Chapter Twenty Five

148 1 2
                                    

A/N

Sa mga susunod na parte ay may maseselan na bahagi  ng chapter na narito. Kung ika'y maselan sa binabasa paki skip na lang salamat :) 


KATULAD ng sinabi ni Luis ay nagsimula ng gabing iyon ang kalbaryo ni Klaire sa piling nito.

Iyon ang huling gabi na naging maayos sila, magmula ng makabalik sila sa Isla Demorette ay hindi na ito umuuwi at tumatabi sa kanya sa pagtulog.

Kapag umaga naman ay ang anak nilang si Claims ang pinagtutuunan nito ng atensyon. Ni "Hai" o "Hello" ay hindi magawang masabi man lang ni Luis.

Para siyang hindi nakikita nito kapag nagkakaharap sila. Nasasaktan man si Klaire ay nagpakatatag siya.

"Ayos ka lang ba ija?" tanong sa kanya ni Seselia habang tinutulungan niya itong maglinis ng kanilang silid.

"Opo naman Manang," tanging pagsagot lang niya.

Hindi naman nakaimik ang matanda, nakatitig lamang ito at halatang hindi naman kumbinsido sa isinagot niya.

"Alam ko ija, ilang linggo ko ng napapansin magmula ng makabalik kayo dito sa mansyon na may kakaibang nangyayari sa pagsasama niyo ni Master Luis. Ngunit 'wag ka sanang mahihiya na kausapin ako kung kinakailangan mo ng taong makikinig sa iyo," nauunawaan nitong sabi sa kanya.

"Sa totoo lang Manang nahihirapan na ho kasi akong intindihin si Luis. May mga gusto siya para sa anak namin pero hindi ko pinapayagan," paglalahad niya.

"Ang ibig mo bang sabihin ay ang tungkol ba sa kagustuhan niyang susunod na tagapagmana ng familia si Claims," pagpupunto ni Seselia.

Ikinagulat naman iyon ni Klaire, hindi kasi niya aakalain na may alam ito.

"Pasensya ka na ija, hindi ko nasabi agad. Matagal na akong naninilbihan sa pamilya ni Master Luis at alam kong hindi basta-basta ang naging takbo ng buhay niya. Kaya sana lawakin mo pa ang pang-unawa sa kanya."

"Natatakot ho ako Manang, kahit kailan ay hindi ko aakalain na sa ganitong klase ng buhay ang madadatnan ko sa piling ni Luis," malungkot niyang sabi.

Maging si Seselia naman ay nalungkot din sa narinig sa kanya.

"Magpakatatag ka lang ija, lagi kang humingi ng gabay sa nasa taas palagi naman siyang makikinig sa iyo." Tinapik-tapik naman nito ang balikat niya.

Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok si Ramil habang inalalayan nito ang boss nitong si Luis na lasing na lasing.

"Anong nangyari Mang Ramil?" tanong niya rito.

"Nalasing ho ma'am Klaire, nagkaayaan sa pinuntahan namin. Inaawat ko kanina pero hindi nakinig." Tila pagsusumbong nito sa kanya.

"Hayaan niyo na Mang Ramil at salamat sa pag-aasikaso, Manang pakikuhanan niyo na lang ako ng maligamgam na tubig at malinis na bimpo." Lumabas na nga si Manang Seselia. Nagpaalam na rin si Ramil na aalis na dahil uuwi ito sa Maynila para makasama ang pamilya nito. Nabalitaan niya na mag-bi-birth day ang bunso nitong anak.

"Hay buhay! hindi ka naman namamansin, pero heto ka at kakailanganin mo rin pala ako." Inayos na nga nito mula sa pagkakahiga si Luis. Inumpisahan na niyang alisin mula sa pagkakabutones ang suot nitong itim na longsleeve ng maalimpungatan ito.

"Hey! what are you doing?" angil ni Luis na tinapik ang kamay niya.

"S-sorry tinutulungan lang kita para alisin ang damit mo. Papalitan ko ang suot mo at the same time ay pupunasan kita, kumuha lang si Manang Seselia ng maligamgam na tubig,"
eksplika ni Klaire na napahiya.

"Get out hindi kita kailangan..." Napalingon ito sa may pintuan ng bumungad si Manang Seselia na bit-bit ang mga ipinakuha niya.

"Come here Nana! at ikaw umalis ka na, hindi kita gustong makita!" Itinulak pa siya ni Luis.

Tuluyan na nga niyang sinunod ang gusto nito na iwan niya. Nang tumapat siya kay Seselia ay matipid lamang na nginitian niya ito. Kita niya ang naawang pansin nito.

Nang makalabas siya ay hindi maiwasan ni Klaire na maiyak. Idinaan na lang niya roon ang hinanakit niya sa ginawang pamamahiya sa kanya ni Luis.

"Okay lang iyan Klaire, lasing lang siya kaya pinagsalitaan ka niya ng ganoon." Iyon na lang ang iniisip niya ng mga sandaling iyon. Kahit nasaktan sa mga nasabi ni Luis ay nanatili pa rin siya roon at hinintay si Manang Seselia para kausapin.

Mayamaya ay lumabas na rin ang matanda sa silid. na maingat na isinara ang pinto.

"Kumusta po si Luis Manang?"

"Nakatulog na ija, siya nga pala huwag mo ng iisipin ang sinabi kanina ni Master dahil lasing lang siya. Bukas na bukas ay natitiyak kong babawi siya sa iyo bukas. Sige na at maiwan na kita rito." Paalam nito sa kanya.

Pinakatitigan naman ni Klaire ang pinto na nakasarado, hanggang sa tuluyan na nga niyang binuksan iyon at pumasok siya. Tulog na tulog na nga ang lalaki.

Maingat siyang umupo sa tabi nito upang hindi niya ito magising. Baka awayin pa siya nito lalo kapag naisturbo niya ito. Umiwas siya ng tingin dito bago tuluyan magsalita.

"Hindi ko na talaga alam kung paano ka pakitunguhan Thor. Hirap na hirap akong unawain ka at intindihin. Nasasaktan mo na ako, alam mo ba iyon..." Parang bata niyang paninisi dito. Tinapunan niyang muli ng tingin ito, napatitig tuloy siya sa tulog na tulog na lalaki. Hanggang sa sumentro ang pansin niya sa nakaawang pang labi nito.

Hindi na niya namamalayan na unti-unti niyang inilalapit ang mukha. Ibang-iba ang ritmo ng puso niya na tila may nagkakarerahan kabayo.

As much she wanted to kiss him ay hindi niya magawa. Naalala niya galit siya rito at may kasalan pa rin ito sa kanya.

"Sana paggising mo ay maging maayos na uli tayo," huling bitaw niya ng mga salita bago siya tuluyan tumayo at lumabas ng silid kipkip ang mabigat na pakiramdam.

PAGKATAPOS niyon ay wala pa rin nagbago sa pakikitungo sa kanya ni Luis. Mas sumahol pa ito sa sumunod na gabi.

Biglang nagising si Klaire ng madinig niya ang marahas na pagbukas ng pinto sa katapat niyang silid. Hindi pala niya naisara ng maayos ang pinto ng anak kung saan magmula ng mag-away sila ay doon na siya tumatabi.

"Ano na bang oras." Kinusot-kusot niya ang sariling mata pagkabangon niya.

Unti-unti siyang naglakad palapit sa nakaawang na pinto. Akmang isasarado niya iyon ng may mahagip siya mula sa labas.

Nanlaki lang naman ang mga mata niya habang titig na titig siya sa lantaran paghahalikan lang naman ni Luis at ng babae na hindi niya kilala.

Parang maiiyak siya at halo-halo na ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Naroon lamang siya habang nakikita niya ang kababuyan na ginagawa ng mga ito na hindi man lang mabahala kung may makahuli sa mga ito.

"Suck my c*ck," mariin utos ni Luis sa babae na kaulayaw nito matapos nilang maalis ang lahat ng saplot sa buong katawan nila.

Napapikit siya ng mag-umpisa na ngang ilabas-masok sa mainit-init na bunganga ng babaeng nakuha niya sa bar kanina.

Wala naman talaga sa isip niya na dalhin ito sa mansyon ngunit mas nanaig sa kaniya ang parusahan si Klaire.

Nang magmulat siya ng mata ay kita niya ang gulat na gulat na si Klaire na nakasilip mula sa siwang na nakabukas na pinto.

Naalala niya kanina bago siya may pinuntahan ay pumasok siya roon para i-check si Claims. Naratnan niya rin na nakatabi na si Klaire na mahimbing na rin natutulog. Napag-alaman niyang napagod ito sa pag-aasikaso ng mansyon at pagtulong sa kusina para magluto. Kahit hindi naman ito inoobliga na tumulong doon ay kusa itong gumagawa. Hindi pa rin ito nagbabago.

Ang balak sana niyang hawakan man lang ang buhok ng babae ay hindi na niya itinuloy. Mabilis niyang pinatay ang umusbong na damdamin mula kay Klaire. Tuluyan na siyang umalis pagkatapos.

Muli ay bumalik ang pansin ni Luis sa babaeng nagpapakasasa sa sandata niya. Hinila na niya ito papasok sa kwarto at doon na lang nila itutuloy ang nais pa niyang mangyari sa pagitan nila.

Ito ang naiisip niya, para gawin miserable ang buhay ni Klaire sa piling niya.

"Mag-uumpisa pa lang tayo..." wika ni Luis.

Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon