NAGING mahirap ang mga sumunod na araw para kay Klaire. Dahil palagiang naroon si Luis sa kanilang bahay. Nakikipag-bonding sa anak nila at tinutulungan siya sa gawain bahay.
Oo, hindi niya ito inutusan dahil kusa nitong ginagawa iyon.
"Let me help you babe," wika ni Luis na may ngiti sa labi na kinuha ang mga bit-bit niyang gulay na inani lang naman ng babae sa taniman nito ng gulay. Maging ang pagtawag-tawag nito ng "Babe" ay pinapapabayaan na lang din niya hindi rin niya kasi ito masuway.
"Hindi mo naman kailangan gawin iyan Luis," tugon niya na agad iniwas ang pansin sa pawisan na hubad na katawan nito. Naabutan niya itong nagsisibak ng kahoy.
"It's my pleasure to serve you," matamis nitong tugon may kasama pa iyon na nakakaakit na ngiti.
Matipid na lang din siyang nangiti at hinayaan na kunin na nito ang mga dala niya. Masiyado itong mapilit, katulad na lang dati.
Muli sa pagkaalala ng dating Luis ay hindi na niya namalayan na nangingiti na siya.
"I hope that smile is for me." Umaasam ang tinig ng lalaki habang malagkit na nakatitig sa kanya.
Bigla naman pinamulahan si Klaire lalo at hindi niya matagalan kung paano siya tignan nito.
"Asus! asa ka, mabait lang ako kasi nakikita kong bumabawi ka nga katulad ng gusto mo. Pero hindi ibig sabihin niyon ay okay na tayo!" Pagtataray na naman ng babae. Naglakad na siya papasok sa bahay at napansin niya na sumunod ito.
"Well it's alright that's a good start between us," habol pa nito sa kanya. Inilapag na nga nito ang bag na pinaglagiyan niya ng gulay sa lamesa.
"Bahala kang mag-isip ng kung ano, pwedi ba isuot mo na nga lang iyang damit mo. Kasalanan ko pa na baka mapulmonya ka," iiling-iling niyang sabi.
"Your cared for me huh." Sabay na siniko pa ito ng lalaki.
"Hee! dami mong alam, shoo! alis!" Taboy niya sa lalaki na natatawa sa reaction niya na napapaigtad pa sa tuwing ididikit niya ang katawan dito.
Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Luis dahil nararamdaman niya malapit na malapit ng mahulog sa kanyang patibong si Klaire.
TAPOS na sa nilulutong tanghalian si Klaire nang muli siyang lumabas upang tawagin si Claims at ang ama nito.
Ngunit hindi niya nagisnan ang mga ito, muli ay nilukuban ng pangamba ang katauhan ni Klaire.
"Claims... nasaan ka anak." Naglakad na siya banda roon sa pagbabakasali na doon nagsuot ang anak niya. Ngunit hindi pa rin niya nakikita ito.
"Lagot ka talaga sa akin lalaki ka, oras na malaman kong itinakas mo sa akin ang anak ko!" Pagbabanta sa isip ng babae. Binilisan pa niya ang paglalakad hanggang sa makarating siya mula sa ilog.
Doon niya kasi nadinig ang mga nag-iingay na boses.
At hindi siya nagkakamali, naroon nga si Claims. Kasama nito si Luis na masayang naliligo roon.
"Mama! sali ka sa amin ni Papa, sarap ng tubig!" Pagtawag ng bata sa kanya.
"Kayo na lang anak, hihintayin ko na lamang kayo sa bahay. Pagkatapos niyo diyan ay umuwi na kayo dahil kakain na tayo." Bilin niya. Tumalikod na siya, ngunit hindi pa nakakalayo ito ay bigla na lang siyang napaangat sa ere kasabay ng pagtitili niya.
"Anong ginagawa mo! Baba mo ako!" Suway niya sa lalaki. Ngunit wala yata itong naririnig dahil tuloy-tuloy siya sa pagbagsak sa ilog kasama lang naman nito.
BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Romansa"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...