Chapter Fifty Three

114 2 2
                                    

 PAGKAGISING ng umagang iyon ni Katarina ay maayos na siyang nakahiga. Ang nakakagulat sa kaniya, nasa tabi lang naman niya si Luis na mahimbing na natutulog.

Ilang segundo rin niyang pinabayaan ang sarili na titigan ang mukha nito na naka-side view paharap sa kaniya.

May mangilan-ngilan na hibla ng blonde nitong buhok ang tumatabing sa kalahati ng mukha nito. Napanatili pa rin nito hanggang sa balikat ang haba niyon.

Pinaglimayon niya ang tingin hanggang sa matangos nitong ilong na sadiyang bumagay sa mukha nito. Ngayon niya lang napansin na may nunal pala ito sa gitna ng ilong.

Napaiwas na siya nang bumaba sa labi nito ang tingin niya. Bigla siyang napalunok ng 'di oras nang maalala niya ulit kung gaano ka-agresibo ito kagabi na hinalikan siya.

Tinalikuran niya ito nang higa at walang pasakalye na inabot ng kanan hintuturo niya ang labi. Ayaw man niyang inaamin sa sarili, pero na-miss niya ang mga halik nito.

"Paano mong hindi ma-mi-miss, eh, siya lang naman ang pinapayagan mong maka-halik sa 'yo." Singit ng isang tinig
sa isip niya.

Iniikot niya ang mata, gusto niyang pasubalian ang nasa isip. Ngunit para ano, totoo naman.

Sa tatlong taon nakalipas, kahit nasa America siya at may mga lalaking nagpapalipad hangin sa kaniya na mapansin niya ay hindi siya nagka-interes man lang. Si Ruiz man kahit kamukhang-kamukha ito ni Luis ay hindi niya man lang napagbigyan. Isang beses pinabayaan niya ito, pinilit niyang bumigay ngunit sa huli nasaktan niya ang loob nito.

May dumaan at meron naman nagtagal na umaasa na maari pang magbago ang isip niya at ikunsidera ang pagbibigay ng motibo sa kaniya.

Kung ang mga kapuwa niya modelo sa agency ay kaliwa't kanan ang mga josawa siya ay nag-stick sa pagiging mag-isa.

Hindi naman siya na-bored dahil nag-focus siya sa career habang isinasabay naman niya ang pag-aaral niya.

Paminsan-minsan ay nami-miss niya ang anak niyang si Claims. Ngunit kapag iniisip niya na ginagawa niya ang mga bagay na iyon para sa sarili at sa anak ay kahit paano gumagaan ang bigat sa dibdib niya. Na magbubunga rin ang lahat ng sacrifice niya.

Nakaramdam siya ng malamig na simoy ng hangin na nanggaling mula sa maliit na siwang ng bintana. Nakalimutan na rin niyang isara iyon kagabi.

Agad na hinagilap niya ang blangket na nasa paanan nila. Nang bigla ay maramdaman niya ang pagpalibot ng matitipunong braso ni Luis sa kaniya. Nagising na pala ito.

"You don't need that, my arms are absolutely better," bulong nito sa may gilid ng teynga niya. Ginapangan ng kilabot si Katarina, ngunit hindi siya nagpahalata.

Walang pasabing pilit niyang pagtatanggalin ang braso ng lalaki. Ngunit tila bakal iyon sa pagkakadikit sa balat niya.

"Pwedi ba! alisin mong kamay mo, I don't need your damn hug!" iritang sabi ni Katarina.

Hindi pa rin ito sumunod kaya pinagsusuntok na niya ito upang matanggal lamang ang kamay nito. Para na siyang bata sa pinagagawa, ngunit hindi niya mapigilan. Kusang nag-aalburoto ang inis niya rito.

"That's better, umalis ka na nga. Doon ka naman magaling ang palagi akong nasa hulihan sa mga priorities mo!" Pang-aasar pa niya ng tuluyan siyang pakawalan nito.

Akala niya ay sumuko na ito, ngunit laking pagtataka niya dahil isang malutong na halakhak ang naghari sa buong silid nila.

Hindi tuloy mapigilan ni Katarina na umikot at pakatitigan ang nababaliw na yata niyang asawa.

Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon