KABANATA 38

2.2K 38 0
                                    

Napamulat ako at kaagad napahawak sa ulo dahil pakiramdam ko mabibiyak ito. Napatingin ako sa paligid nang kuwarto ko at gulat na napatingin sa mga ibat ibang klase nang mga kilalang brand, mga nakalagay pa sa mga box o paper bag at nagkalat ito sa paligid.

Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon. Nakadalawang bote kami nang wine bago niya ako niyayang pumunta nang mall, akala ko magpapasama lang siya. Pero doon ako nagkamali, hinila niya ako sa ibat ibang kilalang shop, kung ano ano ang pinagtuturo. Gusto pa nga niyang sa dubai magshopping. At pagkatapos magshopping ay dumaretsu kami sa isang kilalang club.

Sa unang pagkakataon, nalasing ako. Halos hindi ko na maalala ang buong nangyari. I'm wasted. Napatignin rin ako sa pantulog ko na damit, i dont remember changing.

Kaagad akong dumaretsu sa banyo para mag freshen up. Halos ayaw ko nang umalis sa bath tub dahil ang sarap non sa pakiramdam, lalo na nang malamig na tubig. Pagkatapos mag ayos nang sarili, kaagad kong itinabi sa gilid nang kwarto ang mga bigay ni Mrs salvadore.

Hindi ko alam kong para saan ang mga ito.

Habang nag aayos ay napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Napaupo ako sa kama bago ito sinagot.

"Ma."kaagad na bati ko.

"Tumawag ako para ipaalam sa iyo na nasa pilipinas na ang kaibigan ko. Binigay ko rin ang number mo sa kanya, she'll contact you soon."tuloy tuloy na sabi niya. Halos hindi ko siya maintindihan dahil pumipintig ang ulo ko sa sakit.

"Yes, thank you.."

"Oo, sige. Balitaan mo ako. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho."sabi niya bago namatay ang tawag.

Napatitig ako sa kisame habang iniisip kung ano ang ibang nangyari kahapon. I remember puking on someone. Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni senior keens. Yeah, that's right. Siya ang sumundo saakin. Tapos sumuka ako sa kotse? Bakit ang naalala ko ay si senior ang nasukahan ko?

Huh?

Napabangon ako sa pagkakahiga. Unti unting uminit ang mukha ko nang mag dugtong dugtong ang nangyari. Una akong sumuka sa kotse niya, tapos inaway ko siya sa elevator at nasukahan siya.

Kinakabahang binuksan ang pinto nang kuwarto. Sumilip ako at tinignan ang paligid. Nang mapansing hindi ko siya nakikita, kaagad akong dumaretsu sa baba. Dahan dahan pa ang kilos ko. Nang mapansing wala ito sa kusina ay nakahinga ako nang maluwag.

May pagkain na rin sa lamesa at may note din.

"Take two tablet for your hang over. May soup din, initin mo nalang kong sakaling late ka na magising."

Ganon na nga ang nangyari, pagkatapos kong ubusin ang soup na gawa niya at uminom nang gamot, nakatulog ako. Pagabi na nang magising ako. Ayos na rin ang pakiramdam ko, kaya naisipan kong magluto nang dinner namin. And then i remember na ilang araw na kaming hindi nagsasabay kumain.

Napansin kong hindi kami gaanong nag uusap simula nang magtalo kami noong nakaraang araw. But he's still taking care of me, uncomplaining. Na para bang nag iingat siya sa ikinikilos niya.

Kung wala sana siyang problema sa isip. Perpekto na sana ang relasyon namin.

Napahiga ako sofa habang nakatingin sa ikalawang palapag nakong saan nagsimula ang away namin. Kung hindi ko lang sana nalaman namay ganyang bagay siyang tinatago sa kwarto na iyan.

Napabuga ako nang hangin at tinakpan ang mata gamit ang braso.

Stupid, junny. Hindi ka rin naman perpekto.

Napamulat ako nang may tumamang ilaw sa mata ko. Kinusot kusot ko iyon habang bumabangon, nakaidlip nanaman pala ako. Napatingin ako sa pamilyar na bultong nakatingin saakin, halata sa itsura niya ang gulat.

Anong oras na ba? bakit ang tagal naman ata niyang umuwi ngayon?

"Hey.."bati niya habang tinatanggal ang suot na coat at neck tie."How are feeling?"tanong niya habang hindi nakatingin saakin. Pinagkunutan ko siya nang noo dahil he's acting weird, i mean weird naman talaga siya. Pero iba lang ang kinikilos niya ngayon.

"Fine. Uminom ka?"tanong ko.

Napatingin siya saakin, hindi niya ata inaasahang kakausapin ko siya. "A bit, nagkayayaan lang pagkatapos nang team dinner."sagot naman niya, hindi alam kong lalapit ba saakin o aakyat na sa itaas para magbihis.

Napabuga ako nang hangin bago nahiga ulit sa sofa. So kumain na siya? nag luto pa naman ako para sabay kaming kumain. Tumambay pa ako dito sa baba dahil hinihintay siya.

Biglang uminit ang damdamin ko. Bakit ba ako naiinis sa simpleng bagay na yan. Tsk, hindi naman kailangan palagi kaming sabay kumain. Napatingin ako sa ikalawang palapag nang umakyat siya at pumunta sa kuwarto niya.

Naiinis na bumangon ako at pumunta sa kusina para kainin ang luto ko. Nanlalabo ang mata kong sumusubo nang kanin. Masyado na ata akong nasasanay sa kanya, hindi magandang senyales ito.

Napainom ako nang tubig nang pumasok siya sa kusina. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain. May kung anong kinuha siya bago umupo sa harapang bahagi nang kinakaupuan ko. Napatingin ako sa plato niyang may maraming laman nang kanin.

What is he doing? Akala ko ba nag dinner na sila sa labas. Bakit kumakain pa siya? kulang pa ba ang kinain niya kanina sa team dinner daw nila? tsk.

Pinanood ko siyang magsandok nang adobo at inilagay sa plato niya. Napatingin ako sa pagkain ko.

"Akala ko ba may team dinner kayo."sabi ko habang nakatoon ang pansin sa sariling plato.

"Yeah, pero hindi ako kumain, nandoon lang ako because father wants me to be there."

Hindi mo naman kailangan mag paliwanag.

"When will you be free?"muling tanong ko.

Napatigil siya sa ginagawa at itinoon ang atensyon saakin."Why? are you bored here? do you want to go somewhere? do you want me to go with you?"tila excited na sunod sunod na tanong niya. Pinagkunutan ko siya nang noo.

"Im talking about mama's friend."paglilinaw ko.

"Oh. The therapist."mahinang sabi niya at nagpatuloy sa pag kain.

May kung anong kumurot sa dibdib ko. Tumikhim ako.

"Yes. Nasa pilipinas na siya.."sabi ko at uminom nang tubig."If you don't want to, it's f-fine.. i guess."medyo naiilang na sabi ko.

"It's okay, kung iyon ang ikakapanatag mo. I'll do it."seryosong sabi niya."Im free tomorrow."

Tumango ako bilang sagot. Medyo nakahinga nang maluwag dahil madali siyang kausap.

NO WAY OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon