Chapter Fifty Seven

63 0 0
                                    


IT turned out to be the devil himself, a deceiver. He was the one who manipulated her miserable life these past few years.

"You bastard! killer! son of a bitch traitor!" Pagsugod niya kay Ruiz. Isang mag-asawang sampal ang iginawad niya mula sa pisngi ng binata.

"Magkapatid nga kayo ni Luis, pero mas masahol ka dahil mamatay tao ka ng isang inosenting anghel!" Pagsisigaw ni Katarina.

Mabilis naman siyang nilapitan at inawat sa pagwawala ni Mang Ramil.

"Ija, kalmahin mo ang sarili mo. Narito si Claims." Pagpapaalala nito sa kaniya.

"Bullsh*t! Mang Ramil, paano ako kakalma. Nasa harap ko ngayon ang mismong pumatay sa anak ko. S-sa anak namin ng amo mo!" Paghihiyaw na niya na lumuluha.

The initial pain from the last three years keeps throbbing in her chest. Napupuot siyang napatitig muli sa lalaking nagparamdam niyon sa kaniya.

Unti-unting tumatayo si Ruiz na hindi malaman kung paano sasalubungin ang nang-uusig na titig ni Katarina.

"Hayop ka! ang kapal mong harapin ako." Kasabay nang mabigat na pagtulak ni Katarina dito. Nanatiling wala itong salita.

"... Saksi ka mismo kung paano ako nagluksa sa pagkawala ng anak ko diba? Ano bang ginawa ko, huh! bakit mo nagawang barilin ako! bakit Ruiz! ngayon mo ako dapat sagutin!" gigil niyang tanong at pinagsusuntok ang dibdib nito.

Tuluyan naman nagising si Claims mula sa kanilang komusyon.

"Mama, bakit po kayo sumisigaw?" nagtatakang tanong ni Claims na kinukusot ang mga mata.

"Mang Ramil... pakiusap, palabasin niyo muna si Claims." Utos niya sa matandang lalaki.

Kaagad naman tumalima ito at inalalayan na palabas ang bata na tinatapunan pa rin silang dalawa nang tingin nito. Ang dalawang tauhan naman ni Luis ay kusang sumunod din kay Ramil. Sa may labas ng pinto lang din sila nanatili para magbantay.

"K-Katarina..." Pagtawag ni Ruiz sa pangalan niya.

Again the woman returned her hateful gaze to him.

"Don't mention my name. Because from this day on I won't allow you to come near me or even my son!" mariin anas ni Katarina habang hilam pa rin sa luha ang magkabilang mata.

Namumugto na ngayon ang mata niya dahil sa tuloy-tuloy niyang pag-iyak.

Unti-unti siyang napaupo sa kama. Itinakip niya nang tuluyan ang magkabilang palad niya sa mukha upang mapigilan ang paghikbi niya.

Iyon naman ang nakuhang pagkakataon ni Ruiz. Tuluyan itong gumapang palapit sa kaniya at hinawakan ang mga paa niya.

"Don't touch me, you six*l!" Mura ni Katarina na pinanlisikan ng mata ang lalaki. Iniiwas niya ang paa ngunit panay ang kapit ni Ruiz doon.

"Please, Kat, I hope you can forgive me. Hindi ko kakayanin kapag tuluyan kang nagalit sa akin." Puspos ang pagmamakaawa nito sa kaniya.

"Hindi kita patatawarin! pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa akin. Ipakukulong kita!" galit na galit na sigaw ni Katarina na pinagtatanggal ang kamay ng binata na nakakapit sa paa niya.

He heard his crying and begging. Trying to get her forgiveness. But Katarina doesn't seem to care anymore.

"Kahit mag-uumiyak ka diyan, hinding-hindi mo makukuha ang kapatawaran ninanais mo! Dahil hindi mo na maibabalik kahit kailan ang buhay ng anak ko. Habang-buhay mong pagdudusaan ang pagkitil mo sa kaniya. Ikaw Ruiz, inalisan mo ako ng pagkakataon na maging ina sa ikalawang pagkakataon! Kaya tanggapin mo ang consequence sa nagawa mo sa akin! Makakaalis ka na hindi na kita kayang kausapin pa!" mabigat na bigkas ni Katarina.

Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon