LUIS has been drinking beer all the time and has been frequently coming to different Clubhouses for the past Month. He is currently in the VIP seats from Rudny Aragon's newly opened clubhouse. The Sneak Peek Clubhouse, he's been there for a while. He can't count how many bottles of beer he's consumed. But he has no intention of stopping.
"Boss Luis, tara na pong umuwi. Maaga pa ang flight niyo papunta sa Paris," wika ni Ramil na kakalapit lamang mula sa kinaroroonan niya.
Ngunit tila wala siyang naririnig at ipinagpatuloy niya ang pag-inom.
"Ram, gusto ko iyong babaeng nasa kaliwang gilid. Take her with me." Iyon ang sinabi niya. Nanatiling siyang tutok sa mga babaeng hapit at manipis ang bawat kasuotan. Sumasayaw sa maharot na tugtugin, ang makukulay na ilaw ay nagbibigay akit sa paningin ng mga costumer na nanunuod.
"Sige Boss, kausapin ko si Sha-Sha," tugon ni Ramil. Yumuko pa ito bago tuluyan umalis sa harap ni Luis.
Naglakad na ito palayo, hindi para mapuntahan si Sha-Sha na manager sa club house. Kung 'di lumipat sa lugar na hindi masiyadong malakas ang tugtugin.
"Yes, hello... Oo, narito kami ulit sa club house ni Aragon. Ayaw pa niyang umuwi, saka mayroon pala siyang gustong iuwi na babae," pakikipag-usap nito sa kabilang linya.
Napa-cross arm naman sa dibdib si Katarina na katawagan naman ni Ramil. Napabuntong-hininga ito, habang naiiling ang ulo. Sa ilang beses na kinukumusta niya ang kalagayan ng asawa ay hindi niya nagugustuhan ang ibinabalita lang naman ni Mang Ramil sa kaniya.
"Is that so? Just let me know when he gets home. Pinapasabi kasi ni Claims kung kailan sila magkita ng Papa niya. Sobrang miss na kasi niya ito." Katarina bit her lip. Upang hindi siya pumiyok dahil sa napipinto niyang pag-iyak.
Dahil maging siya man ay sobra na rin niyang miss ang lalaki. Ngunit mukhang kinalimutan na talaga sila ng asawa niya.
"Sige ija, bukas na bukas din ay kakausapin ko si Boss. Balikan ko na lang siya roon sa loob." Tuluyan naman pinatay nito ang tawag.
Walang imik na ibinulsa ulit ni Ramil ang celpon. Sinenyasan na niyang sumunod ang iba pang kasama nilang tauhan. Nang makabalik nga ito ay nasa upuan na nito ang babaeng natipuhan lang naman ni Luis. Abalang humahaplos sa nakabukas na polo ng Amo niya.
"Tara na Boss, nasa labas na ang kotse." Pagtawag-pansin niya sa Amo.
Tumayo naman na si Luis habang umaakbay sa babaeng iuuwi nito ngayon.
PAGKAGISING ng umagang iyon ni Luis ay sobrang nanakit ang ulo niya sa dami ng nainom niyang alak kagabi. Again, he threw his cell phone by the bedside; it was filled with missed calls and messages from his wife, Katarina. Hindi niya pinagkaabalahan na mag-reply o tawagan ito. Nakapag-desisyon na siyang putulin ang kahit na anong koneksyon sa mag-ina niya. Hindi na mababago iyon.
Isang katok mula sa pinto ang umagaw sa pansin niya. Madilim sa silid niya, dahil sarado pa ang blind curtain sa loob. Kita niyang pumasok si Seselia, may dala-dala itong tray na naglalaman ng mainit na sopas at tubig na pinagpapawisan pa sa lamig. May mga tableta rin na nandoon.
"Ang mabuti pa ay kumain ka muna ijo. Nagbilin si Ramil na may susundo sa iyo mamaya para sa flight mo papuntang Paris," sabi nito na inilapag na sa may side table ang dala-dala.
Ngunit hindi natinag mula sa kinahihigaan si Luis. Dahil nanatili siyang nakahiga at ipinikit pa nang tuluyan ang mga mata.
"Get out, Nana; I don't want to eat."
BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Romansa"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...