SABAY ng nagpunta sa komedor sina Klaire at Luis. Naroon naman na naghihintay si Ramil na nakatayo sa may gilid.
"Magandang umaga Mang Ramil, sumabay na po kayong mag-agahan sa amin," aya ni Klaire dito.
"Huwag na ija, tapos na ako sa amin. Kailangan kong kausapin si Boss," sagot naman nito.
"Mauna na kayo kumain," tugon lang ng lalaki sa kanya.
Naglakad na ito palabas kasama si Ramil, katulad ng sinabi ni Luis ay sinimulan na nilang kumain.
"May problema po ba Mama?" nagtatakang tanong ni Claims. Napansin yata nito ang pagka-lungkot sa kanyang mukha.
"Huwag mo na lang akong intindihin anak, sige na kumain ka na," sabi na lang ni Klaire sa bata na hindi na nangulit.
Sinimulan na niya ang pagkain, sa totoo lang ay masama ang loob niya kay Thor. Siya ang kusang naghanda ng mga pagkain nila ngayon. Gusto niya itong surpresahin, ngunit lahat ng effort niya nabalewala.
Dahil mukhang mas importante pa ang pag-uusapan nila ni Ramil kaysa sa makasama silang kumain nito.
Mabagal siyang nakatapos, habang si Claims ay nauna ng tumayo upang laruin ang mga laruan na binili kahapon ng ama nito.
Patapos na siya ng dumating si Luis. Tumayo na siya bago pa ito makaupo, hindi niya kasi mapigilan mainis. Kalahating oras lang naman itong nakipag-usap.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Luis ng akmang tatalikod siya.
"Diyan sa labas, maglalakad-lakad lang," sagot niya.
"Your not going anywhere," sabi naman ni Luis.
Hindi niya alam ngunit sa sobrang inis niya rito ay hindi na mapigilan ni Klaire na samaan ng tingin ito.
"Tignan mo naman! Kung magsalita ka akala mo ay pweding-pwedi mo akong pasunurin sa pamamahay mo. Pwes mali ka! gagawin ko ang gusto ko ng hindi dumadaan sa approval mo!" mariin na sagot niya rito.
Ngunit ang inaasahan ni Klaire na maayos na pag-uusap ay hindi nangyari.
"Listen... kung sinabi kong dito ka lang ay sundin mo. Hindi iyong sinusuway mo na ako kabago-bago mo lang rito!" mataas na ang tinig ni Luis.
Hindi naman nakapagsalita si Klaire dahil nagulat siya sa tono ng pakikipag-usap lang naman nito sa kanya.
Dalawang pagbagsak ng kamao ang namayani sa lamesa habang ang malamig na titig ni Luis ay nakapagkit kay Klaire na natigagal lang.
"Nagkakaintindihan ba tayo?" kasunod pang tanong ni Luis.
Nakayuko na tumango naman si Klaire.
"Sige na puntahan mo na si Claims, ang maiging gawin mo ay bantayan siya sa lahat ng oras."
Parang robot lamang na sunad-sunuran si Klaire sa mga utos ni Luis. Hindi na niya namalayan na naglakad na siya para puntahan ang anak.
Ngayon heto siya nakaupo lang sa tabi habang tahimik. Si Claims naman ay napansin siya.
"May problema ka ba Mama?"
Doon pa lang ay parang nagising si Klaire, kanina ay tila wala siya sa sarili.
"W-wala sige na maglaro ka lang diyan," sabi niya rito.
Habang siya ay piniling pumunta sa tabi ng bintana, inilibot niya ang pansin sa may labas. Puro dagat ang makikita dahil nasa isla sila, parang may bumara sa dibdib niya sa kaisipan na malayo ang lugar kung saan sila. Wala siyang ibang taong mahihingan ng tulong kung sakali.
"Sana tama ang desisyon kung sumama kami sa kanya," piping pakikipag-usap niya sa sarili.
Hindi niya mabatid pero tila may kakaiba sa lalaking kinakasama niya. Ngayon pa lang ay nag-alala siya sa magiging kalagayan nilang mag-ina sa poder ng isang Luis Mendrano...
SINIGURADO muna ni Klaire na nakaalis na si Luis bago siya lumabas sa silid at puntahan ang Tiyuhin nitong si Agoncillo. Natitiyak niyang ito lamang ang makakasagot sa mga katanungan niya ng tungkol sa totoong pagkatao ni Luis.
Ngunit sa laki ng mansyon at sa dami ng mga silid na halos magkakapareho ay hindi matandaan ni Klaire kung sino sa mga pinto na nakapinid kung saan naroon ito.
"Ang laki-laki naman kasi ng bahay na ito! Kahit sino ay mawawala!" inis niyang sabi habang palakad-lakad pa rin. Patuloy niyang inaalam kung saan ang silid ni Senyor Agoncillo. Hinahawakan at ipinipihit niya iyon pabukas sa pagbabasakali.
Hanggang isang kamay ang humawak sa may balikat niya kaya upang mapatalon sa sobrang pagkabigla si Klaire.
"Ahy! palaka!" Tili niya. Nang pagmasdan niya kung sino iyon ay para siyang hihimatayin. Dahil iyon lang naman ang taong pinakaiwas-iwasan lang naman niya.
"A-akala ko ba nakaalis ka na?" kabado niyang tanong dito. Mabilis na mabilis ang pagtibok ng puso niya na para siyang mahihimatay.
"Tama ka nakaalis na kami ni Ram, kaso naalala ko kayong dalawa na baka gusto niyong sumama sa akin. Pero mukhang may iba kang pinagkaabalahan," wika ni Luis na may nanunuring titig patungkol sa kanya.
"A-ano bang pinagsasabi mo, mali ka ng iniisip mo!"
"Mali ba talaga ako ng iniisip ng tungkol sa iyo o tama naman talaga ako Klaire. Tigilan mo na ang paghahanap sa mga katanungan mo ng tungkol sa akin. Dahil wala kang mapapala sa pinaggagawa mo," supla ng magaling na lalaki.
Bigla naman pinamulahan si Klaire.
"Ikaw ang tumahimik, sumusobra ka na!" Sabay ng pag-amba ni Klaire ng kamay nito pasampal sa lalaki. Ngunit mabilis si Luis na kaagad nahawakan ang kamay niya.
"Don't you dare to slap me," malamig na bigkas ni Luis.
"N-nasasaktan ako, ang totoo gusto ko lang makausap si Senyor Agoncillo," daing niya. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak ni Luis sa kanya.
Tinitigan naman siya nito at unti-unti ay pinakawalan siya.
"Bakit anong kailangan mo sa kanya?"
"Wala naman gust ko lang makipag-kuwentuhan sa kanya. Iyon lamang," pagsagot niya.
"Hindi mo na siya makikita pa," maiksing tugon nito.
Bigla naman kinabahan si Klaire mula sa narinig.
"B-bakit anong ginawa mo sa kanya, huwag mong sabihin pinatay mo siya!" Hindi na mapigilan bintang niya sa kaharap.
"Anong sabi mo." Kasabay ng paglapit ni Luis sa babae na bigla na lamang sinilaban ng takot.
"Huwag!" Takot na takot si Klaire sa mga sandaling iyon. Una niyang naisip ang anak na si Claims. Paano na lang kung may masamang mangyari sa kanya? Ano ng mangyayari sa anak niya Gayong hindi na niya sigurado kung tama bang sumama sila sa lalaking hindi pa naman niya lubusan kilala.
Napansin naman siya ni Luis, kaya unti-unting dumistansiya ito. Maging siya man ay muntik ng mawala sa sarili kanina.
"Mas maiging sumunod ka na lang sa mga utos ko Klaire, pakiusap lang para sa inyo rin dalawa ni Claims ang ginagawa ko," sagot na lamang ni Luis bago ito tuluyan siyang iniwan doon.
Napasandig sa pader si Klaire, halos nanginig ang dalawang binti niya sa sobrang kabang naramdaman. Upang matapos na ang pag-iisip niya ng kung ano-ano ay isa lang ang kilala niyang makakatulong sa kanya...
MASAYANG nagtatakbo si Claims papunta sa playground na pinuntahan nila. Nag-iisa lang iyon kalapit ng mall kung saan sila dinala ni Luis. Naiinis siya rito dahil halos kinokontrol na nito ang buhay nilang mag-ina. Lalo na siya.
Paano ba naman ang mga dating pinili niyang damit na hindi niya kinuha ay nasa loob na ng kabinet at maayos ng nakasalansan. Hindi lang iyon, may mga ibang gamit pambabae na hindi naman niya hinihingi pero kusang binili para sa kanya ni Luis.
Gusto niyang magreklamo dahil para sa kanya ay gumagastos ang lalaki ng mga bagay na hindi naman importante sa kanya.
"Bakit nakasimangot ka ija, may pinu-problema ka ba?" tanong ni Ramil na inabot sa kanya ang ice cream na binili nito. Ang isa ay nauna ng binigay sa anak niya.
"Iyong boss mo kasi Mang Ramil, hindi ko naman hinihingi ang mga gamit na binili niya sa akin ng pagkamahal-mahal!" Hindi na mapigilan sumbong niya sa matandang lalaki.
"Iyon lang ba ija, ganyan talaga si Luis kaya hayaan mo na," wika nito.
Bigla naman ikinalungkot niya ang sinabi ni Ramil.
"Hindi ho talaga okay sa akin iyon Mang Ramil, lalo at lagi na lang siyang walang oras sa amin. Mas gusto ko pang wala siyang maibigay na mamahalin gamit sa akin basta lagi lamang siyang may oras sa amin," saad niya.
"Ikinalulungkot ko na marinig iyan sa iyo ija, pero sana lagi mong isipin na ginagawa niya ang lahat para sa inyo na sa tingin niya ay magkakaroon kayo ng maalwan na buhay sa piling niya. Hindi lang iyon ija, meron din siyang obligasyon sa MMF," payo nito sa babae.
"MMF? ano pong ibig sabihin niyo?" gulo niyang tanong. Minsan na niyang narinig iyon, pero hindi lang niya maalala kung saan.
"Si Luis ija, siya ang Mafia Boss ng Mafia Mendrano Familia..."
Nanlaki ang mata ni Klaire sa nalaman, wala siyang kaalam-alam na isang mataas na pinuno ng isang mafia crime ito.
"Alam ko na nagulat ka, pero totoo siya ang boss ng MMF. Magmula ng mamatay ang ama niya mula sa engkuwentro ay siya lamang ang siyang makakapitan ng familia. Kaya kung nakikita mong palagi siyang busy dahil marami ang nakasandal sa kanya. Sana maunawaan mo iyon." May pakiusap sa tinig ni Ramil.
Hindi siya makapagsalita, dahil may bahagi ng isip niya natatakot para sa kalagayan nilang mag-ina sa piling ng ama ng anak.
"Ang totoo mas nag-aalala ako na may masamang mangyari sa amin ni Claims. Lalo ngayon, maari na sagurin kami ng mga kalaban ni Luis kapag nalaman nila kung sino kami sa buhay niya."
"Naiintindihan ko, kaya nagdo-doble ingat si Boss ngayon para sa inyong mag-ina. Kaya humihingi ako ng mas malawak na pang-unawa sa iyo ija sa mga sitwasyon na sa tingin mo ay tila kinokontrol ka na niya. Pero ang totoo ay pino-proteksiyunan lamang niya kayo."
Muli niyang naalala ang nangyari sa hallway ng mansyon. Naisip niya na maski ang tiyuhin nitong si Senyor Agoncillo ay hindi nito pinagtitiwalaan ng lalaki.
"Opo naiintidihan ko Mang Ramil," sagot niya. Kahit paano ay gumaan na pakiramdam niya sa nalaman.
"Hangad ko ang makakabuti sa inyong tatlo ija, nais ko rin makita si Boss na lumagay na sa tahimik kasama ng bagong pamilya na bubuin niyo. Mahirap sa umpisa pero alam kong hindi mo siya susukuan at iiwan," saad pa nito.
Ngumiti naman si Klaire, gusto rin naman niyang lumigaya silang tatlo kaya sa abot ng kanyang makakaya ay iniintindihin niya si Luis magmula sa araw na iyon.
BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Romantizm"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...