THAT morning, Katarina had already prepared the things she would bring from the Philippines. Yesterday, she finished arranging for his son.
Kinakabahan man sa naging desisyon niya ay kailangan niyang panindigan ang sinabi niya kay Luis.
Isang malalakas na kalampag mula sa nakasaradong pinto ang narinig niya buhat sa labas ng kaniyang silid. Puno ng pagtataka na tumayo siya at tuluyan binuksan iyon.
"R-Ruiz? What makes you arrive this early?" Katarina wondered, unlocking the door for him.
Nakita pa niyang nakasunod ang dalawang tauhan ni Luis na nagbabantay sa kanilang mag-ina dito.
"Sir Ruiz, hindi kayo basta-basta puweding pumasok iyon ang bilin ni Boss," magalang na wika ng isang tauhan na humawak sa isang braso ni Ruiz. Ngunit mahigpit lamang kinuha iyon ng huli at mabilis na tinanggal.
"Hey! stop! At sino kayo para bawalan ako na kausapin si Katarina. Wala kayong karapatan!" gigil na pagwawala ni Ruiz.
Matapos makawala ay itinulak niya ang tauhan ni Luis na humawak sa kaniya.
"Please! nakikiusap ako tumigil kayo, sige na mga kuya a-ayos lang. Kailangan ko rin siyang kausapin." May lakip ng pagpapaunawa ang tinig ni Katarina sa mga ito.
Matapos madinig iyon ay tumango ang mga ito sa harapan nila at tuluyan naman niyang inaya na lumabas mula sila sa silid si Ruiz na inaayos naman ang nakusot na damit.
"Okay ka lang ba?" May pag-aalala sa tinig ni Katarina habang binibistan si Ruiz.
"I'm fine, pasensya ka na at basta na lang akong sumugod dito ng walang pasabi. Nalaman ko kasi mismo kay Luis, na pumayag kang sumama sa kaniya pabalik ng Pilipinas," tuloy-tuloy na nawika ni Ruiz na idineretsa na ang kaniyang pakay sa pagpunta roon ng ganoon kaagang oras.
Hindi naman nakaimik kaagad si Katarina na siyang napansin naman ni Ruiz. Mayamaya ay napakunot noo itong napatitig.
"So it's real? But why would you go with him? Gayong muntik ka ng mamatay ng dahil sa kaniya," hindi makapaniwalang bulalas ni Ruiz sa nabatid niya.
Napabuntong-hininga naman si Katarina. Pinakatitigan niya ang binata, may karapatan naman itong malaman ang dahilan niya sa tuluyan pagsama sa poder ng isang Luis Mendrano.
"This is the best opportunity, Ruiz; I hope you understand. Kailangan kong pagbayarin siya sa lahat ng mga kasalanan nagawa niya sa akin... lalo sa mga magulang ko na walang awa niyang pinatay!" In instant ay tumalim ang titig ni Katarina. Kapag naalala niya ang kalunos-lunos na sinapit ng mga magulang niya ay labis siyang naghihinagpis.
Isang masuyong paghawak sa palad niya ang ginawa ni Ruiz.
"Sure ka na ba sa gagawin mo, paano ka, si Claims. Baka saktan niya kayo kapag nalaman niya ang totoong motibo mo kaya ka pumayag na sumama pabalik sa kaniya," may bahid ng takot na bigkas ni Ruiz.
"Don't worry, tiyak kong hindi madadamay si Claims. Hinding-hindi niya sasaktan ang bata, kung malalaman niya man na sasama lang ako sa kaniya upang makaganti ay tutuluyan ko na siya bago pa magawan niya ako ng masama or else ay mapatay." Kinikilabutan pa siya habang sinasabi iyon.
"Kat, wala ka na bang ibang pagpipilian? marami pang paraan para magawa mo iyan. Please listen, hindi ko kakayanin kung may mangyari sa 'yo ulit dahil sa pagsama kay Luis. Bahala na ang karma sa ginawa niya sa magulang mo," panay ang pagmamakaawa ni Ruiz. Ngunit hindi natinag si Katarina.
"Wala na akong maisip na paraan pa, mahirap kung aasa lang ako sa karma. Dahil mukhang pati ito 'y takot sa katulad ni Luis," galit niyang sambit na may luha sa mga mata. Lahat ng agam-agam niya ng mga sandaling iyon ay isinantabi niya. Kailangan niyang tatagan ang sarili. Dahil hindi lang naman ang Papa 't Mama niya ang igaganti niya kay Luis. Kung 'di pati ang inosenti niyang anghel na inalisan nito ng karapatan upang mabuhay!

BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Romance"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...