A/N
BABALA! May mga parteng hindi kaaya ayang basahin. Maaring pakilagtawan na lang kung hindi kumportableng basahin. Salamat!
INAAKALA ni Klaire na imihinasyon lang niya ang nasaksihan. Ngunit hindi pala, dahil naroon pa rin naman siya nakatayo sa mga bisitang nagdadaan at parito sa malaking pagtitipon na iyon na pinuntahan nila ng anak kasama ng walanghiya nitong ama.
Masiglang-masigla ang buong kapaligiran, nagkalat din ang mga iba't ibang masasarap na putahe at mamahalin alak sa buong pagtitipon. Ngunit hindi iyon nakapagbigay kay Klaire ng kasiyahan. Mas lamang sa kanya ang pait na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Para siyang pinagkakaisahan ng lahat habang nakatanaw siya sa karangyaan nasa paligid. Kahit anong pilit niyang pakibagayan ang mundo kung saan nababagay si Luis ay hinding-hindi niya yatang kayang tumagal pa.
Kaya isang malaki at mabigat na desisyon ang pipiliin niya.
"Mama, uwi na po tayo?" Tinig iyon mula kay Claims na hindi niya napunang tumabi sa kanya. Iniwan niya kasi ito sa komedor upang makakain. Habang siya pinili niyang magpunta sa isang sulok. Pakiramdam niya ay nasasakal siya sa lugar na iyon.
"Sure anak, aalis na tayo," matipid niyang sabi at tuluyan ibinaba ang baso na hawak na naglalaman ng kakaubos na alak.
Kaagad na niyang iginiya palabas si Claims, sumunod naman si Mang Ramil at ang ibang tauhan na ipinasama sa kanila ni Luis habang nasa party sila.
Papalabas na sila sa pintuan ng ibaling muli ni Klaire ang pansin sa itaas kung saan siya umakyat upang hanapin si Luis at hindi niya na inaasahan na makikita naman ito roon. Nakatayo sa may terasa at matiim na nakatitig mula sa direksyon niya habang may hawak itong kopita na naglalaman ng inumin nitong alak. Matagal din naghinang ang mata nila, ngunit agad niya rin naputol ng makita niyang muli ang babaeng nakita niya rin kasama nito sa silid.
Muli siyang napasunod ng marinig niya ang tinig ni Claims na tinatawag ang pangalan niya. Pinilit niyang ngumiti upang maitago niya ang pait na nararamdaman. Maski ang mga luha niya ay tila umurong na rin.
Kailangan niyang magpakatatag para sa nag-iisang anak. Kung 'di magiging kawawa lamang sila sa poder ng ama nito.
NASA mansiyon na sila makaraan ang ilang oras na paglalakbay mula sa nanggalingan nilang lugar. Sa Maynila pa ginanap iyon, kaya kinailangan nilang gumamit ng chopper pabalik sa isla Demorette. Kahit anong pigil niya sa sarili na magtanong kay Mang Ramil ay heto siya at kinukulit ang matandang lalaki.
"Nag-paiwan si Boss, pero huwag kang mag-alala ija. Susunod din siya, may tinatapos lamang siya kaya hindi na siya nakisabay sa inyo pabalik ng isla," wika ni Mang Ramil.
"Talaga po ba, o baka naman dahil mas mahalaga sa kanya ang babaeng nakita kong kasama niya kanina," hindi napigilang bulalas ni Klaire. Sa totoo lang ayaw sana niyang mag-isip ng ganoon pero si Luis din naman ang nagtutulak sa kanya.
Mabuti na lamang at tulog na tulog sa kandugan niya si Claims at malaya silang mag-usap ng tungkol kay Luis ni Ramil.
"Pagpasensiyahan mo na lang si Boss L kung minsan ay mas inuuna pa niya ang ibang bagay at napapabayaan niya ang obligasyon niya sa pamilya niyo. Ngunit para sa inyo rin ito ija, naguguluhan ka man sa ngayon ay lawakan mo ang pang-unawa iyon lamang ang maipapayo ko sa iyo," ani ni Ramil.
Well ano pa ba ang inaasahan niyang sasabihin ng isa sa tagasunod ni Luis. Mas pipiliin nitong sundin ang binata kaysa sa katulad niya.
Sino ba kasi siya sa buhay ng isang Luis Mendrano. Isa lang siyang hamak na babaeng nabuntis nito at naanakan. Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang karapatan magreklamo at makialam sa anuman nais gawin nito habang magkasama sila.
Dahil hindi na ito ang Thor na nakilala at minahal niya noon. Sa isang kisap-mata'y tuluyan nagbago ito.
O kaya hindi naman talaga ito nagbago, dahil siya lang naman ang nag-iisip niyon.
Ang Luis na kasama na niya ngayon ay ang totoong ito. Dahil kahit pagbalik-baliktarin man ang mundo.
Hindi na magiging si "Thor" ito. Kumbaga patay na ang lalaking labis niyang minahal una pa lang.
MATATALIM NA KIDLAT ang pasulpot-sulpot sa madilim na kalangitan. Tila naman umaalingaw-ngaw na sigaw ng nagwawalang higante ang madidinig na kulog sa kadiliman ng gabi ng mga oras na iyon.
Ngunit hindi iyon pinapansin ni Klaire ang focus niya ay kung paano siyang makakalayong tiyak sa impyernong lugar na iyon.
Sa sandaling iyon ay bumuhos na ang malakas na ulan. Ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang pagtakbo.
Kasabay ng mabibilis niyang hakbang ay ang palinga-linga niyang tanaw mula sa likuran. Wala siyang dala na kahit na ano, kung 'di ang sarili lamang. Ramdam niya ang ginaw na unti-unting bumabalot sa katauhan niya.
Labis ang takot niya na maabutan siya ng taong tinatakasan niya. Kaya todo bilis pa siyang nagtatakbo, hindi niya alintana kung ilang beses na siyang nadulas at nasalampak sa basa at maputik na nilalakaran niya ngunit hindi iyon ang nagpahina sa kanyang determinasyon na makatakas.
Sa muling pagkislap ng matatalim na kidlat sa kalangitan ay naaninag niya ang anyo ng lalaking pilit niyang tinatakasan.
"Klaire come back here! I didn't mean to hurt you!" Galit na sigaw nito.
Ngunit imbes na sundin ang gusto nito ay mas binilisan pa niya ang pagtakbo.
Sa maling tapak ng kanyang mga paa ay pasalampak siyang napadapa sa lapag. Nang balakin niyang itapak ang paa ay napangiwi na siya. Mukhang masama ang pagkakabagsak niya.
Magkagayunman ay pinili niyang tumayo kahit labis-labis ang kirot na nadarama niya sa paa. Nagpalinga-linga siya hanggang sa makita niya ang isang malaking puno. Dali-dali siyang kumilos at nagtago papunta sa likod niyon.
Biglang nanginig ang buong katawan niya ng makarinig siya ng yapak. Kitang-kita niya mula sa pinagkukublian si Luis, ang lalaking tinatakasan niya.
"Where are you babe, lumabas ka na at baka kanina ka pa hinahanap ng anak natin," wika nito. Katulad niya ay basang-basa na rin ito.
Maya-maya ay isang singhap ang nanulas sa bibig ni Klaire. Dahil kitang-kita niya na naglabas ng baril ito habang patuloy itong nagpalinga-linga, masasalamin sa mukha nito ang panganib.
Halos hindi na siya humihinga, maski ang pagtibok ng puso niya'y madidinig na niya sa labis na takot.
Nang makita niyang nakalayo na sa kanya si Luis ay doon pa lang siya ulit nagpatuloy.
"K-kailangan kong makalayo, d-dahil tiyak kong mawawalan ng saysay ang pagtakas ko. Gabayan mo ako panginoon Diyos," dasal niya habang paika-ikang tumatakbo sa kabilang direksyon.
Ilang beses niyang pinagtiisan si Luis, pilit niyang tinanggap ang lahat dito kahit hindi na sana nararapat. Ngunit ito rin pala ang magtutulak sa kanya upang takasan ang buhay na ibinahagi nito sa kanya.
Muli ay naalala niya ang pangyayari kung bakit tuluyan niyang isinakatuparan ang pagtakas.
Nakita ni Klaire na bahagiyang bukas ang pinto na pinasukan ni Luis kaya hindi na siya nagatubiling kumatok. Ngunit mukhang nagkamali siya na pasukin iyon dahil kitang-kita lang naman niya ang lalaki na nakaupo sa kama at naroon din ang isang babae na halos hubad na!
Tuluyan nag-init ang sulok ng mga mata ni Klaire sa labis na galit. Kaya hindi na siya nahiyang pumasok at kagalitan ito.
"Hayop ka! hindi mo na ako iginalang pati ng anak ko. Tiniis ko lahat-lahat dahil akala ko may pag-asa ka pang magbago pero maling-mali pala ako. Dahil ang isang katulad mo'y higit pa sa isang demonyo!" hysterical na pagsisigaw ni Klaire at tinakbo ito sa kinaroroonan.
"Hey! who are you at ganiyan mo kausapin si L!" mangha naman na wika sa kanya ng babae. Ngunit hindi ito pinansin ni Klaire.
Kita naman niya na sumenyas si Luis sa babae upang paalisin ito.
Nang makita niyang nakalabas na ang babae ay kaagad na niyang hinarap ang lalaki.
"Bakit mo ito ginagawa sa akin!" nasasaktan niyang saad.
"Hindi mo na dapat iyan tinatanong sa akin Klaire dahil alam mo ang sagot," mabigat na sagot naman sa kanya nito.
"A-anong ibig mong sabihin, dahil sa ano pinagdadamutan kita? iyon ba?" Nanggigilalas niyang tanong pabalik sa lalaki.
Nang hindi ito sumagot ay tuluyan niya itong pinagsusuntok. Ngunit sa gulat niya ay mabilis na hinuli nito ang dalawang kamay niya.
"Stop it Klaire," babala nito.
Ngunit hindi niya ito pinakinggan patuloy siya sa pagpupumiglas hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at isang sampal ang napadapo niya sa pisngi ni Luis ng tuluyan siyang makawala.
Kitang-kita niya ang pagbiling ng mukha ng binata.
Parang doon ay binuhusan siya ng malamig na tubig.
"L-Luis hindi ko sinasa---" Ngunit hindi na natapos sa pagsasalita si Klaire dahil dama niya ang malabakal na kamay nito sa panga niya.
Doon pa lang ay takot na takot na siya. Lalo ng naramdaman niya ang mahigpit na pagsabunot nito sa buhok niya. Ang kasunod na nangyari ay ang hindi niya inaasahan.
Naramdaman niya ang marahas na pagtaas nito sa suot niyang bestida at pagtagilid ng suot niyang pangibaba. Kasabay ng pagpasok nito sa sariling kargada ng hindi man inaalala nito kung pumapayag siya at hindi siya masasaktan.
Damang-dama niya ang pangangailan ng labis ni Luis habang patuloy siyang binabayo mula sa likuran.
Wala siyang maramdaman pagmamahal mula sa mga sandaling iyon. Basta ang maliwanag lang sa kanya isang nakakatakot na halimaw ito.
Mali siguro na kinumpronta niya ito, ngunit ang babuyin siya at saktan nito, iyon ang pagkakamali nito. Umiiyak siya nang tahimik habang paulit-ulit siyang inaangkin nito sa paraan na kailanman hindi niya inasam na matitikman mula sa katulad ni Luis.
BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Romansa"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...