Chapter Twelve

178 2 2
                                    

NAGULAT si Klaire sa pagkabasag ng baso na ipinatong niya sa lamesa. Nasagi lang naman niya iyon.

"Okay lang po ba kayo Mama?" tanong ni Claims sa ina. Nagtataka ito dahil natigilan at natulala pa siya.

"W-wala anak, sige na ipagpatuloy mo lang ang pagkain diyan kukuha na lang ako ng isa pang baso," sagot niya sa bata. Nilinisan muna ni Klaire ang bubog mula sa nabasag.

Habang naglilinis ay hindi mapigilan ni Klaire na mag-isip. Paano ba naman kaya nasagi niya ang baso dahil wala siya sa sarili  kanina. Iniisip niya si Luis. Lalo ngayon, kinakain siya ng kaba. Masamang pangitain kasi ang pagkabasag ng baso.

She feared something bad had happened to Thor. Even though they weren't totally okay with this situation, she didn't want anything bad to happen to the father of his child.

She prayed that he was safe and away from harm.

Lumipas ng mabilis ang mga araw hanggang sa mag-isang Buwan na ng huling magpunta roon si Luis. Doon pa lang ay labis ng kinakain ng kaba si Klaire.

"Ano pong ginagawa niyo Mama?" tanong ni Claims nang puntahan siya nito sa silid  at  kasalukuyan siyang nag-e-empake.

"Aalis tayo anak, pupunta tayong Maynila," sagot niya itinigil niya ang ginagawa at pinakatitigan ang anak.

Gusto man niyang sabihin sa anak ang kutob niya na baka may masamang nangyari sa ama nito ay hindi niya masabi-sabi ayaw niyang pati ito ay madamay sa pag-aalala. Lalo at madalas pa rin itong nagtatanong sa kanya kung kailan babalik si Luis.

"Ano pong gagawin natin doon, pupuntahan na ba natin si Papa?" May excitement sa tinig ng bata.

"Oo kaya sige na magbihis ka na at mamaya aalis na tayo," wika ni Klaire. Nagtatalon naman itong napalabas ng silid. Habang siya ay ipinagpatuloy ang paglalagay ng mga damit nila sa maleta.

Iniisip pa lang niya ngayon kung saan niya unang hahanapin ang lalaki. Lalo at maluwang ang Maynila. Ngayon pa lang ay pinag-aalala na niyang mahihirapan sila kapag nakarating na sila sa lungsod.

Ngunit pinapalakas na lang niya ang loob na sa tulong ng maykapal ay mahanap nila si Luis.

It was noon when Klaire finished putting clothes in bags, she had taken everything they were going to bring out of the living room when she heard a knock at the door. She hurried over and opened it thinking it was Luis.

"Magandang tanghali ma'am Klaire," bati nito sa kanya.

"Magandang umaga rin Mang Ramil, tuloy po kayo." Pagpapaunlak niya sa lalaki.

"Hindi na, gusto ko lamang ipaabot sa iyo ang nangyari kay Boss Luis."  Sa sinabi pa lang nito ay hindi na mapigilan ni Klaire na lamunin ng haka-haka niya.

"S-sabihin niyo nasaan po si Luis at anong lagay niya?"

Napansin ni Klaire ang pag-iwas nang tingin ng matandang lalaki. Magkagayunman ay nagsalita pa rin ito pagkatapos.

Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon