Chapter Thirty One

109 1 1
                                    


MATAMAN naman na nagmamasid si Klaire sa paligid.

Nasa isang malaking pagtitipon sila, as usual kasama niya si Luis. Bagamat magkatabi sila ay tila hindi siya nito kasama sa mga sandaling iyon. Dahil sobra itong busy sa pakikipag-usap sa mga taong nakakakilala rito.

Kaagad niyang binalingan ng sulyap ang anak na napalapit sa kaniya. Kasama nito ang yaya na hired ni Luis, ayaw sana niyang pumayag noong una. Dahil kayang-kaya naman niyang alagaan si Claims. Pero wala na siyang nagawa, kagustuhan iyon ng lalaki na dapat masunod.

Magmula ng gabing iyon ay lalong lumaki ang puwang sa pagitan nila nito na lalong nagdudulot na mabigat na pakiramdam kay Klaire.

"Mama, hindi pa ba tayo uuwi?" Ang tanong ni Claims.

"Sandali lang anak at kakausapin ko ang Papa mo, in the meantime ay magpasama ka muna kay Yaya Angie na kumuha ng makakain sa buffet table okay," sabi naman niya.

Mabilis naman na sumunod ito sa utos niya. Muli niyang binalingan ang kinaroroonan ni Luis, ngunit sa pagtataka niya ay hindi na niya ito matanaw.

Nag-umpisa siyang maglakad upang hanapin ito sa karamihan ng tao na nasa paligid. Naiinis na siya sa pinagagawa nito sa mga nakalipas na linggo.

Hanggang sa hindi na niya napansin ang bulto ng isang tao na nabangga niya. Kamuntik pa siyang matumba, mabuti na lang at maagap ito at nahawakan siya sa kamay.

"You must be extra careful next time Ms. Klaire Hendoza." Nakataas ang sulok ng labi ni Don Darius na mataman siyang pinagmamasdan.

"I-I'm sorry sir, hindi ko kayo napansin, may hinahanap kasi ako." Hinging-paumanhin ni Klaire. Ilang beses pa siyang napayuko. Katulad ng unang nilang pagkikita ay napakarami pa rin ng tauhan nitong nakapalibot dito. Puting-puti ang suot nito mula ulo hanggang paa.

Hindi naman dito nababagay, dahil ayon na rin kay Luis mismo. Walang kasing-sama ang isang tulad nito.

"Don't be sorry, otherwise I can help you if you need. Si Luis ba ang hanap mo?" tanong nito ng hindi niya siya nakaimik.

Buhat sa narinig ay tuluyan nabaling na ang atensyon ni Klaire sa matandang lalaki. Bagamat may nagsasabi sa utak niyang dapat na layuan niya ito ay hindi niya mawari kung bakit nais niya itong kausapin pa rin.

"Nakita ko siyang papanhik sa second floor, kung gusto mo ay maari kitang samahan sa pagpunta roon," magaan ang tinig na wika nito.

"P-pasensiya na po, pero hindi na ho. Kaya ko naman, sige po at kailangan ko pa siyang mapuntahan kaagad at makausap," pag-e-excuse niya rito.

Akala niya ay lalayuan na siya nito, ngunit muli itong nagsalita.

"Can I talk you more, may gusto lang sana akong sabihin sa iyo," wika naman nito.

Nag-isip si Klaire kung hahayaan niya ang sarili na kausapin ito. Kabilin-bilinan pa naman ni Luis na 'wag siyang basta-basta makikipag-usap. Ngunit tila may sariling isip ang bibig. Dahil nakikita na lang niyang nakikipagpalitan ng salita sa Don.

"I'm glad na hinayaan mo akong makausap ka, alam ko naman na masama ang pakilala sa akin ni Luis sa iyo," tugon nito.

"Hindi ko rin maintindihan kong bakit, pero hindi iyon ang pakiramdaman ko. Iba po ang nais ihatid ng aking isipan," matapat naman na sabi ni Klaire. Tinanggap naman niya ang dalang inumin ng waiter na siyang dumaan sa may tabi nila.

Mukha hindi naman iyon ang inaasahan na marinig ni Don Darius buhat kay Klaire. Tila nagningning ang mga mata nito habang isang maluwang na ngiti ang pumunit sa labi nito.

"Nakapagtataka naman na mukhang hindi nabahiran ang isip mo ng tungkol sa akin. Kakaiba ka sa mga babaeng nakakasama ni Luis," humahanga nitong wika.

"Mawalang-galang na po, pero mukhang mali kayo ng pagkaintindi sa nasabi ko. Ang ibig ko lang hong sabihin na hindi buo ang paniniwala ko na masama na kayong tao. Dahil nanggaling lamang iyon sa taong malapit sa akin. Gusto ko po sa akin na malaman ko rin ang side niyo. Masama po ang maging mapanghusga, lalo at hindi nararapat iyon na gawin kahit sino pa kayo sa buhay ni Luis," diretsang sagot naman ni Klaire.

Lalong bumadha ang namamanghang titig ng Don sa dalaga.

"So do you want to ask something from me Ms. Hendoza?" Importanteng tanong na matagal ng gumugulo sa isipan ni Klaire.

Hindi niya aakalain na mabibigyan siya ng ganoon pagkakataon. Na malaman niya ang naging relasyon niya rito sa nagngangalang Julia na siyang babaeng unang minahal ni Luis.

"Isa lang naman po ang itatanong ko. Bakit niyo po nagawang agawin si Julia kay Luis?" direktang tanong ni Klaire na hindi binibitawan ng tingin ang mga mata ng Don.

Napansin niya ang biglang pag-iiba ng expresyon sa mukha nito. Ang kanina'y nasisiyahan na aura nito'y tulyan natabunan ng pagkamuhi.

"Iyan ba ang siyang sinabi sa iyo ng lalaking iyon?" may riin na wika nito.

Nang hindi siya umimik ay saka ito napatuwid ng tayo at iiling-iling na tinungga ng diretso ang hawak na champagne glass na naglalaman ng mamahalin na alak.

Isang malutong na tawa pagkatapos ang naghari. Gusto ng takasan ni Klaire ang mga sandaling iyon. Bukod sa nakakaagaw na sila ng atensyon sa mga taong malapit sa kanila. Natatakot pa si Klaire na anuman sandali ay lumitaw doon si Luis at lalo siyang maging kahiya-hiya. Ngayon siya binagbag ng damdamin kung bakit niya hinayaan ang sarili na hayaan makausap siya ng nangungunang kaaway ni Luis.

"Sige na po at aalis na ako, mukhang hindi ko po dapat ito itinanong sa inyo." Akma siyang tatalikod ng marinig niya muli ang pagtawag nito.

"Ija, no worries. Ayos lang sa akin na ikaw mismo ang nagtanong, kaysa sa iba ka pa maghanap ng kasagutan kung sa akin mo lang malalaman ang katotohan ng mga tanong mo about sa aking pinakamamahal na maybahay," wika naman nito na hindi pinagtakhan ang kabiglaan na bumalot kay Klaire.

"A-ano pong ibig niyong sabihin, si J-Julia ay asawa niyo?" paputol-putol na pagtatanong niya.

"You hear right ija, she's my wife at mali ka ng narinig kay Luis. Hindi ako ang umagaw, dahil ako ang nawalan. Nang magkaroon ng relasyon si Luis kay Julia ay mag-asawa na kami.

Parang bomba iyon na sumabog sa harapan niya. Hindi niya aakalain na ang isang katulad ni Luis Mendrano na tinatangala ng nakararami ay papatol sa babaeng may asawa na!

"I know na ikinagulat mo ang nalaman mo mismo sa akin at malabong paniwalaan mo iyon agad-agad. But why don't you ask him." Sabay ng pagbaling nito sa isang direksyon. Upang doon naman matuon ang pansin ni Klaire. Napansin na lang niyang wala na sa tabi niya si Don Darius.

"Naku ija, saan ka ba nagpu-punta. Nag-alala ako na baka nawala ka na.Tiyak akong kagagalitan ako ni Boss Luis," hinihingal nitong sabi ng makarating ito sa kinaroroonan niya.

"P-pasensya na Manong kung napag-alala ko kayo. Pero hinahanap ko kasi si Luis, alam niyo ba kung nasaan siya?" pagtatanong niya kahit na nabibigla pa rin siya sa mga nalaman tungkol sa ama ng anak.

"Ah, eh ija, ipinag-utos po kasi ni boss na huwag kong sasabihin kung saan man siya. Kung gusto niyo na rin naman umuwi, ibinilin sa akin na---" Ngunit hindi na pinatapos ito ni Klaire sa pagsasalita.

Dahil tuluyan na itong tinalikuran ng dalaga at isa lang ang tinutugpa ng kanyang mga paa.

"Klaire ija! sandali!" Habol pa sa kanya ni Mang Ramil. Ngunit nagbingi-bingihan na siya. Ang gusto lang niya ay mapuntahan si Luis at makausap.

Sa ibang dako naman ay makikita si Don Darius na mataman nakamasid sa lahat ng nangyayari. Bagamat nagtagumpay siyang siraan si Luis kay Klaire ay hindi lubusan ang tuwa na maramdaman ng Don.

"Anong susunod niyong plano?" wika ng isang tinig na nasa likuran niya.

"Pabayaan na muna natin sila, ang mabuting gawin mo ay manmanan ang bawat kilos ni Klaire at kung kakagat ba siya sa pain." Buhat doon ay tuluyan itong naglakad palayo kasabayan ng mga bodyguards nito. Naiwan naman doon ang lalaking nakatanaw sa nagmamadaling si Klaire.

Kaagad naman nakarating sa second floor si Klaire, tigmak na ng pawis ang noo niya. Ngunit wala siyang pakialam, ang gusto niya ay makaharap si Luis at makausap ito.

Nakita niyang malamlam na liwanag ng ilaw ang nakasindi sa buong hallway ng floor. Pansin niya ang magkakasunod na nakasaradong pinto. Dinig na rin niya ang papalapit na boses ni Mang Ramil. Ngunit hindi na siya nag-aksaya, isa-isa niyang nilapitan ang bawat pinto at pinagkakalampag.

"Luis! Luis! nasa loob ka ba, buksan mo itong pinto kailangan natin mag-usap pakiusap!" nagsisigaw niyang sabi mula sa labas ng mga nakapinid na pinto.

Dali-dali naman itong nilapitan ni Ramil sa totoo lang ay naaawa siya kay Klaire. Ngunit mas pinipili niyang sundin ang utos ng isang katulad ni Luis.

"Tama na iyan Klaire, hintayin mo na lamang si Boss Luis." Pilit na pangungumbinsi nito. Ngunit mukha hindi maawat ito.

"Pabayaan niyo na lamang ako Mang Ramil please," pakiusap naman ni Klaire. Habang patuloy sa pag-iyak.

Tuluyan naman nawalan ng lakas ng loob si Ramil at hinayaan na lang ang dalaga.

Patuloy sa ginagawa si Klaire, akma niyang hahawakan ang door knob ng ikaapat na pinto ng magbukas ang katapat na silid niyon.

Nang lingunin iyon ni Klaire ay halos manggilalas siya sa nasaksihan. Si Luis iyon na blangko ang expresyon sa mukha habang bukas ang butones ng suot nitong polo kaya kitang-kita ang matikas nitong katawan. Ngunit hindi naman iyon ang ikinagulat niya.

Kung 'di ang sexy'ng babae na biglang pumupulot dito.

"Who is she, bakit ka niya hinahanap?" tanong nito sa binata na nanatili pa rin nakatitig kay Klaire.

"Don't mind her, pumasok na tayo. Ayukong nag-aaksaya ng panahon." Tinapunan muna nito si Ramil na nasa may 'di kalayuan. Kaagad naman itong napalapit kay Klaire at inilayo.

Tila nawalan siya ng lakas at nanlalambot si Klaire. Dinig pa niya ang pagsasara ng pinto, ganoon na rin ang pagtatapos ng maayos nilang relasyon ni Luis.


A/N

Hello po sa mga readers ng LWTMB, ipinapaalam ko na matitigil muna ako saglit sa pagu update neto. Need ko muna kasing basahin ito mula simula hanggang sa end chapter, para tuloy tuloy na itong matapos. Paki abangan na lang po sa October ang announcement. Salamat sa pang unawa :)

Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon