umabot pa rin ng halos dalawang daang katao.

Dahil ulilang lubos naman si Katarina at bihira lang makihalubilo ito ay walang naimbitahan ito sa San Salvation kung saan siya lumaki.

Ngunit dahil sa tatlong taon na nasa America siya ay kahit paano may masasabi na siyang acquaintance. Si Havanah ang piniling bridesmaid.

Dahil wala na siyang magulang ay tanging si Seselia na lamang at Ramil ang pinili ng babae na maghahatid sa kaniya papuntang altar. Si Claims naman ang ring bearer, ang ilan sa mga classmate nito ay inimbita rin.

Walang media station ang pinayagan na mag-cover sa gaganapin kasal. Mahigpit at ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato at video.

"Your wedding is the greatest Kat sa lahat ng pinuntahan ko huh! How I wish ganito rin ang dream wedding ko, saka ang gown grabe perfect." sambit ni Havanah na pinuntahan pa siya sa room niya. Kasalukuyan kasi siyang inaayusan at nilalagiyan ng make up. Suot na niya ngayon ang chic slip dress à la Carolyn Bessete. Simpleng blusher na tinernuhan ng cathedral-length veil. She feel inlove also to the feather-embellished wedding heels niya na nagkakahalaga ng ilang daan na libo lang naman!

Nginitian naman niya ang kaibigan mula sa salamin na kaharap. Tuluyan din naman itong napabalik sa silid nito dahil hindi pa ito tapos ayusan.

Ang hairstyle niya ay isang Rhinestone clips, hindi rin biro ang presyo. Bumagay naman sa mahaba niyang buhok. Clean make up lang naman ang inilagay sa kaniya. All in all she love what she 's staring now.

"Your so beautiful madaame," saad pa ng baklang nag-aayos sa kaniya.

Nginitian lang din niya ito, ilang beses naman niyang narinig iyon maghapon sa mga taong nakapalibot sa kaniya.

Ngunit ang totoo, isa lang naman ang gusto niyang magsabi niyon sa kaniya. Walang iba, kung 'di ang mapapangasawa niya, si Luis.

Sa isipin na naghahanda na rin ito sa gaganapin kasal nila ay tila may mga paro-paro na nagliliparan sa loob ng tiyan niya.

Halos hindi siya mapakali sa nakalipas na sandali.

"Geez! Kinakabahan ako!" naibulong niya. Isang nahihiyang ngiti ang ginawa niya sa mga nag-aayos sa kaniya nang mapuna ang pagka-tense niya.

ISANG puting limousine na may palamuting bulalak sa hawakan ng sasakiyan ang dumating. May nakalagay na mahabang ribbon na pula sa harap at may dalawang puting teddy bears na nakasuot pang-kasal ang nasa harap nito. Cute din ang balloons na kulay white and blue ka-pares sa mga bulalak sa simbahan ang nasa bawat gilid ng sasakiyan.

Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon