NGINITIAN lang ni Katarina ang kaibigan si Havanah nang tuluyan pumasok sa unit niya ito. Binalingan pa nito ang dalawang tauhan ni Luis na nagbabantay mula sa labas ng pinto.Dahil sa nangyari sa convenient store ay nagpadala na si Luis ng mga magbabantay sa kanilang mag-ina. Maging si Ramil ay panay ang punta sa kanila upang i-check sila, gusto man magtanong pa ni Katarina kung kumusta na ang amo nito ay pinapangunahan siya ng pride.
"Thank God, you're okay. Kung 'di mawawalan pa ako ng talented na kaibigan," nag-aalalang sambit ng kaibigan nang makapasok ito.
"Salamat sa pag-aalala, hindi naman ako nasaktan. Luis saved me," bigkas niya. Tuluyan silang naupo na dalawa sa sofang naroon.
"Wait, is that Claims' Daddy? You two are back together! I thought you were split. Is that why Ruiz no longer appears here? You understood we were better matched," Havanah remarked with a laugh.
Maging si Katarina ay hindi na rin mapigilan matawa. Magmula nang ipakilala niya si Ruiz sa kaibigan ay lihim na nagka-crush ito sa binata. Kung hindi lamang seryuso ang lalaki tiyak ibinuyo na niya ito sa kaibigan na si Havanah.
"Oh, stop! Simply because Claims Papa rescued me, do we have to reconcile? Hindi ba pweding wala lang iyong nangyari." Mabilis niyang deny.
Kinuha na niya ang isang baso ng pineapple juice na nasa tray kung saan dinala ng isang katulong para sa kanila ng kaibigan niya. Padala rin iyon ni Luis, lahat ng pangangailan nila ay ibinibigay nito nang kusa.
"Talaga huh, ibinuwis niya ang buong buhay niya sa'yo wala talagang ibig sabihin iyon? Saka naguguluhan ako sa kwento mo sa akin. Hindi ba't kaya kayo nagkahiwalay dati ay dahil binaril ka niya noon pa lang sa isla Demorette," salasay nito.
Katarina was unable to talk. Havanah was correct; even she was confused by Luis' acts. Because if he had tried to take her life earlier, he wouldn't have gone there just to protect her, throwing Luis' life in peril.
"I believe you need to talk. Para sa ikabubuti ng lahat, hindi na biro ang lahat ng nangyayari," payo pa ng kaibigan sa kaniya.
Tumango na lang din si Katarina bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan niya.
IMINULAT ni Luis ang mata matapos na bumukas ang pinto ng silid niya at pumasok si Ramil kasama ang ilan sa mga tauhan ng Mafia Mendrano Familia.
"Ram report," Luis commanded. Ramil nodded and immediately mandated all of the staff members with him to head out after addressing the mob boss.
"Boss, tama kayo. Pakana ni Don Agoncillo ang pagbabaril sa convenient store, isa pong tauhan niya na nadakip ang nagpatunay niyon." Pagbibigay naman nito ng nakalap na impormasyon.
Bigla naman napakuyom ng kamao si Luis, napatiim bagang siya sa nalaman. Hindi niya aakalain na binuhay niya ang tiyuhin sa ilang beses nitong mga nagawang kamalian sa familia ay tinangka pa rin nito ang buhay niya sa huli.
Pinakatitigan niya si Ramil bago muling umimik. Sa pagkakataon na iyon ay hindi niya mapapalagpas ang ginawa nito.
"Ram, sabihan mo ang lahat ng tauhan natin. Kung kinakailangan na halughugin ang bansang ito para matukoy natin kung saan naglulungga ang traydor na si Don Agoncillo gawin niyo upang makita siya at mahuli!" mariin niyang utos sa kanan kamay.
"Yes boss masusunod." Yumukod na ito bago tuluyan umalis sa harapan niya. Ngunit maagap itong pinigilan ni Luis.
"Ramil, alam kong hindi mo ako bibiguhin. Kapag natagpuan siya, huwag niyo muna siyang patayin dahil gusto kong ako ang kikitil sa buhay niya dahil sa pagtatangka sa buhay ng mag-ina ko." Pahabol ni Luis.
BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
عاطفية"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...