Chapter Sixty Five

79 0 0
                                    

(MAY MGA BAHAGI NG CHAPTER NA ITO NA MASELAN BASAHIN. MAARING PAKI-LAGTAWAN NA LANG. SALAMAT!)

PAGKALABAS ng silid ay kaagad nang kinuha ni Luis ang mamahalin niyang Iphone unit sa loob ng suot niyang jacket.

Nag-type siya mula roon. Idinikit niya ng tuluyan sa may teynga iyon nang mai-dial na niya ang numero ng taong kakausapin niya.

"Hello Glenn, ihanda ang kotse. Sabihan ang mga tauhan natin na ihanda ang oubliette chamber," matapos niyang sabihin iyon ay pinatayan na niya ito. Ibinalik din niya pagkatapos sa loob ng jacket ang Iphone niya.

Kaagad siyang sinalubong ni Havanah nang makita siyang naglalakad papunta sa kanila. Mula sa sulok ng mata niya ay nakikita niya ang pakikipag-usap ni Hamir sa mga lalaking kasamahan nitong modelo.

Ngingisi-ngisi ito, habang nakatutok sa direksiyon niya. Mukhang may nakakatuwa itong sinasabi sa mga kasama nito, tungkol sa kaniya.

Kung meron siyang pinakaiinisan ay iyong mga katulad nito. Pagmumukha pa lang ay nababanas na siya. Para itong ipis sa kaniyang paningin na gusto niyang tirisin!

"Hi! Mr. Mendrano, nasaan si Kat?" tanong ni Havanah na may concern mula sa tinig.

"I'm sorry to say, my wife can't continue your shoot. Maari naman maipagpatuloy ito sa ibang araw," saad ni Luis.

"Oh, I understand. Hopefully she feel better soon. Magpa-pack up na rin kami today, thank you for accomodating us here Mr. Mendrano," puno nang pasasalamat na saad ni Havanah Sinusundan lamang siya ng tingin nito. Nagpunta kasi siya sa may dulong bahagi kung nasaan ang wet bars. Kumuha siya ng isang bote ng Cognac sa cellaret, kung saan nakasalansan ang mga mamahalin at imported niyang alcohol beverages.

"That's good to hear. You can stay here until you want. Kinabukasan na lang kayo umuwi," sabi ni Luis.

"Really? That's good to hear Mr. Mendrano. Okay guys! you hear him, bukas na lang tayo umalis." Si Havanah na agad kinuha ang pansin ng lahat.

"The best thing is to carry everything you bring with you. Sila Nana Seselia na ang bahalang maghatid sa inyo sa guest room," wika ni Luis.

Dinig niya ang nasisiyahan mga kasamahan nito.

Dumating naman din agad sina Seselia at ang ibang mga maids na umalalay sa mga bisita ng asawa.

Habang si Luis naiwan na mag-isa roon. Idinantay niya ang siko sa counter ng wet toolbar kung saan siya nag-iinom.

"After many years, my most-liked room will be filled with blood again," mala-demonyo niyang pagsasalita na tanging ang sarili lang niya ang makaririnig sa mga pinagsasabi. Nagsasayaw ang mata niya habang nakatitig sa mga ice cubes na nasa loob ng basong naglalaman ng matapang niyang alak.

IT was nighttime when Katarina thought of going down. She had a long nap in the afternoon, so she felt good. Sinabihan siya ni Seselia na pinayagan ng asawa niya mismo na mag-stay ang lahat ng bisita niya ngayong gabi dito sa mansyon.

Bungad pa lang mula sa labas ng pinto ay makikita na niya na napakaliwanag mula sa labas. Dahil sinindihan lahat ng mga ilaw.

Dinig niya rin ang malakas na tugtugin mula sa standard speaker ng mga atest music ngayon.

Kaagad siyang sinalubong ni Claims na agad napayakap sa kaniya.

"Are you okay, Mom? Do you still have a headache?" the boy asked after they hugged.


"Huh? How did you know I have a headache?" Katarina asked, puzzled.

Habang iginigiya niya papunta sa mga kasama niya ito. Nasa malawak na lawn garden lang naman sina Havanah.

Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon