INIS na naglabas ng sigarilyo si Luis mula sa cigarette holders ng imported niyang tobacco. Habang inililinga sa paligid ang kaniyang paningin.
Nasa isang lib-lib na lugar sila. Kung saan mga punong kahoy at ligaw na halaman ang makikita. Hindi na rin sementado ang daan, lubak-lubak at mabato. Walang kahit na anong bahay o inspraktura ang nakatayo.
If only Luis had understood how far and difficult the journey to the person he was going to speak with would be. He wishes he'd taken a helicopter.
“Alecks, isn't that over yet?” he asked his new driver, whom Ramil had hired for him.
“Eh, Boss mukhang matatagalan pa ito. Kailangan ko rin magpalit ng bagong gulong,” kumakamot sa batok na saad nito na nasa makina pa rin ng sasakiyan ang buong pansin.
Luis wanted to yell at him. Ngunit pinabayaan na lang niya. Naglakad siya palayo at saka kinuha mula sa loob ng jacket ang nakatago niyang celpon.
He looked for Ramil's number. He needed to be able to call him to send someone to pick him up from where they were. Ipinaiwan niya ang mga nagbabantay sa kaniya, ayon na rin sa napagkasunduan nila ng taong kikitain niya.
Ngunit naka-ilang tawag na siya ay laging out of coverage ito. Napapabuntong-hininga niyang ibinalik muli iyon. Nang umikot siya upang puntahan si Alecks ay nasa likuran na pala niya ito. Nakatutok sa kaniya ang nguso ng isang mataas na kalibre ng baril na hawak nito mismo.
“Itaas mo ang kamay mo Mendrano. Huwag kang magbabalak na gumawa ng maling hakbang para sa ikapapahamak mo.” Babala nito sa kaniya na may pagbabanta sa titig. Meron pang nabadhang ngisi mula sa labi nito.Wala siyang magagawa, kaya mainam na sinunod na lamang niya ang gusto ng lalaki. Kahit labag sa loob niya na gawin iyon.
“Tumalikod ka.” Pag-uutos pa rin nito sa kaniya.
“Who are you, and why are you doing this?” Luis started asking questions. Habang sinusunod niya ang ipinag-uutos ng lalaki.
“H'wag kang maraming tanong. Ibaba mo ang tingin mo sa lupa!” Malakas na sigaw nito sa kaniya. Upang walang imik na ginawa niya ang gusto nito. Naupo siya habang nakaibaba ang kamay. Itinutok niya rin ang mukha sa ibaba.
“Magpakabait ka diyan Mendrano. Huwag mong balakin na tumakas, dahil ngayon pa lang ay nasupil ka na ni Boss Adriano.” Dahil sa sinabi ng lalaking kasama niya ay namuo ang tensiyon mula sa kaloob-looban ni Luis.
Unti-unti ay kinuyom niya ang magkabilang kamao. Kasabay nang mabilis na paghaklot ng lupa. Isinaboy niya sa mata nito iyon.
“T*ng ina mo!” Nagsisigaw si Alecks matapos na mabitiwan ang baril. Mabilis na hinawakan ang mga mata na nabudburan ng lupa na isinaboy niya.
Siya naman ngayon ang nanutok ng baril kay Alecks na abala pa rin sa nanhahapding mga paningin.
“That's why your face is recognizable; you work for Don Darius. Puwes! kung inaakala mo na malalamangan niyo ako ng amo mo. Nagkakamali ka! Dahil may hawak ako na tiyak ikakagulat niya!” galit niyang sabi sa lalaki na hindi inaalis ang pansin dito.
Maya-maya ay dinig niya ang malalakas na palakpak mula sa kaniyang likod. Mabilis siyang umikot at itinutok ang hawak na baril pa roon. Ngunit muli rin niya iyon ibinaba nang makita niya si Don Darius. Lumabas mula sa sasakiyan na dumating.
“What does this mean? Hindi ba 't pumayag kang maayos tayong mag-uusap. Bakit ngayon hindi mo tinutupad ang sinabi mo!” Nanlalaki at hindi makapaniwalang bulalas ni Luis.
BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Romansa"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...