NAPABUNTONG-HININGA si Klaire matapos niyang makitang lumabas ng silid nila si Luis na walang paalam matapos ng hindi nila pagkakaunawaan.
Iiling-iling siyang napabalik ng higa. Masamang-masama ang loob niya sa naging pag-uusap nila ng lalaki.
"Ano bang nangyari doon at basta na lang siya nag-ungkat ng mga ganoon usapan," napapaisip niyang sabi habang mataman siyang nakatitig sa itaas ng kisame.
Ilang segundo pa'y nakarinig siyang muli ng ng pagkatok mula sa pinto.
"Pasok!" Walang ano-ano'y pagsagot niya. Kahit wala siya sa mood na makiharap ay hinayaan niyang pumasok ang taong kasalukuyan kumakatok.
Nakita naman niya si Manang Seselia iyon, tuluyan siyang napangiti pagkapasok nito. Tuluyan nitong inilapag sa katabi niyang lamesa ang tray na naglalaman ng mga tinalop nitong mansanas at oranges.
"Heto ija dinalhan kita ng makakain mong prutas para mas bumilis pa ang paggaling mo," ani nito. Kaagad din itong napalapit upang maalalayan siyang makaupo.
"Naku Manang nag-abala pa kayo, pero salamat ho rito. Tiyak kong gagaling po ako kaagad dahil magaling po kayong mag-alaga," pasasalamat ni Klaire na tuluyan kumagat sa mansanas na nadampot. Tila nagkaroon siya ng pangalawang ina sa mansyon sa katauhan ni Manang Seselia. Nami-miss niya tuloy ang namayapang ina.
"Mabuti kung ganoon at lahat kaming narito ay nag-aalala sa iyo. Pati rin si Master Ruiz ay alalang-alala sa iyo, sa kanya nga galing itong mga prutas na dinala ko sa'yo ngayon," nangingiting pagsasabi nito na ikinagulat naman niya.
"P-po? n-narito ho si Ruiz Manang?" Pagkukumpirma niyang muli sa narinig buhat dito.
Tumango naman ito, akma itong maglalakad paalis ng pigilan niya ito sa kamay.
"Maari ho bang tawagin niyo siya para makapag-usap kami," paghingi niya rito ng pabor.
"Oo naman ija, mukhang gusto ka rin naman makausap ng anak---" Bigla ay napatutop sa bibig ang matanda upang mapigil nito ang kasalukuyan pagsasalita. Ngunit huli na dahil napansin na iyon ni Klaire.
Marahan naman idinantay ni Klaire sa ibabaw ng palad ng matanda ang kamay niya. Buhat sa ginawa niya ay ipinarating niyang nuunawaan niya ito na may nalalaman siya sa totoong pagkatao nito sa buhay ni Ruiz.
Mukhang biglang nahiya ang matanda dahil napayuko pa ito.
"Huwag kayong mag-alala Manang, hindi ko po kayo hinuhusgahan dahil wala naman akong karapatan para gawin iyon. Nabibilib nga po ako sa inyo, dahil nakakaya niyong tumagal sa ganitong posiyon dito sa mansyon gayong may karapatan rin naman kayo sa mga ari-arian ng mga Mendrano," usal ni Klaire.
"S-salamat sa pang-unawa ija, akala ko ay katulad ka rin ng iba. Ngunit nagkamali ako, totoo nga ang sabi ng anak ko. Sadiyang mabait ka at napakaunawain, masaya ako at nakatagpo si master Luis ng katulad mo. Kaya hindi ako magkakamali kung bakit sobrang pinapahalagahan ka niya," naiiyak nitong wika.
Matipid naman nangiti si Klaire, ewan niya kung ikatutuwa niya ng sinabi ng matanda. Mukhang hindi naman totoong may pagpapahalaga sa kanya ang isang Luis Mendrano na mafia boss ng isang makapangyarihan na mafia crime.
Sa uri ng buhay na meron ito ay imposibleng magmahal ng tunay ang katulad nito.
Ngunit, hindi ba't may una itong babaeng minahal. Si Julia na nang-iwan din dito matapos na hindi nito matiis si Luis.
Dahil naman sa pagmamahal ng huli sa babae ay napatay niya ito.
"Sana nga po Manang... Kung totoong mahal nga ako ni Luis. Nakakapatay pala ang pagmamahal nito," tugon niya. Ngunit ang mga huling pangungusap na binitiwan ay sa isip niya lamang nasabi.
NAKITA ni Klaire ang pagtayo ni Ruiz mula sa kinauupuan ng mabungaran siyang pababa ng hagdan. Pinili niyang sa living room na lang silang mag-usap na dalawa, para hindi na naman iyon masamain ni Luis kapag nagkataon na malaman nito ang pag-uusap nila ng kapatid nito.
Hindi na ito nag-atubiling maglakad palapit sa kanya at alalayan siya hanggang sa tuluyan siyang makaupo.
"I'm glad na maayos na ang pakiramdam mo. Nasabi sa 'kin ni Nanay na masama ang pakiramdam mo," may pag-aalalang bungad nito.
"Salamat nga pala sa mga prutas na dinala mo, nahihiya naman ako sa iyo at nag-abala ka pa. Kahit paano heto at bumubuti na ang pakiramdam ko," sabi niya rito.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, besides kaunting bagay lang naman ang pagdadala ko ng prutas. Alam mo naman na mas mapapanatag ako kung magiging maayos ka talaga," wika ng binata na kaagad naman na nahulaan ni Klaire ang ibig tukuyin nito.
"I-ikaw ba ang nagsabi kay Luis sa mga bagay na iyon?" diretsa niyang tanong dito. Kahit hindi niya klaruhin kung ano tinutukoy niya ay tiyak niyang alam iyon ng kausap niya.
Kitang-kita naman niyang napaunat ito mula sa pagkakaupo.
"Y-yes, I'm sorry kung may nasabi ako sa kapatid ko. It's just that binalaan ko lamang siya, hindi ko naman gusto na magbulag-bulagan lang habang nakikitang nasasaktan ang babaeng gusto ko."
Buhat sa sinabi nito ay ang biglang panlalaki ng mata ni Klaire.
Bago pa man makapag-react siya ay mabilis na kinontra ni Ruiz ang nasa isip ng babae.
"Opps! relax Klaire! theres another meaning of the words I said a while ago. So huwag mong pag-isipan ng kung ano-ano ang sinabi ko kaninang "gusto kita"." Ruiz said while his eyebrow up. Gumalaw-galaw pa ang kamay nito sa harapan na tiyak ang pagkataranta habang itinatama nito ang nasabi sa kaharap.
"Anong pinagsasabi mong gusto mo siya!" Maya-maya they heard the cold and familiar baritone voice of a man in the front door of mansyon.
Sabay na napabaling ang mukha ni Klaire at Ruiz sa direksyon ni Luis. Kitang-kita ang pag-iigtingan ng panga at ang matalim nitong titig mula sa direksyon nila.
"Come on L, that's not what I meant." Pagtatamang muli ng binata sa kapatid.
"Tumigil ka! Huwag mo akong gaguhin sa mismong pamamahay ko! Ang mabuti pa'y lumayas ka na bago pa magdilim ang isip ko at mapatay kita mismo ngayon!" gigil na gigil na asik ni Luis.
Wala naman nagawa si Ruiz kung 'di ang manahimik na lang. Binalingan na lang nito si Klaire na nakaiwas naman ng tingin.
Gustong-gusto na itama nito ang nasabi sa babae, ngunit ng tumikhim si Luis ay minabuti na lang niyang magpaalam na baka lalong magakagulo kapag pinilit niyang manatili doon.
Naiwan naman sina Klaire at Luis. Akmang tatalikod ang babae ng mabilis na napalapit ang lalaki sa kanya at hinawakan siya upang alalayan pabalik.
"Hindi ko gusto ang nadatnan ko kanina Klaire. Sana sa susunod na mag-uusap kayo ng kapatid ko ay siguraduhin mo na hindi ko mismong makikita ang paglalandian niyo!" mariin nitong bulong sa tabi niya.
"Pwedi ba Luis sa tingin ko naman ay hindi naman sadyang ganoon sabihin ng kuya mo ang nasabi niya sa akin kanina. Malay mo binibiro lang niya ako at saka pwedi ba tigil-tigilan mo ang kasasabi na naglalandian kami. Nakipag-usap lang ako dahil nagpasalamat ako sa dala niyabg prutas para sa akin," pag-explain ni Klaire.
Akala niya ay titigil na sa paghuhumerantado ito ngunit lalo pa lang pag-iibayuhin niyon ang panggigil ni Luis.
"Wow! ganoon na kayo ka-close at may concern na siyang nalalaman para sa iyo. That's bullshit Klaire, ang pinakaayuko ay ginagago ako. Listen woman, ito ang lagi mong isipin hindi ko gustong may ibang aaligid sa iyo na lalaki. Kahit na sarili ko pang kapatid!" bulyaw nito.
Marahas naman na ipiniksi ni Klaire ang mala-bakal na kamay ni Luis na nanatiling hawak siya sa braso. Ngunit kahit anong pilit niyang tanggalin iyon ay tila walang nangyayari.
"Ikaw ang manahimik sa pag-iisip ng malisya sa amin ng kapatid mo! Dahil kathang-isip mo lang iyan. Wala ka bang tiwala sa akin!" Hindi na nakapagpigil na sabi ni Klaire dahil sa bugso ng damdamin niya. Para sa kanya ay sumusobra na sa pagsasalita si Luis. Hindi na nito iniintindi na masasaktan siya.
Unti-unti ay tuluyan siyang binitiwan ni Luis.
"Hindi iyon Klaire... dahil parehas na wala akong tiwala sa inyo," mapait na sabi ni Luis bago siya tuluyan pakawalan nito at iwanan siya ng nang-uusig na titig.
Hindi naman na hinabol ito ni Klaire dahil wala rin magiging saysay iyon sa isang taong sarado ang utak.

BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Romance"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...