Napapikit ako nang tumama saakin ang malamig na hangin. Medyo tinatamaan na ako ng alak kaya nagpaalam ako sa mga kaklase ko na magpapahangin lang ako saglit. Nandito kasi kami ngayon sa isang bar malapit sa university na kong saan ako nag aaral. Nag kayayaan kasi ang mga kaklase ko na mag inuman para icelebrate ang pagtatapos ng semester.
Sa ilang buwan ba naman na magsunog ng kilay, kailangan din mag chill kahit minsan. Nagpakawala ako nang malalim na hininga bago nag mulat ulit ng mata. Atleast naka survive ako ngayong semester. Next week siguro ay magsisimula na akong mag hanap ng trabaho. Para makapag ipon na ako sa susunod na pasukan.
Hindi pwedeng hanggang ngayon ay aasa parin ako sa padala ni mama. Masyado na akong matanda para umasa sa kanya. Kahit na sinasabi niyang huwag akong magtrabaho at mag aral nalang nang mabuti. Para kahit papaano ay makabawi naman ako sa kanya.
Muntikan na akong mapatalon mula sa pagkakaupo ng mapansing hindi lang ako nag iisa. Mula sa kinakaupuan kong bench ay napansin ko ang pamilyar na bulto. Nakatayo ito sa gilid ng bench na kinakaupuan ko. Nakalagay ang pareho niyang kamay sa suot niyang hoodie at nakatingin sa buwang nakangiti.
Nakatingala ko itong tinignan, bigla akong kinabahan nang tumingin din ito saakin at mag tama ang paningin naming dalawa.
"U-umm.. gusto mong umupo, senior?"sabi ko dito. Bigla akong na awkward. Normal lang naman siguro na yayain ko siyang umupo, kahit ayaw ko siyang makatabi ay umurong ako sa kabilang dulo ng bench para makaupo siya sa kabilang dulo. Mas nakakailang kong nakatayo lang siya sa gilid ng kinakaupuan ko.
"Thanks."nakangiting sabi niya at umupo sa kabilang dulo ng kinakaupuan ko. Siguro may tatlong dangkal ang layo namin sa isat isa. "Are you okay?"pagpapatuloy niya dahilan kong bakit napalingon ako sa kinakaupuan niya.
He is keens. Senior nang department namin, at ako naman ay isang junior. Sikat ito sa department namin I mean, hindi lang sa department namin, kundi sa ibang department din. Hindi na ako magtataka dahil guwapo ito at isa sa mga top ranker ng university at Mukhang mayaman din dahil palaging branded ang suot, kahit simple lang ang suot ay halatang mamahalin.
Huling taon na niya sa susunod na pasukan. Samantalang ako naman ay may dalawang taon pa bago makapagtapos ng college. I'm jealous of him. Gusto ko nang maging isang fulltime worker para magkapera na ako at makatulong kay mama. Para mapaalis ko na siya sa trabaho niya ngayon.
Ang trabaho kasi ni mama ay isang nurse sa isang psychiatric hospital. Palagi akong nabubully noong elementary hanggang sa nag high school ako dahil sa trabaho ni mama, kaya pati ako ay naaapektuhan. I hate her work. Nang mag college ako ay pinili ko ang malayong university para walang makakilala saakin.
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Ayos lang ako, senior."pilit akong Ngumiti at nag iwas ng tingin. Hindi naman kasi kami close neto kahit nasa iisang department lang kami. Bihira lang kami mag usap, at kapag nag uusap kami ay tungkol sa school work lang. Kaya nakakailang lang nang bigla itong lumapit sa kinakaupuan ko kahit marami namang bakanteng bench.
Tinanggal ko nalang ang mga negatibong Pumasok sa isip ko at tumingin nalang sa mga taong nakaupo sa Bermuda grass di kalayuan. Sa harap kasi ng bar na pinuntahan namin ay isang park.
"That's good.. by the way, ito ang unang pag sama mo sa gatherings ng department."
"Hmm.."pag sang ayon ko. Ito nga ang unang pagsama ko. Pag katapos kasi nang klase ay dumadaretsu na kaagad ako sa apartment para mag aral. Palagi naman nila akong inaaya ngunit ako lang ang palaging tumatanggi. Siguro ito ang dahilan kong bakit wala akong naging kaibigan sa loob ng dalawang taong pag aaral ko sa university.
Well, it's not like I need friends. Ang top priority ko lang ngayon ay makapagtapos ng pag aaral.
Isang mahabang katahimikan ang namagitan saamin. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ako magaling magsimula nang usapan. I want to go home and sleep, pero hindi ako makatayo dahil nahihiya ako. Baka ma offend ko ito pag umalis ako at iwan siyang mag isa. He is my senior and I respect him.
Saglit lang sana akong magpapahangin at babalik na ulit sa loob pero ngayon ay gusto ko nang umuwi. All of the sudden, nakaramdam ako nang matinding pagod.
"Don't you like me? am I making you unconfortable?"basag niya sa katahimikan dahilan kong bakit muli akong napalingon sa banda niya. Muli nanamang tinambol ang dibdib ko ng kaba. Naguguluhan sa sinasabi niya.
"N-no..senior. "Mabilis na sabi ko kahit ang totoo ay hindi ako kumportable sa presensya niya. It's not like I don't like him. Ayoko lang makasakit nang damdamin o maka offend nang tao. white lies kumbaga.
"Really? so you're the shy type?" nakangiting tanong niya. Nakatabi pa ang ulo habang nakatingin sa pwesto ko. Unti unti kong naramdaman ang pag iinit ng mukha ko sa sinabi niya.
"Hindi naman sa ganoon, senior."sabi ko at naunang nag iwas ng tingin dahil masyado itong madiin kong tumingin.
"It's okay. Hindi mo naman kailangan mag sinungaling. I'm sorry for disturbing you-"
"I said, hindi nga sa ganoon, senior keens!"medyo napataas ang boses ko nang sabihin yon. Halata sa mukha niya ang gulat, unti unting nawala ang ngiti sa labi niya. Mariin kong nakagat ang labi ko dahil pati ako ay nagulat sa paraan nang pananalita ko.
"I'm sorry for calling you a liar.. I didn't mean to get on your nerves. I went to far-"
Tumayo ako."No, senior. Im sorry.. hindi ko sinasadyang mapagtaasan ka ng boses. Hindi ko lang alam kong paano makipag usap sayo. I think i'm drunk, kaya uuwi na ako. thanks for inviting me to this gathering."kinakabahang sabi ko habang nakatingin sa nanlalamig kong kamay.
I messed up.
Nang hindi ko ito marinig mag salita ay saglit akong sumilip sa kanya nang mapansing Tumayo din ito ay napaayos ako nang tayo. Ngayon ko lang napansin ang agwat ng height namin.
"Ill take you home."sabi niya at unang nag lakad at tinalikuran ako.
BINABASA MO ANG
NO WAY OUT
RomanceSALVADORE 1 Top 1 in Obsession ( October 26 2022) Top 7 in romance (October 26 2022) Top 6 in Possessive (October 26 2022)